An: sorry hindi ko natupad 'yung promise ko na mag ud noong weekened. Masama pakiramdam ko nung sunday eh. Sorry na. Ang daming nangungulit. Lol. Pero okay lang din:D
Eto na pambawi XD
-Third Person-
1996
Nalasan ni Caleb ang sarili niyang dugo nang saksakin siya ng lalaking nakamaskara. Nararamdaman niya na ang panghihina at sakit. Nanlalabo na rin ang kanyang paningin pero iniisip niya pa rin ang kanyang mag-ina. Kailangan niyang makaligtas. Kailangan niyang protektahan ang asawa niya pati na rin ang kanilang nag-iisang anak. Ngunit paano siya lalaban sa kalagayan niya ngayon?
Narinig niya ang mga yabag ng lalaki. Nakaalis na ang lalaking nakamaskara. Napakuyom siya lalo na at nakita niyang dinala nito ang anak.
Wala siyang naggawa hanggang sa bumagsak ang pinto at nawalan na siya ng malay.
Tuluyan na siyang nalagutan ng hininga.
*****
Unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata. Nakatayo siya sa kawalan. Nababalot ng dilim at usok ang paligid. Wala rin siyang ibang bagay na nakikita kundi iyon lamang. Nasaan nga ba siya?
Dumagundong ang tinig ng isang lalaki. Agad naging alisto si Caleb ngunit wala naman siyang nakikita.
"Caleb."
"Sino ka?" tanong niya.
"Lucifer," sagot nito.
Nagitla si Caleb sa narinig. Nanindig ang kanyang mga balahibo. Kausap niya ngayon ang hari ng mga demonyo.
"Anong nangyayari?" kinakabahang tanong niya.
"Patay ka na."
"Anong pinagsasabi mo?!" galit na sigaw ni Caleb.
"Patay ka na, Caleb. Ngayon ay nasa pagitan ka ng buhay at kamatayan."
Naguguluhan si Caleb. Patay na raw siya pero bakit nandito pa rin siya?
"Anong kailangan mo sa akin?" tanong niya.
Pero imbes na sagutin ni Lucifer ang tanong ni Caleb, pinukol niya rin ito ng isa pang tanong.
"Gusto mo bang makaganti?"
Naikuyom niya ang kanyang kamao. Naalala niya ang ginawa sa kanyang pamilya at ang mas masakit, wala siyang nagawa para protektahan ang mag-ina niya.
Hindi siya sumagot. Humalakhak naman si Lucifer na animo'y tuwang-tuwa sa galit na si Caleb.
"Kung ganoon, bubuhayin kita. Think of it as a second chance. You will have your revenge," wika ng demonyo.
"At ano naman ang kapalit?" tanong ni Caleb. Hindi siya tanga. Alam niyang may kapalit ang pagtulong nito sa kanya.
"Your soul will be my property."
Naisip ni Caleb na wala na ring mawawala sa kanya. Wala na rin naman siyang rason para mabuhay pa. Ano ngayon kung mapapasademonyo ang kaluluwa niya? Wala na rin naman siyang pake.
"Bubuhayin kita pero sa oras na mabuhay ka, sisingilin din kita. Bibigyan kita ng 20 taon at saka kita sisingilan."
Hindi na nag-isip pa si Caleb. Kailangan niyang maipaghiganti ang pamilya niya at kung ang pakikipag-deal sa demonyo ang tanging paraan, papayag siya.
BINABASA MO ANG
MTAVP II: The Return of the Heiress
VampireThe Vampire King is lost without his queen. Is there really such thing as an eternal love when nothing is permanent even in the world of immortals? She's dead and gone but in his heart, he still yearns for the return of his queen, the return of the...