XVII - 'Wag ka sa kaniya, 'Wag ka sakin

15 1 0
                                    

— 'Wag ka sa kaniya, 'Wag ka sakin —


Sa dinami-dami ng babae sa mundo,
Bakit siya pa ang minahal mo?
Kaibigan, 'wag ka sa kaniya.
Siya 'yung babaeng hindi ka mahal-mahal at walang kwenta.

Marahil sa paningin mo'y sobrang ganda niya.
Pero kaibigan, 'wag kang magpalinlang sa taglay niyang kagandahan.
Walang nakakaalam at marahil hindi mo mapapansin,
Na sa likod ng gandang taglay niya, ang puso mo'y maaari niyang punitin.

Mukhang anghel, pero hindi naman talaga.
Maraming sikreto ang demonyo na hindi niya masabi-sabi sa iba.
Maaari ka niyang sirain.
Hindi man pisikal, pero ang puso't-kaluluwa mo'y maaari niyang sunugin.

'Wag siya.
Humanap ka ng iba at 'wag na 'wag ka ng babalik pa sa kaniya.
Maaaring hindi kapani-paniwala ang mga sinasabi ko,
Pero pakiusap, lumayo ka na.
Dahil hindi siya 'yung babaeng inaakala mo.

Pakiusap, 'wag ka sa kaniya.
Alamin mo ang iyong halaga.
Lumayo ka na habang maaga pa.
Lumayo ka na bago ka pa masaktan o madurog ng dahil sa kaniya.

Pagkasira lang ang maidudulot niya sa iyo.
Hinding-hindi ka niya papatahimikin.
Ayaw mong maniwala?
Sinasabi ko lahat ng 'to dahil mahal kita.
Kaya pakiusap, lumayo ka na sa kaniya bago ka niya sirain
Pakiusap, mahal, lumayo ka sakin.

😔😔

------------------------------------------
Don't forget to vote, comment and share! 😊
Thanks for reading! ❤

AnneyzingGirl

Iba't-ibang Eksena sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon