VII - Walang Katapusang 'Bakit' at 'Sana'

28 2 0
                                    

Walang Katapusang 'Bakit' at 'Sana'

Sana tayo na lang.
Sana ikaw na lang at ako.
Sana ako na lang ang mahal mo.
Sana ako na lang ang nilalaman ng puso mo.
Sana wala ng 'siya' sa puso mo.
Sana masaya na tayo ngayon.
Sana ako na lang ang pinili mo at hindi siya noon.
Sana ako ang kasama mong bumubuo ng alaala.
Sana ikaw na lang at ako hanggang sa tayo'y tumanda na.

Bakit ba kasi siya pa?
Bakit siya pa na sasaktan ka lang pala?
Bakit hindi ako?
Bakit hindi mo pinili yung nagmamahal sayo ng totoo?
Bakit hindi na lang kasi ikaw at ako?
Bakit ba siya ang pinili mo?
Bakit natitiis mo ang manatili sa piling niya?
Bakit hinahayaan mo ang sarili mong masaktan sa piling niya?
Bakit kailangan mo pang magpakatanga sa kaniya?
Bakit hindi ka na lang bumalik sakin na patuloy pa ring minamahal ka?

Ang hirap...
Ang hirap-hirap mag-isip.
Para akong nasa isang panaginip.
Panaginip na unti-unting nagiging bangungot.
Bangungot na walang hanggan.
Na walang katapusan.
Hanggang kailan pa nga ba?
Hanggang kailan pa ba itong walang katapusang 'bakit' at 'sana'?

🙈😖😪

🙈😖😪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


------------------------------------------
Don't forget to vote, comment and share! 😊
Thanks for reading! ❤

AnneyzingGirl

Iba't-ibang Eksena sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon