■9■

39.5K 1.2K 208
                                    

An: kahapon ko pa dapat to iuud kaso nawala yung 1k+ words kaya tinype ko ulit T.T

-May-

"...and I welcome you, to Grayson Academy, the school for all immortals." Tipid na ngumiti si headmaster Vladimir saka naglakad pabalik sa upuan. Kakatapos niya lang ihatid ang kanyang mensahe bilang headmaster ng Academy. Tumayo naman kaming lahat at nagpalakpakan.

Andun rin si Raven at Stephen sa entablado. May katabi pa silang isa pang lalaki na gwapo rin. Ang ganda nga ng bughaw niyang mata. Ayon sa narinig ko, siya daw ang head warlock. Narinig ko pa nga ang ilang bulungan ng mga kinikilig na vampires, witch at werewolves patungkol sa kanila.

"Ang hot ni King Stephen!" bulong nung nasa harap ko.

"Sa'yo na si King! Akin ang Alpha! Omygosh Raven!" sabi naman ng katabi nito.

"Mas type ko ang head warlcok. Kyaah! Ang cute ni Charles! Kaso girlfriend na niya si Carmela eh. Sad life. Huhu."

Hindi na ako nakinig sa kanila at kinausap ko na lang si Sephira. Pinagnanasaan pa nila yung tatlo. Hay. Hindi ko naman sila masisisi.

"Bakit kaapelyido ng hari si headmaster Vladimir?" tanong ko kay Sephira. Umupo na ulit kami habang inuumpisahan ng nymph na si Erie ang pagbabasa ng rules.

Nagtataka lang ako dahil napansin ko na tinawag siyang Vladimir Grayson kanina. Kaano-ano kaya siya ni Stephen?

"Kasi siya ang tatay ng hari. Headmaster Vladimir Grayson is the former king," sagot ni Sephira.

"Kaya pala," tangi kong naisagot.

Nakinig na lang muna kami ni Sephira kay Erie dahil ngayon ay dinidiscuss niya na ang pinakaimportanteng rule.

"This school is built to strengthen the bond with all races, and therefore, the most important rule of this institution is to respect each other and always avoid unnecessary feud or quarrels. All of us should get a along, like we are one."

Nagsilabasan na kaming lahat sa Grayson hall at dumiretso sa Arch kung saan naroroon ang classrooms namin.

***

Tiningnan ko ang class schedule ko. Kasama ko pa rin si Seph at naniningkit rin ang mata niya sa class schedule niya. Sa laki nitong Arch, nahihirapan na talaga kaming hanapin ang classroom namin para sa first class. Wala na rin kasi kaming pixie guide.

Vampire Classes
◆ Vampire History
◆ Combat Skills
◆ Ancient Spell
◆ Special Ability Training

General Classes
◆ Social Dances
◆ Music
◆ Arts
◆ Foreign Language

Yan ang nakasulat sa schedule ko. Kailangan kong hanapin kung saan yung Vampire history na classroom kasi yun ang first class ko.

"Seph, ano first class mo?"

Imbes na sagutin ako ay binigay niya sa akin ang sched niya.

Witchcraft Classes
◆ Potion Making
◆ Broom Riding
◆ Wand Forging
◆ Spell Casting

General Classes
◆ Social Dances
◆ Music
◆ Arts
◆ Foreign Language

"Pareho pala ang general classes natin."

"Yeah. Sama sama na daw tayo diyan eh. Per unit daw."

"O siya, tara na. Hanapin na natin ang class natin."

MTAVP II: The Return of the HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon