CHAPTER LXXIV
Kinaumagahan kahit hindi pa maganda ang pakiramdam ni Clyde ay pumasok parin ito sa Opisina, kailangan niya pumasok dahil ngayon siya magpe-present sa board. Hindi na ito kumain ng agahan pero bago ito umalis ay napatigil muna ito sa pinto ng kwarto ni Lixien.
He didn’t know how to approach her. Hindi niya alam pero pakiramdam niya bumalik siya sa stage na nag-aadjust siyang pakitunguhan ang dalaga. Which is he didn’t know why.
“Hijo, gusto mo bang gisingin ko na si Lixien?” Anang katulong nang mapansin nito si Clyde.
“I have to go” sagot dito ni Clyde at nagdiretso na palabas ng bahay.
30 minutes bago magsimula ang board meeting ay nahahapong naupo si Clyde sa sofa ng Office niya. Tulad kahapon hanggang ngayon hindi pa humuhupa ang lagnat niya.
Sakto namang pagpasok ni Shaleen sa Office nito at agad na paglapit ditto.
“Clyde?” kunot-nuong tanong nito dito. Nang hawakan naman ito nito sa nuo. “Oh my god. Ang taas ng lagnat mo” natatarantang sagot nito.
A small smile curve on his lips. “… I’m fine”
Bigla namang nagbago ang ekspresyon ni Shaleen. “Clyde…” Mahinang sambit nito. Pero agad din itong lumabas ng Office at maya-maya lang ay may dala na itong bimpo at alcohol.
Pinatay niya ang aircon at hinubad nito ang coat nito at binuksan ang ilang butones ng polo nito. Kita niya sa mukha ni Clyde na mukhang nahihirapan ito.
Sinimulan niyang punasan ito ng bimpo na may alcohol upang bumaba ang lagnat nito. Hindi naman ito tumutol bagkus nakakunot lang nuo nito.
Nang biglang bumukas ang pinto ng Office nito at pumasok si Lixien. She looks worried.
Agad itong napatingin sa dako nina Shaleen at ganun din ito sa kanya.
Kita niya ang pagngiwi nito “H-Hindi na pala niya kailangan ng isa pang mag-aalaga” She bitterly said
Napatayo naman si Shaleen. “No Lixien…”
Pagkaparinig ni Clyde sa pangalan nito ay agad siyang napamulat and looked at the girl who’s he been longing for.
They look at each other. A sudden anger registered in Lixien eyes. Tumalikod ito at akmang lalabas pero bago nito mahawakan ang seradura ay nakalapit na dito si Clyde.
Tiningnan ito ni Clyde sa mga malalamlam nitong mga mata. “Where you going” he wickedly asked.
LIXIEN POV
Nagising ako ng makailang katok sa pinto ko.
Inaantok pa kong tinungo ang pinto at binuksan ito.
Bumungad naman sakin ang nag-aalalang mukha ni manang.
Nakakunot-nuong tinanong ko ito “Ano pong problema?”
Pagkahatid sakin ni Troy kagabi ay dimiretso kaagad ako sa kwarto ko dahil pakiramdam ko pagod na pagod ang isip at katawan ko. Hindi ko na naman nagawang tingnan kung nandito na ba sa bahay si Clyde.
Umahon naman ang kaba sa dibdib ko at naisip si Clyde habang nakatingin kay manang.
“May nangyari po ba?” kinakabahan kong tanong dito, mukhang hindi naman ito magkaintindihan kung magsasalita ba ito o ano.
Nang hindi parin ito nagsasalita, lalong lumalim ang kunot sa nuo ko. “Tungkol po ba ito kay Clyde?”
“Hija…” Nakatingin lang ako dito at nag-aantay sa sasabihin nito “… Si Clyde, mataas ang lagnat nito kagabi pa,” bigla naman ang pagbagsak ng balikat ko sa sinabi nito “… at hindi pa humuhupa ang lagnat nito ay pumasok na ito sa opisina ngayon lang..” Nag-aalalang tinitingnan ako nito.
BINABASA MO ANG
SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]
Teen Fiction[ Highest Rank Achieved #1 in Gangster ] LIXIEN: Ano ba?! Why are you acting like a jealous boyfriend?! CLYDE: Damn it Lixien! Beacause I'am! Don't ever go near him baka hindi mo magustuhan ang gawin ko sa kanya! LIXIEN: But your not actually my boy...