CHAPTER XXXXVIII. |SHE'S GONE|

71.3K 721 76
                                    

CHAPTER XXXXVIII

THIRD PERSON POV

“Yam… Please.. wag mo kong iwan… YAMMMMM!” Agad ang pagbalikwas ng bangon ni Clyde.

Nanaginip siya, isang masamang panaginip.

Napahilamos siya ng mukha. Pero agad din siya nakaramdam ng takot.

Agad itong napatayo at mukhang may hinahanap.

Agad nitong pinagbubuksan ang pinto ng kwarto pati banyo.

Napatigil siyang nakatayo sa salas and he looked puzzled.

Nasuklay niya ang kamay sa buhok bakas sa mukha nito ang sari-saring emosyon.

Kinuha nito ang jacket na nasa ibabaw ng lamesa.

At agad na tinungo ang pinto.

Pero napatigil ito sa tapat ng pinto at napansin ang isang papel na nakadikit ditto.

Napalunok ito bago kunin ang papel.

Sa nanginginig na kamay ay binuklat niya ito, he looked really tensed.

Kinakabahan siya sa kung anong maaring mabasa.

“… Oh please.” Bulong nito sa sarili.

Unti-unti niyang binuklat ang papel. At binasa ang nilalaman nito.

Yam,

                I love you. Please understand kung ano man ang naging desisyon ko. Mahal kita pero kailangan kong tuparin ang mga pangarap ko.

Napapakunot nuo siya habang binabasa ang sulat.

Alam ko magagalit ka sa naging desisyon ko pero sana Yam maintindihan mo din ako. Hindi ko magawang mag-paalam sayo dahil hindi ko kaya… hindi ko kayang makita kung ano ang  magiging reaksyon mo pag sinabi ko ‘to.

Habang binabasa niya ito nagsisikip ang dibdib niya at nagtatangkang pumatak ang luha sa mga mata niya. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa papel na halos magusot na ito ng tuluyan  “.. this can’t be happening” bulong nito. 

Baka pag nagpaalam ako sayo, baka hindi ko na magawang umalis.Umalis ako para tupadin ang mga pangarap ko at sana sa pag-alis ko magawa mo ding tupadin ang mga pangarap mo.  I love you Clyed. Don’t forget.

Nanghihina siyang napaluhod habang kuyom kuyom ang papel sa kanyang palad. At agad ding umagos ang luha sa kanyang mga mata.  “NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO….” Sigaw nito. Napaub-ub na ito sa sahig. “.. YAAAAAAAAAAAAMMMMMMM.. I can't do this.. oh please…” pagsusumamo nito. Naninikip ang dibdib niya habang patuloy sa pagpatak ang luha sa kanyang mga mata. 

Nanginginig ang mga balikat nito. Gusto niyang magwala pero wala  siyang lakas gawin yun. Parang namamanhid ang katawan niya. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. 

“…NO, THIS IS NOT TRUE!” Agad na pagtayo nito. At diretsong lumabas ng condo nito.

Tinungo nito ang sasakyan at umalis.

Dahil sa bilis nang pagmamaneho nito. Agad din itong nakarating sa pupuntahan. Pumasok kaagad ito sa loob.

At tumambad kaagad sa kanya ang mga kaibigan na nagsipag-upo sa living room andun din si Maxine pati si Neil..

“WHERE’S YAM?!” Marahas na tanong nito sa kanila.

They’re all looking at Clyde. Walang may gustong sumagot.

Tumawa naman ng mapait si Clyde. “I’ll check her in her room”

Di pa man nakaka-akyat ay nagsalita na si Max.

“Umalis na siya” Max.

Marahas naman siyang nilingon ni Clyde.

Bakas sa mukha nito ang sakit na nararamdaman nito. Marahas nitong hinawakan sa braso si Max. “You’re joking right? This not happening. Im dreaming again right? RIGHT?!”

“Clyde nasasaktan ako” Maxine. Humihigpit ang hawak ni Clyde sa braso nito.

“DAMN IT! PERO MAS NASASAKTAN AKO!” Clyde, nagbabanta na namang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. 

Habang sina Vince nakatingin lang mga ito  kay Clyde. Bakas ang lungkot sa mga mata. Ngayon lang nila nakita si Clyde na ganito.

Agad namang lumapit si Neil at marahas na itinulak palayo kay Maxine si Clyde.

“Just accept the fact that my sister leave you. She has gone in your life!” Neil.

“Neil” sita ni Maxine kay Neil.

Hindi na naman nag-abalang tumayo si Clyde mula sa pagkakasalampak niya sa sahig.

Para siyang nawalan ng kaluluwa sa nangyayari sa kanya. “No.. hindi niya ko magagawang iwan. No. ” sabi nito sa sarili.

“Clyde pare” Nagtangkang itayo ni Vince si Clyde pero naitulak naman siya nito.

Tumayo na si Clyde at walang emosyong naglakad palabas ng bahay. Bagsak ang mga balikat nito.

Hinabol naman siya ngmga kaibigan nito pero hindi nila naawat ang pagsakay nito pabalik sa sasakyan. Isa na lang ang kailangan niyang puntahan. At sana makita niya siya dito... dahil isang malaking Joke lang nangyayari. Hindi ito totoo.. Hindi!

Hindi niya ito kayang tanggapin.

Pagkarating niya sa lugar na yun. Hinanap ng mga mata niya at isang pigurang lagi niyang kasama sa lugar na ito, ang taong mahal niya. Pero wala! wala ito.

Pabagsak siyang naupo sa ilalim ng puno. Lumong-lumo siya sa sarili.

“YAAAAAAAAAAAAAAMMMMMMMMMMMMMM….” Sigaw nito nagbabakasakaling maririrnig siya nito.

“Yam… “ bigkas nito sa pagitan ng pag-iyak. Hindi na niya mapigilan ang lumuha. He’s in terrible state.

“… How could you do this to me Lixien.’" Umub-ub siya at dun inilabas ang mga hikbi. Na kailanman hindi niya ginawa. Masyado siyang nasasaktan. Parang unti-unti nauupos ang pagkatao niya.

CLYDE POV

... Please… Awake me in this bad dream…

… Baka hindi ko na makaya..

… Please.

… Lixien.

VOTE. COMMENT. FOLLOW. XOXO

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon