CHAPTER XI
LIXIEN POV
“I didn’t know that you’re back in business again... Did you miss it my dear good brother?” Clyde
“She’s not what you think… and it’s not on your business to know her” lalong humigpit ang hawak ni Troy sa wrist ko. Naguguluhan ako sa pinag-uusapan nila, hindi ko sila maintindihan.
“AHA! Kaya pala mukhang pamilyar ka” The other guy point on me “Kaw yung sa Bar! Remember?!” tapos nagsexy dance sya. Seriously?!
Tinanguan ko lang naman ‘to. At nang akmang magpapakilala pa ito ay pinutol na kaagad ni Troy ang sasabihin nito.
“Let’s go.” Si Troy. Tapos pumasok na kami sa loob ng elevator sumunod naman sila samin. Grabe yung kabog nang dibdib ko nang pumasok na yung lima. Pakiramdam ko yun na yung pinakamahabang segundo ng buhay ko, kasi ramdam ko parin yung tension.
Hanggang sa makarating kami sa tapat ng condo ni Troy hindi parin niya binibitiwan yung wrist ko.
“Grabe. Nanglalagkit na ko.” Reklamo nung isa sa mga kasama nung si Clyde.
”Muntik na naming sirain yang pinto ng condo buti, nagdalawang isip pa kami” sabi pa nung isang guy and he laugh.
Walang kibo lang naman si Troy sa mga sinasabi ng mga ito.
Nang makapasok na kami sa loob dali-dali naman yung apat sa pagpasok sa isang kwarto. Mga walang manners, kala mo pagmamay-ari nila ‘to. Yung si Clyde naman umupo lang sa sofa. It gives me creeps looking at him.
“Suit yourself” bulong sakin ni Troy. Tapos binitawan na nya ko, kukunin na siguro niya yung Libro. Eh? Pero teka.
Bigla ko namang hinawakan yung braso niya “ Sa-sasama nako” Please. Ayaw kong maiwan dito kasama yung lalaking yun.
Pansin ko naman yung panunuod nung isang yun samin.
“Go on. Kung may iba pa kayong gustong gawin. Wala akong pakialam” Biglang sbai nung si Clyde, ramdam ko pa yung pagngisi niya.
Mukha namang dumilim yung mukha ni Troy “Lixien. Dito ka na lang. I’ll make it fast” Ok. He’s serious.
Kami na lang nung si Clyde yung naiwan dito sa living room.
Naupo naman ako dun sa katabing sofa na inuupuan ni Clyde. I make myself busy by looking at Troy’s Condo. Malinis sya, color white-darkblue yung pinakamotif nya dito sa condo nya. Tapos katabi lang din nitong Living room yung kitchen, tas may stair pataas dun siguro yung kwarto nya. Natigil ako nung may tumamang unan sa ulo ko.
Sinamaan ko ng tingin yung antipatikong si Clyde “Bat mo naman ako binato? Huh?!”
“That’s for staining my shirt” Walang ganang sagot nito.
Grabe talaga tong lalaking ‘to. Ganyan na lang ba siya kawalang modo.
Inirapan ko naman ito at hindi na lang pinansin “Kapatid ba talaga nya si Troy. Ibang-iba ang ugali. Si Troy palatawa sya naman mukhang pinagsakluban ng langit at lupa hindi man lang ngumingiti. Siguro--- aray! Ano ba!” binato na naman kasi nya ko ng unan.
“It’s creepy. You’re talking to yourself”
Agggrh. God! Pigilan nyo ko. Naku. Nakakainis na sya ah. The nerve! Pinigilan ko na lang ang sarili kong huwag pansinin ang lalaking ‘to baka mamaya sya pa ang magalit eh di lagot naman ako.
BINABASA MO ANG
SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]
Teen Fiction[ Highest Rank Achieved #1 in Gangster ] LIXIEN: Ano ba?! Why are you acting like a jealous boyfriend?! CLYDE: Damn it Lixien! Beacause I'am! Don't ever go near him baka hindi mo magustuhan ang gawin ko sa kanya! LIXIEN: But your not actually my boy...