XII - Tama Na Kung Nasasaktan Ka Na

18 1 0
                                    

"TAMA NA KUNG NASASAKTAN KA NA"

Hindi natin maiiwasan ang minsang pagkapagod o pagkasawa.
Pero 'pag mahal mo,
Hindi iyon sapat para tapusin ang relasyon ninyong dalawa.

Pero kung hindi na talaga kaya,
At kahit mismo siya ay sumusuko na,
Mas mabuting bumitaw ka na.
Bago ka pa mas masaktan ng sobra.

Kung nasasaktan ka na,
Itigil mo na.
Hindi worth it ang saya kung sa dulo,
Ubos na ubos ka na.

Inilalayo ka na ni tadhana sa matinding sakit.
Sa mga bagay na hindi karapat-dapat sayo.
Kung una ka na niyang sinukuan,
Mas mabuting huwag mo ng subukan pang ipaglaban.

Dahil kung gusto pa niyang manatili sa tabi mo,
Hindi na siya dapat nagdesisyong lumayo.
At kung mahal ka pa rin niya talaga,
Hindi sana siya nawala.

😪😪😪

------------------------------------------
Don't forget to vote, comment and share! 😊
Thanks for reading! ❤

AnneyzingGirl

Iba't-ibang Eksena sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon