An: I'm back! Ang dyosang author ay nagbabalik! Charot xD
Papromote ulit ha. Yung The Rockstar is a Vampire at Haunted by Caroline!
-Stephen-
I stared at Chichi. Si Chichi ang binigay kong stuffed toy sa asawa ko. I smiled at that memory. I haven't smiled much these days. Since she died, that is.
"Kuya?" rinig kong tawag ni Angeli mula sa labas ng kwarto.
"Come in." inayos ko ang suit ko tsaka ko siya hinarap.
"Nandyan na si Raven Grey." sabi niya
"Go ahead. Susunod na lang ako."
"Okay, kuya."
Lumabas na si Angeli. Naiwan ako sa kwarto. As much as possible, I don't want to stay here in this room. It reminds me so much about her which makes it so painful for me.
Lumabas na rin ako. Pinagbuksan ako ng pinto ng mga tagasilbi. Dito kami magmemeeting sa study room. It was a casual meeting. Matagal ko rin namang kilala si Raven. Bilang siya ang tagapagmana ng werewolve's pack at ako naman sa vampire race, pinakilala na agad kami sa isa't isa noong mga bata pa lang kami.
Tumayo si Raven pagpasok ko.
"Good evening." sabi niya
"Good evening." sagot ko
Binati rin ako ni Charles na ngayon ay pinuno na rin ng mga witch at warlock. Ganun din ang mga kapatid ko at si Blake. Hindi na nakadalo sila Andy at Joannie dahil may inaasikaso pa raw sila para sa kasal nila. Yeah. Whatever.
Nag umpisa na kaming mag usap. It was the usual topic. Kung ano ang gagawin sa ceremony and such. Isang linggo na lang bago ang moonlight festival. I don't know but I felt excited. It was weird for me to get excited about this festival. Maybe good things will happen.
"How's the pack?" tanong ni Blake
Tapos na kaming magmeeting at nag uusap na lang kami ng kaswal. Total, magkakaibigan naman kaming lahat. We are comfortable with each other.
"It's fine." sagot naman ni Raven
"I heard there's an additon to your pack." wika ni Blake
Sandali namang natahimik si Raven. I can sense his anxiousness. Bakit naman siya kakabahan? Tinatanong lang naman siya tungkol sa bagong salta sa pack nila.
"Yes. There is." sagot niya
"Sino?" tanong ulit ni Blake
"Not important." malaming ni sagot ni Raven.
"Really?"
Hindi ko alam pero parang may iba talaga sa dalawang to. Ano bang meron sa bagong salta sa Lycan's Cove? Why does Blake kept on pestering Raven about him or her?
"Stop." sabi ko
Tumigil naman sa pag usisa si Blake pero kitang kita ko ang pagkainis niya.
"Let's just end this meeting." sabi ni Carmela
"Yeah." pag sang ayon ni Angeli
"Farewell, King Stephen." sabi ni Raven
"And to you, Alpha."
Lumabas na silang lahat sa study room kaya ako na lang mag isa. Aalis na rin sana ako nang may maaninag ako kumikinang na bagay sa ilalim ng upuan ni Raven kanina.
BINABASA MO ANG
MTAVP II: The Return of the Heiress
VampireThe Vampire King is lost without his queen. Is there really such thing as an eternal love when nothing is permanent even in the world of immortals? She's dead and gone but in his heart, he still yearns for the return of his queen, the return of the...