"ANG HIRAP MAG MAGKAGUSTO NG TAONG MAY GUSTONG IBA"
Andito nanaman ako,
Sasambit ng mensahe para sayo.
Mga mensaheng hindi ko kayang sabihin sayo.
Idadaan nalang sa tula sinta ko.Hay nako,
Katagang yan nalang ang masasabi ko.
Isipan ko'y gulong-gulo.
Di maintindihan, pati damdamin ko para sayo.Kaibigan mo 'ko,
Kaibigan kita
Gusto mo siya.
Alam ko hanggang dito lang ako.Sa sandaling panahon na nakilala kita,
Sa sandaling panahon na yun,
Ewan ko ba,
Ewan ko ba kung bakit ganito ang nadarama.Unti-unti kong pinaparamdam na gusto kita.
Unti-unti.
Pero wala.
Manhid ka, at sa isang iglap nalaman ko,
Nalaman ko na gusto mo na pala siya.Bakit ba 'ko nagkaka ganito?
Sa tuwing kausap kita ganun nalang kasaya ang puso ko?
Ang lahat ay tila nalilimutan ko.
Kapag ikaw na ang kausap ko.
Bakit ba ganito?
Alam kong hindi dapat 'to.
Bakit ganito?
Hindi ko maintindihan, alam kong mali pero ba't ganito?
Naguguluhan na ako sa sarili ko.Ang hirap nga namang magmahal ng taong may gustong iba.
Yung nagmumukha ka lang tanga.
Umaasa sa kanya,
Umaasa sa mga "sana",
Umaasa na mabubuo ang "tayo",
Umaasa sa 'ting dalawa.
Isang malaking tanga.Damdamin ko sayo,
Kailangan na sigurong pigilan ko.
Itatatak nalang sa isip ko,
Na gusto mo siya,
At KAIBIGAN MO LANG AKO.Kaibigan mo 'ko,
Kaibigan kita.
Gusto mo siya.
Alam ko hanggang dito lang ako.☺🙃💔
------------------------------------------
Don't forget to vote, comment and share! 😊
Thanks for reading! ❤
BINABASA MO ANG
Iba't-ibang Eksena sa Pag-ibig
PoetryAno nga ba talaga ang PAG-IBIG? Ano ba talaga ang ganap dito? Ano kaya ang pakiramdan nito? A poem collection by AnneyzingGirl. Mga tulang parang may malalim na pinaghuhugutan. Lahat ng mga nararamdaman, inilalabas ko sa pamamagitan ng pagsulat ng...