XI - Hindi Ko Inakala

13 1 0
                                    

"HINDI KO INAKALA"

Noong makilala kita,
Akala ko iba ka sa mga lalaking nakilala ko.
'Yung tipong babakla-bakla,
Pero lalaking-lalaki magmahal ng totoo.

'Dun mo 'ko nabihag sa mga ngiti at tawa mo.
Pati sa mga jokes mo na medyo waley,
Pero go lang.
Basta napapasaya mo ang mga tao sa paligid mo.

Ikaw 'yung tipo ng lalaki na,
Ipaparamdam sayo kung gaano ka kahalaga para sa kaniya.
'Yung tipong hindi mo kayang may mawala.
Na para bang hindi mo kayang maiwan ng mag-isa.

'Yun ang mga bagay na minahal ko sayo.
Mga bagay na bumulag sa mga mata at puso ko.
Hindi ko kasi inakala na lahat ng 'yun ay hindi totoo.
Na lahat ng 'yun ay patibong mo para manloko.

Hindi ako makapaniwala nung malaman ko ang totoo.
Ibang-iba sa nakilala 'kong ikaw ang totoong ugali mo.
Hindi ikaw 'yung tipo ng lalaki na masarap asarin.
Kasi nga isa ka palang pikonin.

Ikaw 'yung tipo ng lalaki na mahilig mang-asar.
Pero 'pag ikaw na 'yung inasar,
Ambilis mong mapikon.
Sa mga asaran at birong 'di dapat sineseryoso.

Ikaw 'yung tipo ng lalaki na nagmumura.
Kahit babae pinapatulan mo.
'Kahit na sa maliit na problema,
Pinapalaki mo.

Kaya ngayon napagtanto ko na,
Mali pala na pinili kita.
Sa lahat ng naging babae mo,
Ako lang daw ang nakatiis sayo.

Nabulag kasi ako noon ng mga matatamis mong salita.
Na nag-paasa lang sa puso't damdamin 'kong mahina.
Hindi ako naging matalino sa pagpili sayo.
Kaya ngayon pinagsisisihan ko na na nangyari lahat ng 'to.

❌❌❌

------------------------------------------
Don't forget to vote, comment and share! 😊
Thanks for reading! ❤

AnneyzingGirl

Iba't-ibang Eksena sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon