"Sorry"
Sorry...
Ginusto kita.
Sorry...
Minahal kita.
Sorry...
Dahil hindi mo pala gusto ang aking nadarama.
Sorry...
Dahil hinayaan ko ang sarili kong mahalin ka.Sorry...
Hindi ako siya.
Sorry...
Hindi ko kasi mapapantayan kung ano man siya.
Sorry...
Kasi hindi kami magkatulad.
Sorry...
Kasi kahit kailan hindi ako magiging siya.Sorry...
Hindi pa pala sapat sayo na nariyan ako tuwing may problema ka.
Sorry...
Hindi pa pala sapat sayo lahat ng ginagawa ko para mapasaya ka.
Sorry...
Hindi mo pa pala ramdam na gusto na kita.
Sorry...
Hindi mo pa pala ramdam na mahal na mahal na kita.Sorry...
Dahil mahirap para sakin ang ipaubaya ka.
Sorry...
Kung dahil sakin hindi ka masaya.
Sorry...
Hindi pa pala ako sapat para sayo.
Sorry...
Dahil minahal kita ng lubos pa sa inaakala ko.Sorry...
Kung nagawa kong magpakatanga sayo.
Sorry...
Hindi ko kasi napigilan 'tong nararamdaman ko.
Sorry...
Pero hanggang sa huli hindi ko kayang pagsisihan na minahal kita.
Sorry...
Dahil naranasan kong maging masaya kahit sa sandaling panahon habang kasama kita.😔😪
------------------------------------------
Don't forget to vote, comment and share! 😊
Thanks for reading! ❤
BINABASA MO ANG
Iba't-ibang Eksena sa Pag-ibig
PuisiAno nga ba talaga ang PAG-IBIG? Ano ba talaga ang ganap dito? Ano kaya ang pakiramdan nito? A poem collection by AnneyzingGirl. Mga tulang parang may malalim na pinaghuhugutan. Lahat ng mga nararamdaman, inilalabas ko sa pamamagitan ng pagsulat ng...