X - Pag-ibig sa Panaginip (Dagli)

23 1 0
                                    

"Pag-Ibig sa Panaginip"

Uwian na. Masayang nagkukuwentuhan ang mga estudyante palabas ng paaralan kasama ang kanilang mga kaibigan. Mga ngiti at tawa na para bang sinusulit na nila ang natitirang ilang minuto na magkasama bago sila maghiwa-hiwalay pauwi sa kanilang mga tahanan.

Mag-isa at tahimik akong naglalakad palabas na ng paaralan nung makita kita. Naghihintay ng may ngiti para salubungin ako. Nilapitan kita at hinawakan mo naman ang kanang kamay ko. At sabay tayong napangiti sa isa't-isa.

Napadpad tayo sa isang hardin ng mababango at mapupulang rosas. May mesa sa gitna ng hardin kung saan nakalagay ang tatlong scented candles na amoy rosas din at maraming talulot ng rosas ang nakakalat sa sahig.

Tinanong kita kung para saan ang mga ito, ngunit nginitian at niyakap mo lang ako ng mahigpit. Ilang minutong katahimikan at nanatili lang tayo sa ganoong puwesto. Binasag mo ang katahimikan na nagdadagdag sa lamig ng gabi sa pagsabi mo ng, "Masaya ako at nagkakilala tayo. Salamat sa paghihintay sa akin at salamat dahil hindi mo ako sinukuan. Mahal na mahal kita". Mga salitang kay sarap dinggin at nakakalambot ng puso. Hindi nasayang ang mga oras, araw, buwan at taon ng panunuyo at paghihintay ko sa iyo. Hindi nasayang ang mga pagtitiis kahit nasasaktan na ako kasi nga mahal kita. Pero masaya na ako ngayon kasi natutunan mo na ring mahalin ako.

Sa ilalim ng napakagandang buwan at maraming bituin, pinagsaluhan natin ang mga pagkaing sabi mo ay kayo mismo ng Mama mo ang nagluto. Masaya tayong nagkuwentuhan at tawanan. Nakinig din tayo sa mga paboritong kanta natin habang nakaupo sa damuhan ng magkatabi at nakatingala sa maliwanag na kalangitan. Sumagi bigla sa isip ko na ilang minuto na lang ang natitira at magkakahiwalay na naman tayo.

Hinawakan mo ako sa kaliwang kamay para alalayan sa pagtayo. Hinarap mo ako sa iyo at muling niyakap. "Ilang buwan na lang, Mahal. Pinapangako ko sayo, hindi na tayo muling magkakalayo pa. Mahal na mahal na mahal kita.", bulong mo sa tenga ko.

Sabay tayong lumabas sa hardin ng magkahawak ang kamay. Huminto tayo saglit. Hinarap mo ulit ako sayo at hinalikan ako sa ulo. Kitang-kita ko ang lungkot sa iyong mga mata. "Magkakalayo na naman tayo ulit, Mahal."

Pilit kung pinigilan ang nagbabadyang tumulo na mga luha sa mga mata ko. Pero hindi ko nakayanan. Sunod-sunod sa pagtulo ang aking mga luha habang pinagmamasdan kitang naglalakad palayo.

Napabalikwas ako sa pagkakahiga nung tumunog ang alarm ng cellphone ko. Umaga na pala. Napahawak ako sa aking dibdib at pinahiran ang basang parte sa pisngi ko. Mabilis ang tibok ng puso ko. Ika-pitong beses na ito na napapanaginipan kita at magigising na lang ako na umiiyak.

Ibang-iba talaga ang panaginip sa realidad. Sa panaginip kasi natutupad lahat ng gusto kong mangyari. Lahat ng bagay na gusto ko sa realidad, nakukuha ko sa panaginip. Kilalang-kilala kita, pero ako? Hindi ata ako nabubuhay sa mundo mo. Hindi mo ako kilala o mahal at ako lang ang nagmamahal sayo. Sa panaginip ko, merong 'tayo'. Pero sa realidad, walang 'tayo'. At 'yun ang mapait na katotohanan ng realidad.

------------------------------------------Don't forget to vote, comment and share! 😊Thanks for reading! ❤

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

------------------------------------------
Don't forget to vote, comment and share! 😊
Thanks for reading! ❤

AnneyzingGirl


Iba't-ibang Eksena sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon