XIII - Nakakatakot na Imahinasyon

16 1 0
                                    

"NAKAKATAKOT NA IMAHINASYON"

Nalulungkot ako.
Sa mga senaryong nabubuo sa isip ko.
Baka kasi ganiyan, baka ganito,
Baka bigla kang matauhan at iwan ako.

Natatakot ako.
Sa posibilidad na baka mahal mo pa siya.
Na baka magkabalikan kayo.
Kasi hindi naman imposible na baka meron ka pang nararamdaman para sa kaniya.

Tinatakot ako ng imahinasyon ko.
Kaya natatakot na rin ang puso ko.
Baka bigla mong mapagtanto na mahal mo pa siya,
Iiwan mo ko at babalik ka na sa kaniya.

Nakakalungkot ang mga naiisip ko.
Panandalian lang 'yung "ikaw" at "ako".
At magkakaroon na ulit ng "kayo".
Ano nga ba naman ang laban ko sa unang babaeng minahal mo?

Nakakapangamba ang mga posibilidad at katotohanan.
'Yung mga naiisip ko na baka hindi ako sapat at meron akong pagkukulang.
Na baka hindi ko mahigitan ang pagmamahal na siya lang ang nakapagbibigay sayo.
Na baka matauhan ka at masabi mong siya pa rin pala ang mahal mo at hindi ako.

🙈🙈🙈

------------------------------------------
Don't forget to vote, comment and share! 😊
Thanks for reading! ❤

AnneyzingGirl

Iba't-ibang Eksena sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon