"LIMUTIN NANG HINDI NA MASAKTAN"
Kung sakali mang tayo ay maghiwalay, pakiusap, huwag mo ng panghawakan pa ang mga bagay na magpapaalala sayo tungkol sa akin at sa ating dalawa.
Itapon mo lahat ng sulat na naglalaman ng kwento natin sa basurahan.
Buhusan mo ng gasolina at sunugin hanggang sa ang abo ng mga papel na ito ay lumipad sa kawalan.
Gusto kong panoorin mong masunog lahat ng mga salitang binitawan ko para sa ating dalawa.
Hayaan mong maging abo lahat ng "mahal kita" na binitawan natin sa isa't-isa.
Mga salitang isinulat natin sa mga gabing naiisip nating tayo na talaga hanggang sa dulo ng walang hanggan.
Mga pangakong mapapako at hindi ko na maisasakatuparan.
Isabay mo na rin ang mga litratong dapat ng mabura.
Mga litrato nating puno ng masasayang alaala na dapat ng limutin na.Iwasan o kalimutan mo ang mga lugar at bagay na makapagpapaalala sayo tungkol sa akin.
Huwag mo ng puntahan pa ang puno kung saan nabuo ang ibang alaala natin.
Kung saan tayo nagsayaw ng paborito nating kanta at binulong mo ang mga salitang,
"Mahal, mahal na mahal kita. Ikaw lang talaga at wala ng iba."
Pakiusap itapon mo na ang kumot at mga unan na naging saksi sa mga gabing ating pinagsaluhan.
Sunugin mo na ang mga damit mo na aking hiniram.
Baguhin mo ang lahat ng meron ka na may alaala nating dalawa.
Dahil siguradong hindi mo rin magugustuhang masaktan ang bago mong kasintahan,
Kapag nakita niyang may pinanghahawakan ka pang alaala ng ating nakaraan.Magsimula ka ulit ng panibago at magpanggap na ni minsan hindi ka nadurog o nasaktan sa hinantungan ng relasyon nating dalawa.
Lumabas ka kasama ang mga kaibigan mo at magsaya.
Kung sakali mang tanungin ka nila tungkol sa akin -- tungkol sa atin,
Ngumiti ka lang at sabihin mong,
"Wala eh. Hindi talaga kami ang para sa isa't-isa."
Huwag na huwag kang iiyak kahit gaano man kasakit ang huli nating mga alaala.Huwag mo ng panghawakan pa ang mga alaalang sabay nating binuo at pinagsaluhan.
Dahil maaalala mo lang ako at ang tungkol sa ating nakaraan.
Sasagi sa isip mo ang unang sandali na nagsabi tayo ng "mahal kita" sa isa't-isa,
At maaalala mo rin kung gaano ka pait ang huli nating pagkikita.
Muli lang kikirot ang sugatan mong puso.
Maiinis ka lang sa sarili mo sa pagpilit na magmahal ng iba habang hindi pa naghihilom ang sugat na iniwan ko.
Mangungulila ka lang ulit sa akin,
At malulungkot habang inaalala ang mga alaala natin.Pakiusap, bumitaw ka agad sa nakaraan.
Kailangan mong magpatuloy at mabuhay ng masaya.
Iyon lamang ang aking mga kahilingan,
Kung sakali mang hindi nga talaga tayo ang nakalaan para sa isa't-isa.💔🖤
------------------------------------------
Don't forget to vote, comment and share! 😊
Thanks for reading! ❤
BINABASA MO ANG
Iba't-ibang Eksena sa Pag-ibig
PoesíaAno nga ba talaga ang PAG-IBIG? Ano ba talaga ang ganap dito? Ano kaya ang pakiramdan nito? A poem collection by AnneyzingGirl. Mga tulang parang may malalim na pinaghuhugutan. Lahat ng mga nararamdaman, inilalabas ko sa pamamagitan ng pagsulat ng...