"First Love"
Pag-ibig?
Kaisa-isang salita na takot ko ng maranasan.
Di ko lubos maisip.
Na sa una kong subok,
Masasaktan lang ang nararamdaman.Hindi ba pwedeng,
Kung mahal kita,
Mahal mo rin ako?
Hindi ba pwedeng,
Ikaw na lang at ako?Nung una,
Masaya naman tayo ah.
Yun pala,
Sa una lang masaya.Hanggang ngayon ang sakit pa rin isipin.
Na ang unang taong minahal ko,
At gusto ko pa sanang mahalin,
Nagawa akong saktan ng ganito.Pero ano pa nga ba magagawa ko?
Pag ba umiyak ako sa harap mo,
Lumuhod at suyuin ka ng paulit-ulit,
Hindi mo na ba ako ipagpapalit?Hay... Pero kung sa kaniya ka na masaya,
Wala na ata akong magagawa pa.
Hindi ko naman na mababago ang iyong nadarama.Magiging masaya na lang ako para sa inyo.
Papalayain kita dahil hindi ko 'to ginusto.
Papalayain kita dahil mahal na mahal kita.
Kahit hindi ako magiging masaya.💔🙈🙊
------------------------------------------
Don't forget to vote, comment and share! 😊
Thanks for reading! ❤
BINABASA MO ANG
Iba't-ibang Eksena sa Pag-ibig
PoetryAno nga ba talaga ang PAG-IBIG? Ano ba talaga ang ganap dito? Ano kaya ang pakiramdan nito? A poem collection by AnneyzingGirl. Mga tulang parang may malalim na pinaghuhugutan. Lahat ng mga nararamdaman, inilalabas ko sa pamamagitan ng pagsulat ng...