■19■

40K 1.1K 238
                                    

An: heyo! Sorry sa makupad na pag-update!

I would like to thank Angelica Claire Baricuatro for this beautiful book cover! At dahil diyan, dedicated sayo tong chappy. Sorry hindi ko alam UN mo sa watty pero alam mo ng ikaw to. Haha. BTW, Nareceive ko siya galing sa page ng MTAVP. (Like niyo na!) wehehe. Salamat! Thank you sa effort!

-May-

Mabilis na nagdaan ang isang linggo. Bumalik na rin sa normal ang lahat matapos ang party. Napapadalas na rin ang pagliban ni Stephen sa klase kaya hindi na kami masyadong nagkikita. Hindi na rin ako nagulat dahil siya naman ang hari. He has his duties. Nakakamiss nga lang.

"Good evening, class," bati ng matipunong lalaking kakapasok lang ng Training Center. Ang gwapo ni Sir. Itim na itim ang buhok at mata niya. Chinito rin siya at tama lang ang build ng katawan. Ngayon lang ako nakaattend sa special ability class ko dahil nga sa mga nangyari this past few days. Ngayong linggo lang din bumalik sa normal ang schedule ng classes ko, maliban na nga lang sa extra classes ko sa manners and etiquette na kakailanganin ko raw kapag official na nakoronahan na ako. I hate that class but I have no choice.

"Good evening, sir," bati naming lahat sa kanya.

Nanatili lang rin kaming nakatayo dahil wala namang upuan dito. Huli ko ngang punta dito ay noong Combat Skill class kay Mr. Blade kung saan nalusutan ko naman kahit parang bulag akong lumalaban. Well, fight like a werewolf daw eh. Ngayon alam ko na kung bakit empty space lang ang training hall maliban sa elevated platform sa gitna na pinalilibutan ng glass. The training hall is intended for battle so it is designed this way. Pero napansin ko ang matayog na pole sa gitna. Sa ibabaw nito ang isang pulang flag. Wala naman 'yan noong huling punta ko dito, siguro may kinalaman 'yan sa class na ito.

"Medyo iba ang activity natin ngayon. Hindi lang special ability ang gagamitin ninyo," sabi ni Sir Tim.

Namutla naman ako sa narinig ko. Hindi ko pa naggamit ang special ability ko mula nung nawalan ako ng alaala. Ang mas malala, wala akong ni isang kaibigan dito dahil may inasikaso sila Angeli, Carmela, Blake at Andy sa labas ng school. Sa dinadami-daming araw na pwede silang mag-absent, ngayon pa talaga at sabay-sabay pa.

Alam ko naman kung ano ang special ability ko dahil nabanggit na nila sa akin yun. Pero paano ko yun mapapalabas? How do I use it? Sabi nila, nagkakatotoo daw ang iniisip ko. Ang labo naman 'nun.

"I will pair you up. Dalawang pairs ang tutungtong sa platform. Ang unang pair ang kukuha ng flag sa itaas. Sila ang magiging attackers. They can use their special ability to get the flag. Ang kabilang team naman ang defenders. Sila ang magbabantay sa flag para hindi makuha ng attackers. Same as the attackers, they can also use their special ability to protect the flag. Ang game ay tatagal ng sixty seconds. Pagmakuha ng attackers ang flag within sixty seconds, sila ang panalo pero kapag hindi ito nakuha, panalo ang defenders," paliwanag ni Sir.

Hindi naman ako mapakali dito. Wala ring kumakausap sa akin ngayon. Nag-iba ang pakikitungo sa akin ng mga kaklase ko. Ewan. Hindi pa naman ako komportable na parang takot o naiilang sila sa akin. Simula ng malaman nila na ako 'yung reyna, hindi na sila komportableng makipag-usap sa akin. Kaya nga hindi ako mapakali dito.

Nagtawag na si Sir ng pangalan ng magpartner. Sana naman 'yung partner ko hindi maihi sa akin.

"Candice May and Coreen."

Doon lang bumalik ang atensyon ko kay Sir. Seriously? Sa dinami-dami ng pwedeng partner si Coreen Dashkov pa talaga. Sino ba naman ang makakalimot sa napakagandang first impression ko sa kanya? Hindi ko naman pinangarap na makapartner ang babaeng muntik ng magpahalik sa akin sa sahig. Matagal ko na rin siyang hindi nakakausap dahil na rin sa iniiwasan niya rin ako at ganoon din ako sa kanya. We're not exactly the best of friends but I can handel her.

MTAVP II: The Return of the HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon