Interview With The Characters + FAQs + Thank You Note

35.4K 916 300
                                    

FROM THE READERS OF MTAVP:

To: Stephen
From: @hankiisziu

Can you be my boyfriend

Stephen: Sorry, Miss. I'm already married.

To: Stephen
From: @aloneforever1627

Stephen, kung lalaki magiging anak niyo, pwede ko ba siyang hintayin tapos papakagat din ako para maging asawa ko siya?

Stephen: Yeah, sure. I have three boys. You can pick one of them *winks*

To: Stephen
From: @asterortega

If given a chance na ikaw ang pipili ng ng babaeng papakasalanan mo, sino siya at bakit?

Stephen: This is quite hard. Noong hindi ko pa kilala si May I'm pretty sure I would've picked Sabrina. Pero buti na lang pala at hindi ako ang pumili ng mapapangasawa ko kaya kay May ako napunta. We all knew that May is much better, right? Besides, I already fell for her the moment I first saw her.

To: Stephen
From:@irisINFINITE

Naniniwala ka ba sa forever? Why or why not?

Stephen: Yeah, I believe. We're immortals, we live forever, so who are we to say that it doesn't exists? I'm glad that forever exists so I can be with my wife for a very long time.

To: Stephen
From: @rhenamiecaballero

Kuya Stephen, ba't ang possessive mo pagdating kay ate May?

Stephen: May karapatan naman akong maging possessive, di ba? First, I'm her husband, I have every right to be possessive. Second, maraming siraulong nagkakagusto sa asawa ko - 'yung Raven saka si Andy. Lastly, I'm possessive because I love her. Kaya kung hindi mo pinaparamdam na possessive ka, ibig sabihin wala kang pake. Lahat ng pake ko sa asawa ko kaya possessive ako. Being possessive isn't always bad, it simply means that you care and you value that person very much.

To: May
From: @asterortega

If given a chance, pipiliin mo pa rin ba si King Stephen to be your husband?

May: Oo naman! Sino ba ang hindi gustong mapangasawa ang isang Stephen Kai Grayson na mabait, malambing, medyo baliw pero umaapaw ang hotness?

To: May
From: @luckycharm357

Kung hindi ka naging asawa ni Stephen tingin mo anong ginagawa mo ngayon?

May: Siguro naging tambay ako. De joke lang. Hehe. Siguro naging lawyer ako kasi 'yun naman talaga plano ko eh. Kaso nagkandaletche-letche nung pinakasalan ko 'yung hot na bampira.

To: May
From: @Blue_Secret101

Ano ang mas gusto mo, vampire or witch?

May: Hindi ako makapili. Parehong cool ang witch at vampire.

To: Abddon
From: CaryllMeme

Mamatay ka na!

Abddon: D*mn you all!

■■■■■■■■■■■■■■■■■

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

Q. Bakit Lee ang apelyido ni Andy? Di ba dapat Grayson?

A. Lee ang apelyido ng nanay niya (Alyana). Hindi vampire ang nanay niya nung nanganak kaya sa kanya sinunod apelyido ni Andy. Kung naging vampire si Alyana, malamang magiging Grayson si Andy. Hindi kasi naklaro ni author. Sorry for that.

Q. Bakit ang bagal mong mag-update, author?
A. Kasi po nag-aaral ako. Study first nga, di ba? Hehehe.

Q. Werewolf ba si James?
A. Opo, werewolf siya. Di ba nasabi ko na 'yun sa earlier chapters? Siya pa nga ang nakakita kay May nung umalis siya sa kubo para maghanap ng dugo. Nakita ni May na nagtransform siya from werewolf form to human form. Kahit keeper siya, werewolf pa rin kasi 'yun ang original niyang lahi. Ganoon din kay Sephira - kahit keeper siya, witch pa rin siya.

Q. Ano po ba si Caleb?
A. Tao po si Caleb pero meron siyang ibang klaseng abilities dahil sa pagiging demon puppet niya.

Q. Gaano kagwapo si Count Dracula?
A. Sa imagination ko, siya 'yung super gwapo talaga kasi siya 'yung isa sa mga eldest vampires. The older they are, the more beautiful they get.

Q. Ilang taon ka na, author? Bakit ang lawak ng imagination mo?
A. I'm 14 years old when I started writing Married To A Vampire Prince. Ngayon, 15 years old na ako and I'm turning 16 this April. Malawak lang talaga imagination ko kaya nga siguro nahilig ako magsulat ng vampire at fantasy stories.

Q. May Book 3 ba? Tungkol saan?
A. Oo, may book 3. Tungkol naman 'yon sa next generation or sa mga anak nila. Ang story ay nakafocus sa bagong heroine at sa panganay nila May at Stephen na si Dark.

Q. May available pa bang operators para sa mga characters?
A. Yes. Since meron ng book 3, kailangan ng maraming op's for the new characters.

Q. May fb group ba ang story?
A. Yes. Isearch niyo lang ang Married to a Vampire Prince (Wattpad Story)

■■■■■■■■■■■■■■■■■■■

MESSAGE FROM THE AUTHOR


Dear MTAVP readers,

                      Una sa lahat, salamat sa pagsuporta from book 1 to 2. Salamat kasi ang kada vote at comment ninyo ang nagiging motivation ko para ipagpatuloy 'tong story. Hindi naman kayo obligated magbasa pero binabasa niyo pa rin kaya salamat. Iba rin kasi 'yung fulfillment 'pag nalaman mong may nakaka-appreciate ng work mo. Kahit silent reader ka, salamat pa rin dahil pinag-aaksayangan mo ng oras 'tong story ko. Sa mga napaiyak ko dahil sad ending ang book 1, sorry at salamat din kasi nagpatuloy pa rin kayo sa book 2. Salamat sa mga pm at wallpost - sorry dahil late ako magreply doon. Salamat rin sa mga nagdedicate ng books nila sa akin. Salamat sa mga operators ng characters ko. Nabuhay sila dahil sa inyo.

                     Millions of words wouldn't be enough to express my gratitude to you all for reading this piece of work. It is you who inspired me to write and I hope I did the same to you. Thank you for taking this journey with me as we vanquish evil vampires and demons.

Xoxo

Love,
Angelika

MTAVP II: The Return of the HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon