■27■

31.6K 1K 285
                                    

An: Ayoko ng pahabain kasi wala na akong maisip hehe. So hanggang chapter 28 or 29 na lang ito + Epilogue.

-Raven-

"Raven? Bakit ka nandito---" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Adela. Hinila ko na siya palabas ng mansion niya at ipinasok sa kotse ko.

"Care to explain what's happening!?" sigaw niya.

"We need to find my brother," sabi ko.

"Brother? Anong pinagsasabi mo!?"

Pinaandar ko na ang kotse ko at kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari tungkol sa amin ng kapatid kong si James.

"Siya ang keeper? Ibig sabihin ba nun, maliban kay May sila ni Sephira ang makakapagmanipulate ng portal?"

"Oo. Kailangan natin siya dahil mamaya na pupunta si May sa Black Woods."

*****

Mahaba ang biyahe papunta sa mundo ng mga mortal. Matagal na ring hindi ako nakakapunta dito. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayong makikita ko na ang kapatid ko. Alam kong may rason siya sa pag-iwan sa pack pero sana manlang ay pinaalam niya sa amin.

Kumatok ako sa maliit na bahay. Dito rin ang adress na ibinigay sa akin ni Sephira. Dito raw nakatira ngayon ang kapatid ko.

Kumatok ako. Ilang minuto pa ay may narinig akong mga yabag.

Bumungad sa akin si James. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako pero kumalma rin naman agad at pinapasok niya kami ni Adela sa loob ng bahay.

Pinaupo niya kami saka siya humarap sa amin.

"Kailangan namin ng tulong mo," sabi ko.

"Alam ko."

"Kung ganoon, sumama ka sa amin."

Tumingin siya sa akin ng diretso. Bakit ngayon ko lang napansin 'to? Kahit itago niya, mahahalata ang luntian niyang mga mata gaya ng sa akin.

"Patawarin mo ako sa lahat," sabi niya.

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Wala akong balak kausapin siya tungkol sa nangyari sa pamilya namin pero mukhang siya na mismo ang gustong makipag-usap.

Naramdaman ko naman ang malambot na kamay ni Adela sa palad ko. Pinapakalma niya ako.

"Walang kang dapat ihingi ng tawad. I know that you did this for all of us. But for now, let's not think about ourselves. May needs us," sabi ko.

"Thank you, brother."

"Salamat din, kuya."

-May-

"We have a plan," sabi ni Mommy. Bumungad sa akin ang lahat - sila Tito Vlad at Tita Jocelyn, sina Angeli, Carmela at Joannie at may dalawa pang babaeng nakatalikod

Halatang wala silang pahinga pero makikita na nagkakaroroon na rin sila ng pag-asa. Kaya kung ano mang plano ang nabuo nila, handa  akong gawin mailigtas lang si Stephen.

Umupo ako sa upuan na nakalaan para sa akin. Nang makapwesto na ako, nagulat ako nang makita ko si Sephira at si Tita Lucinda. Sila pala 'yung dalawang babaeng nakatalikod sa akin kanina. Kailan pa sila nakarating dito?

"Tutulong kami, May," ani ni Tita Lucy.

"I know this is hard for you but I will do everything I can to find James," dagdag ni Sephira.

"Salamat sa tulong," sagot ko, "Kung ganoon, ano na ang plano?"

Bukas na ako makikipagkita kay Abddon. At exactly 12 midnight, I am to meet with that demon.

MTAVP II: The Return of the HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon