AN: SORRY NA KUNG NATAGALAN KAYO SA UD KO. KASI PO MAHIRAP MAG-ISIP NG SUSUNOD NA MANGYAYARI KASI IMPROMPTU WRITING ITONG GINAGAWA KO. WALANG MATINONG PLOT. NAIINSPIRE LANG AKO SA COMMENTS NIYO KAYA KAHIT TINATAMAD AKONG MAG UD AY PINIPILIT KO PA RIN. TSAKA, HIGH SCHOOL STUDENT PA LANG PO AKO AT NAG AARAL RIN >INTENSE NA CAPSLOCK< HAHA
-May-
Grayson Academy
School for All ImmortalsTo: Candice May
Good day. You are officially accepted to Grayson Academy. You shall attend all the trainings intended for you in order to enhance your natural immortal ability. Be informed that you shall always wear your uniform in school premises to be identified.
Headmaster,
Vladimir GraysonBinaba ko ang sulat. Nabigla ako sa lalaki kanina na joker. Yung nagjoke na gwapo daw siya. But kidding aside, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito sa sulat na to. Akala ko ba para lang sa mga elite ang Grayson Academy? Elite ba ako? Hindi naman di ba?
Lumabas na lang muna ako ng kwarto para magpahangin at makapag isip sa mga nangyayari. Sa paglalakad ko, nakasalubong ko si Sheila. May dala siyang malaking white box.
"Hi May!" bati niya
"Hi Sheila! Aanhin mo yan?" tanong ko
Sinabayan ko siyang maglakad.
"Uniform ko to tsaka schedule ko. Doon na kasi ako mag aaral sa Grayson Academy."
"Ganun ba?"
"Yep."
Binaba niya ang box na dala niya. Nandito na pala kami sa kwarto niya. Simple lang din ang kwarto niya. White at black lang colors tsaka may konting accent ng pink. May malaking kama, couch, coffee table at bookshelf.
"May itatanong lang sana ako." sabi ko
"Ano yun?"
"May sulat na binigay sakin. Bampira pa mismo ang nag abot sa akin. At....uhm.... admission yun sa Grayson Academy. Di kaya nagkamali sila?"
"Talaga? Patingin nga nung sulat."
"Teka kukunin ko dun sa kwarto."
Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ko yung sulat. Bumalik rin agad ako sa kwarto ni Sheila. Pagdating ko sa kwarto ni Sheila, nakita ko siya doon at kausap ang isang tagasilbi. May dala rin ang tagasilbi na box katulad nung kay Sheila.
"May, may nagpapadala sayo." sabi ni Sheila sabay turo doon sa box na dala dala ng tagasilbi.
"Ano yan?" tanong ko
Kinuha ko ang box sa tagasilbi. Nagbow naman ito at tuluyan ng umalis. Binuksan ko ang box at laking gulat ko nang makakita ako ng uniform. Kulay itim ito na coat, white botton up long sleeves, red neck tie at black high socks. Yung skirt naman ay checkered na kulay pula. Tapos may isa pang sobre doon. Binuksan ko rin ang sobre at nakalagay doon ang class schedule ko, kung saang dorm ako at ilan pang requirements ng school.
"May, papasok ka nga sa Grayson Academy!" sabi ni Sheila. Binabasa niya yung sobreng pinadala sa akin nung bampira.
"Ganito rin ang natanggap kong sulat mula sa Academy. Tingnan mo, may official seal pa galing sa administration ng school. Ibig sabihin nun, mag aaral ka nga sa Grayson Academy."
"Teka nga. Hindi naman ako elite ah? Bakit ganun?"
Sandali namang natahimik si Sheila. Mukhang may iniisip siya.
BINABASA MO ANG
MTAVP II: The Return of the Heiress
VampireThe Vampire King is lost without his queen. Is there really such thing as an eternal love when nothing is permanent even in the world of immortals? She's dead and gone but in his heart, he still yearns for the return of his queen, the return of the...