■26■ The Keepers

32.2K 1K 301
                                    

An: eto na ang update ;) Let's unlock the mysteries of James and Sephira.

-Sephira-

(Multimedia: James and Sephira)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Multimedia: James and Sephira)

Marahan kong kinatok ang silid ni Mama. Mula nang malaman kong tinatago niya si Tita Serene, hindi na kami nakapag-usap ng maayos dahil sa pagtatampo ko.

Binuksan ni Mama ang pinto. Nagulat pa siya noong nakita niya ako. Hindi niya rin siguro inaasahan na kakausapin ko siya ngayon. Isang linggo na rin mula nang makausap niya ako. Kahit sa iisang bubong lang kami, hindi kami nagpapansinan. Nainis ako sa kanya dahil sa pagtago niya kay Serene. Nainis ako dahil hindi niya manlang sinabi sa akin.

But I know that I'm being a hipocrite. Dahil maski ako, may tinatago rin naman kay Mama. May sekreto rin akong halos isang daang taon ko ng tinatago. At ngayon na siguro ang panahon para sabihin ko ito. Malapit na ang delubyo at alam kong isa ako sa may kasalanan kung bakit mangyayari ito.

"Anak," bulong niya. I noticed the bags under her eyes. Mukhang hindi siya nakatulog ng maayos.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko.

Pinapasok niya muna ako sa kwarto niya. Umupo ako sa kama at siya naman ay bumalik doon sa mesa niya kung saan nakalagay ang mga potion na kakatimpla lang.

"Oo naman, anak," sagot niya.

"I have something to tell you," I stated.

"What is it?"

I closed my eyes as I recalled what happened one hundred years ago. The time where I used to be so happy and contented until I found out everything - until I found out how twisted our lives was.

Dinalaw namin sila Tita Serene at Delphi dito sa mansion ng mga Lockheart. Nakasanayan ko na rin ang pagpunta dito kasama ni Mama dahil malapit silang magkakaibigan. Magkaibigan rin kami ng anak ni Tita Delphi na si Charles pero alam kong wala siya ngayon dahil mahilig iyong maglakbay.

This place is practically my second home.

Butler John welcomed us and guided the both of us to the mansion's waiting room. Doon rin ay sinalubong agad kami ng magkapatid na Lockheart.

We were seated in a wooden chair, with a large table made of glass in front. The room was enchanted with ornaments and plants hanging around the walls. The serenity of the whole place is what I came to know since I was little. The sense of familiarity it gives me is always gratifying. Kahit ilang beses pa siguro kaming magbalik-balik sa lugar na 'to ay hindi ako magsasawa dahil sa ganda nito.

Nag-uusap sila Mama, Tita Delphi at Tita Serene ng kung ano-ano. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa iniimbento nilang potions at ilang spells na sinusubukan nila. Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila. Paminsan-minsan ay iniinom ko rin ang tea na inihanda para sa akin. I'm not much of a talker so I didn't really participate. Besides, I really want to go to the library. 'Yun rin kasi ang paborito kong lugar dito. Marami kasing spellbook doon na hindi basta-basta. I like exploring that place.

MTAVP II: The Return of the HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon