CHAPTER LVII
Hindi ganito ang inaasahan ni Lixien na bubungad sa kanya sa pagkikita nila ni Clyde.
Nanatili lang siyang nakatingin sa dalawa na nuon ay magkalapat ang mga labi. Ang sakit.
Sobrang sakit ng kirot sa dibdib niya.
Bago pa tumulo ang luhang pinipigil niya ay nag-iwas na siya ng tingin sa dalawa.
Sa kanya naman nakatuon ang tingin nina Maxine at ang iba pang nasa lamesa na iyun. She blinked away the tears and smiled wickedly at them.
Hirap na hirap siyang salubungin ang tingin ng mga ito. Ang hirap magpanggap na ‘ok lang’.
“what?” pagak na tawang sita niya sa mga ito.
Maxine just tapped her arm. Comforting her.
“Bat mo ginawa yun?! Huh!” Shaleen habang papalapit ang dalawa sa mesa nila. “Grabe ang manyak mo Clyde” Dagdag pa nito.
“Gusto mo ulitin ko” Clyde in his cold voice. Parang wala lang dito ang nangyari.
Hindi nakikita ni Lixien ang dalawa dahil ayaw niyang lingunin ang mga ito. Nahihirapan siya.
“Nakakahiya.” Shaleen. At nakalapit na ang dalawa sa mesa nila.
“Hoy Vince pagsabihan nyo nga ‘tong kaibigan niyo” Shaleen.
Nagulat naman si Lixien ng biglang sumulpot ang pigura ni Clyde sa harapan niya at duon naupo.
And again their gazes met. Blanko lang ang ekspresyon ng mukha ni Clyde habang nakatingin sa kanya.
Wala naman itong pinagbago sa pisikal na anyo still as devastatingly handsome and he became more manly kung titingnan mo siya ngayon.
She misses those times…
Pero di naglaon naunang nagbawi ng tingin si Lixien. Di nito kayang harapin ang tinging ibinabato sa kanya ni Clyde.
Clyde then smirks.
“Guys! Nagpakuha pa ako ng isang wine ah” Shaleen.
“Ahm, Shaleen baka kasi kailangan na ding magpahinga ni Budz, ----------
“No, it’s fine. Minsan lang naman ‘to” Putol ni Lixien kay Maxine at nginitian ito.
“Wow. Thank you talaga Lixien” Shaleen. Sabay upo sa tabi ni Clyde at ikinawit ang kamay sa braso nito.
Sa ibang direksyon na lang pinili ni Lixien ibaling ang tingin hindi niya gusto ang nakikita niya sa harapan niya.
“Clyde, bakit mo ba ginawa yun kanina?” mahinang sabi ni Shaleen bagkus rinig ito ni Lixien.
“Nothing” simpleng sagot nito.
Kasabay ng pagsagot ni Clyde, kita ni Lixien sa gilid ng kanyang mga mata kung pano kumilos ang kamay nito para kabigin si Shaleen palapit pa dito and hold her, more like hugging her.
How she wishes she is now blind for her not to see this scene.
The pain is unbearable kagaya ng sakit na nararamdaman niya kanina lang.
She just inhaled deeply and bit her lower lip and tries to not fall away her tears.
Madami na nga sigurong nagbago, lumilipas din ang panahon.
Ang hirap lang tanggapin.
‘Ang sakit… sobra’
BINABASA MO ANG
SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]
Teen Fiction[ Highest Rank Achieved #1 in Gangster ] LIXIEN: Ano ba?! Why are you acting like a jealous boyfriend?! CLYDE: Damn it Lixien! Beacause I'am! Don't ever go near him baka hindi mo magustuhan ang gawin ko sa kanya! LIXIEN: But your not actually my boy...