III - Gulong-gulo

28 2 0
                                    

"Gulong-gulo"

Bakit kailangan mong iparamdam sakin na importante ako sayo?
Na mahalaga ako sa buhay mo?
Na hindi mo kayang mabuhay ng wala ako?
Na parang 'mahal' mo na rin ako?

Bakit ganito na lang ang epekto mo sakin?
Na kapag andiyan ka,
Parang kinakapos ako sa hangin.
Hindi ko mapigilan ang halo-halong pakiramdam,
Na namumuo sa aking damdamin.

Bakit pakiramdam ko, Mahal mo na rin ako?

Na bawat oras at sandali, Inaalala mo ako.
Na kapag may problema, kakausapin mo ako.
Na kapag may mangyari sakin, poprotektahan mo ko.
Na sa kalungkutan ko, papasayahin mo ako.
Na 'pag sinabi kong "I LOVE YOU", sasagutin mo rin ako ng "I LOVE YOU, TOO".

Pero lahat-lahat pala ng ito,
Sa kathang-isip, imahinasyon at sarili ko lang nabuo.
Binuo ng mga paniniwala at pag-asa ko sayo,
Sa lahat ng ipinapakita at ipinaparamdam mo.

Diyan ako nagkamali pala.
Ang maniwala sa mga kilos mong ipinapakita.
Na nag-udyok naman sakin para umasa.
At paniwalain ang sarili kong merong 'TAYO', kahit wala naman pala.

Nakakabobo na 'to.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko.
May karapatan ba akong masaktan dahil wala naman palang 'TAYO'?
May karapatan ba akong magalit kahit ako naman 'tong umasa sayo?

Kailan pa kaya 'to matatapos?
Kailan pa kaya masasagot lahat ng 'BAKIT' sa isip ko?
Kailan ko pa kaya matatanggap na hindi pwede ang 'tayo'?
Kailan pa kaya titino ulit itong isip kong gulong-gulo?

🙈🙉🙊

🙈🙉🙊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


------------------------------------------
Don't forget to vote, comment and share! 😊
Thanks for reading! ❤

AnneyzingGirl

Iba't-ibang Eksena sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon