An: Happy One million reads sa Married to a Vampire Prince! I'm super duper ecstatic when I saw it. I owe it to you guys! Love you! Salamat sa support!
-Third Person-
Nabitawan ni Delphi ang bote ng potion. Ang likido ay nagkalat sa sahig pati na rin ang bubog ng sisidlan nito. Napabuntong-hininga na lamang siya nang magkulay asul ang sahig sa buong silid dahil sa epekto ng potion. Ganito na lang lagi araw-araw, nagiging padalos-dalos siya sa kilos at para bang hindi siya mapalagay kaya kung ano-ano na ang nabibitawan o di kaya'y nasisira niya.
Binigkas niya ang spell upang makontra ang potion at sa isang iglap, bumalik sa dati ang kulay ng sahig at nalinis na rin ang mga bubog. Ilang gabi ng binibagabagabag si Delphi ng mga pangitain ngunit hindi ito pangkaraniwan dahil sa panaginip niya ito nakikita. Nakakatakot at nakakapanindig-balahibo ang kanyang nasaksihan, mistulang bangungot na pangitain. Hindi niya maiwasang mahindik lalo na at nakita niya ang mga nilalang na kinakatakot ng mga mortal at immortal- ang mga demonyo.
Hindi siya makatulog dahil sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, ang mga kahindik-hindik na nilalang na iyon ang kanyang nakikita. Hindi niya maipaliwanag ang kaba niya lalo na at noong huli siyang managinip ng ganito tungkol sa kanyang kapatid, namatay si Serene.
May mamatay na naman ba?
Hindi na kinaya ni Delphi, mukhang mababaliw na siya kung patuloy pa siyang magkukulong sa kanyang bahay. Napagdesisyunan niyang umalis ng Luminisce Terrain at tumungo ng Crimson Valley para kumustahin ang anak na si Charles. Pero bago siya umalis, kinuha niya ang isang lumang libro na nakalagay sa isang tukador.
"Kailangan ko 'tong itago," wika niya.
Habang mahigpit ang hawak sa libro, inutusan niya ang kanyang kutsero upang dalhin siya sa palasyo ng mga bampira.
Hindi inaasahan ni Delphi na magkakaroon siya ng vision sa kalagitnaan ng kanyang biyahe. Sa tuwing nagkakaroon siya ng vision, kusang nasasambit niya ang propesiya na maaring magkatotoo sa hinaharap. Siya ang tinaguriang 'prophecy teller' dahil dito. Wala siyang kontrol sa abilidad niyang ito kaya hindi niya mapigilan ang kanyang mg labi habang sinasambit nito ang propesiyang nakita niya sa hinaharap.
"Demons will rise, from deep slumber they shall wake.
Salvation or destruction, only one to take
Earth will plunge, from deep darkness shall succumb
The maiden with power so immense,
Shall be the key, for destruction or deliverence,"Halos manghina si Delphi. Nasambit niya na ang propesiya. Alam niyang halos imposibleng mabago iyon lalo na at siya mismo ang nakakita sa maaring mangyari sa hinaharap.
Nasa kamay na ni May ang kaligtasan ng lahat dahil sa kanyang desisyon nakasalalay ang hinaharap.
-May-
"M--mommy." Halos hindi ko masambit ang mga salitang iyon. Hindi ako makapaniwala na kayakap ko ang babaeng ito. Hindi ako sigurado, wala akong pruweba pero posible kaya na siya ang nanay ko? She's dead- that's what they said, that's what everybody believed but why do I feel that this woman is my deceased mother? Ang lakas ng pakiramdam ko na hindi ko maipaliwanag lalo na nang tawagin niya akong anak.
Hindi siya sumagot at sa halip ay mas napahigpit pa ang yakap niya sa akin. I cried harder. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras na 'to.
Bumitaw na siya sa akin. Matama niyang tiningnan ang mga mata ko. Kamukhang-kamukha niya talaga si Mom. She is the exact replica of the portrait of Serene on tita Delphi's house.
"I have a lot of things to explain," ani niya.
Tumayo na kami pero hindi ko binitiwan ang kamay niya. Pakiramdam ko kasi, pagbinitawan ko siya, mawawala siya ulit. Ayokong mawala siya, ngayon pa na kailangang-kailangan ko ng masasandalan. I've missed her so much. I've yearned for a mother's love. I've longed to see my Mom.
BINABASA MO ANG
MTAVP II: The Return of the Heiress
VampireThe Vampire King is lost without his queen. Is there really such thing as an eternal love when nothing is permanent even in the world of immortals? She's dead and gone but in his heart, he still yearns for the return of his queen, the return of the...