XIX - Mahal Kita, Pero Tama Na

11 1 0
                                    

//Mahal Kita, Pero Tama Na//

Noong mga panahong kailangan kita,
Ni anino mo'y hindi ko makita.
Nasaan ka ba noong kailangan kita?

Sa tuwing kailangan ko ng makakausap,
Hindi man lang kita mahagilap.
Nangangailangan ako ng balikat na masasandalan,
Ngunit hindi ko alam kung saan ka pupuntahan.

Sa mga problema na dapat tayo ay magkasama,
Nasaan ka?
Bakit parang ako na lang mag-isa?
Ako na lang ba ang haharap sa lahat ng ating problema?

Bakit pakiramdam ko ako na lang ang lumalaban para sa ating dalawa?
Tayo pa nga ba?
Ako pa nga ba?
O meron ka ng iba?

Sa tuwing nangangailangan,
Dati parati kang nariyan.
Bakit bigla kang nagbago?
Bakit 'yung dating ikaw ay biglang naglaho?

Hindi naman masyadong masakit.
Nasanay na ang puso ko sa lungkot at sakit.
Sinanay mo na hindi umasa sayo.
Kasi noong mga panahong kailangan kita,
May pinagaabalahan ka na pa lang iba.

Sabihin mo nga,
Mahal mo pa nga ba talaga ako?

Maging tapat at totoo ka.
Lumayo ka na ng tuluyan kung sawa ka na,
Hindi mo na ako mahal,
At kung iba na ang nilalaman ng puso mo.
Kesa naman sa umasa pa ako sayo at magmukhang nanlilimos ng atensyon at oras mo.

Mahal kita,
Pero tama na.

😪

------------------------------------------
Don't forget to vote, comment and share! 😊
Thanks for reading! ❤

AnneyzingGirl

Iba't-ibang Eksena sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon