CHAPTER LVIII
LIXIEN POV
Nagising ako na medyo masakit ang ulo ko, hindi kasi ako nakatulog ng maayos at isa pa may jetlag pa ako mula sa pagdating ko kahapon.
Ang daming nangyari. At isipin ko pa lang nanakit na ang ulo ko at nararamdaman ko na naman ang kirot sa dibdib ko.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko at pilit na inalis sa isipan ko ang mga nangyari kahapon.
Nag-ayos lang ako at bumaba na din para mag-agahan. Nadatnan ko naman sina kuya sa Dining.
“Good Morning” bati ko sa kanila
“Musta ang tulog mo? Nakapagpahinga ka ba?” Tanong ni Mommy sakin habang paupo ako sa upuan ko.
“Yes” matamlay na sagot ko.
“But it looks that you’re not” si Dad.
Hindi na naman ako sumagot pa. At nagsimula nang maglagay ng pagkain sa plato ko.
Nang makatapos kaming mag-agahan napansin kong hindi pa umaalis sina Mommy sa table.
“Baby, we have something to tell you” Mommy
Napa-angat naman ako ng mukha at tiningnan si Mommy.
“This is not the right time to tell her this” seryosong sabi ni Kuya.
Naguluhan naman ako.
Agad namang sumagot si Mommy “She’s only staying here for 1 month and she need to meet her --
Naputol naman ang pagsasalita ni Mommy nang ibinagsak ni Kuya ang kutsarat tinidor nito. “Just give her a few days to rest her mind before telling this”
Marahas namang napalingon si Dad kay Kuya. “You don’t have the right to tell us what we have to do” galit na sabi ni Dad kay Kuya.
Nakatingin lang ako sa kanilang tatlo. Hindi ko alam kung anong tinutukoy nila pero ngayon pa lang pakiramdam ko hindi maganda ito.
“You’re always saying it Dad dahil hindi mo naman alam ang mga nangyayari. You didn’t even bother to know,” Pagalit na sabi ni Kuya pero hindi naman siya sumisigaw, napapatungo na lang ako.
“Neil stop” Sita ni Mommy kay Kuya.
Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Kuya.
“Lumalaki kang walang modo” mahina pero maawturisadong salita ni Dad.
Natahimik sandali.
“Lixien” Mommy. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita muli. “You will soon meet your fiancé”
Natawa ako “Fiance? Haha. Pano naman ako magkaka-fiance?” tanong ko pero sa loob-loob ko bumibigat na yung pakiramdam ko.
“He’s the son of our soon to be Business Partner and we decided to make an arrangement at yun ay ang ipakasal kayo” Daddy.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko “NO” sigaw ko sabay tayo. “NO. AYOKO.”
“This is for our family business, Lixien, para mas mapalawak pa natin ito.” pilit akong pinakakalma ni Mommy.
“Oh please don’t be like this Mom, Dad!” Napahawak ako sa ulo, nararamdaman ko na naman ang frustration.
“Lixien, baby….” Mommy.
“Mommy” tiningnan ko si Mom, hindi ko alam na umiiyak na pala ako. “Mommy, bat naman ganito… Mom, alam mo namang hindi pwede di ba... Alam mo naman yun di ba. Alam mo naman na hindi ko kayang magpakasal sa isang taong hindi ko pa lubos na kilala. Alam mo namang …may iba…” di ko na madugtungan ang sinasabi ko dahil alam ko, alam ni Mommy kung ano ang tinutukoy ko.
BINABASA MO ANG
SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]
Подростковая литература[ Highest Rank Achieved #1 in Gangster ] LIXIEN: Ano ba?! Why are you acting like a jealous boyfriend?! CLYDE: Damn it Lixien! Beacause I'am! Don't ever go near him baka hindi mo magustuhan ang gawin ko sa kanya! LIXIEN: But your not actually my boy...