CHAPTER LX
Isang ngisi naman ang itinugon ni Clyde sa sinabi ni Troy.
Nagsalin uli ito ng alak sa baso at ininum iyun ng diretso.
Pagkatapos ay tumayo na ito na mataman paring nakatitig sa kapatid. Clyde again smirk.
Nilampasan lamang ni Clyde si Troy sabay dagil sa balikat nito.
Walang kaemo-emosyon naglakad paalis si Clyde.
Tinapunan lang nito ng tingin si Lixien at tuluyan nang lumabas ng bar.
Habol naman ang tingin ni Lixien kay Clyde hanggang sa paglabas nito.
“C-Clyde sandali” habol ni Shaleen dito.
Nang napadaan naman ito kay Troy ay tumango ito at ngumiti.
At tuluyan na din itong umalis ng Bar.
Sandali namang natahimik.
Lahat nagpapakiramdaman.
“Ehem! “ Von “Tuloy na natin ang inuman, Libre ni Troy!!!”
Sabay tawanan naman nila.
Maliban kay Lixien na nuoy blanko lang nakatingin sa pintong nilabasan ni Clyde.
“Bat ka sumunod” Clyde. Nang bigla na lang sumakay si Shaleen sa kotse nito.
“Eh bat ka ba umalis? Sino ba yung lalaking yun?” Shaleen
“Psh. My brother” Clyde.
Nagulat naman si Shaleen sa sinabi nito at napaisip. Nagsimula na namang paandarin ni Clyde ang kotse.
“Were we going?” tanong ni Shaleen.
Hindi naman ito sinagot ni Clyde.
“Hey, san ba tayo pupunta?” pangungulit ni Shaleen.
“Where do you want?” Clyde.
“Huh?” Nagtatakang sagot nito. “Ahm… may alam akong magandang place!” masiglang sagot nito at itinuro kay Clyde ang daan papunta dun.
Tahimik lang ang dalawa buong byahe.
Panaka-naka namang sinusulyapan ni Shaleen si Clyde habang nagmamaneho, mukhang malalim ang iniisip nito.
Nang makarating na sila sa lugar na yun. Naunang bumaba si Clyde at agad na bumungad sa kanya ang lamig ng hangin sa gabi.
Pinagmasdan ni Clyde ang tanawin sa paligid.
Medyo malayo din ang binayahe nila papunta dito.
They are on the seaside. Tabi lang ito ng highway. Pero hindi ito sandy beach, dahil puro bato ito at hindi buhangin ang maapakan mo kundi maliliit na bato.
Bumaba pa sila ng highway para mas makalapit sila sa dagat.
The place was nice. Hindi madilim ang paligid dahil naabot pa ito ng ilaw mula sa poste sa tabi ng highway.
Nakasunod lang naman si Shaleen kay Clyde, pinagmamasdan ang bawat galaw nito.
“What’s wrong?” Shaleen. Nang tumigil na sila sa paglapit sa dagat.
Dumampot naman si Clyde ng bato at inihagis sa dagat.
Makailang beses din nitong inulit ang paghahagis ng bato. Nang mukhang napagod na ay tumigil na ito at naupo sa batuhan.
BINABASA MO ANG
SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]
Teen Fiction[ Highest Rank Achieved #1 in Gangster ] LIXIEN: Ano ba?! Why are you acting like a jealous boyfriend?! CLYDE: Damn it Lixien! Beacause I'am! Don't ever go near him baka hindi mo magustuhan ang gawin ko sa kanya! LIXIEN: But your not actually my boy...