Ano nga ba talaga ang PAG-IBIG? Ano ba talaga ang ganap dito? Ano kaya ang pakiramdan nito?
A poem collection by AnneyzingGirl. Mga tulang parang may malalim na pinaghuhugutan. Lahat ng mga nararamdaman, inilalabas ko sa pamamagitan ng pagsulat ng...
Isang tanong na hindi ko pa alam ang kasagutan Tanong na bumabagabag sa aking puso't isipan Hanggang kailan nga ba? Hanggang kailan nga ba ako sayo aasa? Sa pag-ibig mong walang kasiguraduhan Sa mga binitawan mong salitang di ko alam kung kaya mong panindigan Di ko alam kung dapat nga ba Di ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba Ang pag-ibig ko sayo na ako lang ang nakakadama Oo! GUSTO KITA! GUSTONG GUSTO KITA! Pero hindi mo yun makita ni hindi mo man lang maramdaman Hanggang kailan nga ba ako aasa? Sa pag-ibig na aking nadadama Ano bang meron sayo bakit ako nagkakaganito? Sa maikling panahong nagkakilala tayo Hindi ko alam bakit ko nararamdaman to Siguro, tama nga sila kailangan ko nang itigil to Dahil kung hindi patuloy ko lang sasaktan ang sarili ko Wag kang mag-alala palalayain na kita Sa pag-ibig na ako lang mismo ang umasa Paalam, O aking sinta.
😔💔
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
------------------------------------------ Don't forget to vote, comment and share! 😊 Thanks for reading! ❤