V. Dead Houseboy

531 10 2
                                    

Kabanata 1:

Ito po ay nangyari taong 2010, mayroon kaming houseboy na nagngagalang Kuya Zaldy. Tiyuhin daw siya ng aking ina mula sa partido ng ama ng aking ina. At isang araw umuwi siya sa aming bahay ng gabing-gabi na, at dahilan iyon upang magalit sa kanya ang aking ina. Sinabi pa ng aking ina na magbalot-balot na si Kuya Zaldy ng kanyang mga gamit, at umalis na lang sa aming bahay, at huwag nang muli pang babalik. Nagalit din si Kuya Zaldy noon. Mayroon kaming isa pang bahay sa lungsod ng Olongapo, kung saan naninirahan at nangangalaga ang nakababatang kapatid ni Zaldy na si Juliet. Ngunit sinabihan din pala ng aking ina si Juliet na huwag patuluyin si Zaldy sa naturang bahay, at kahit sa kung saan mang bakanteng apartment na aming pag-aari.Napag-alaman naming nakitira na lamang si Zaldy sa isa niyang kasamahan sa Iglesia ni Cristo. Namatay si Zaldy tatlong araw pagkatapos niyang mabundol ng isang kotse.

At ito ang nakakatakot na kwento:

Mga alas-dos y medya ng madaling araw. Ako ay kasalukuyang nakikipag-usap sa telepono namin sa ibaba, na naka boxer short lamang. Nasa itaas naman ang aking mga magulang, nagpapahinga na sa kanilang kwarto, ang aking kapatid na babae ay nasa sarili din niyang silid, at ang aking lola na pitumpu't anim na taong gulang na ay may kahinaan na ang katawan at hindi pa kaya pang maglakad pa, na may kasamang dalawang care givers. Lahat sila kapwa natutulog na. Si lola ay nakahiga sa isang hospital bed na may mga lalagyan o bukasan sa babang gilid nito. Isang upuan naman ang nakaharang sa may bukasan nito na may dalawang unan at remote ng telebisyon. Ang kanyang sapatos ay nasa ilalim ng kanyang kama.

Alas dos kwarenta'y singko, ng marinig naming sumigaw ang dalawang care givers, na nagpa alarma sa amin. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdanan pataas, nasalubong ko naman si lola na pababa ng naturang hagdanan, na ang kanang kamay niya ay nakahawak pa sa railing ng hagdan, at ang kaliwa naman niyang kamay ay hawak-hawak ng kung sino man na tumutulong para sa makababa (Si Zaldy kasi ang nangangalaga noon sa aking lola). Akala ko ayos na ang lahat, at bumalik na lamang sa may telepono.

Alas dos kwarenta'y siyete, nakaramdam ako ng isang malamig na hangin sa aking likuran.

Alas dos kwarenta'y nuwebe, biglang umalulong ang aso namin ng nakapanginiglabot. Sinabi sa akin ng babae na aking kausap sa telepono na tignan ko muna daw ang aso namin, sapagkat kakaiba umano ang kanyang pag-alulong. Sinabi ko lang na wala iyon.

2:55 am (hehhehe nakalimutan ko ang tagalog ng 55 message nyo ko if alam nyo hehehhe) ng nagtakbuhan ang mga katulong na natutulog sa aming quaters room na umiiyak at sumisigaw at kapwa takot na takot.

Alas Tres sakto ng madaling araw, ng ang aking ina ay nagising ng umiiyak, at sinasabi niyang nakita niya si Zaldy na naglalakad patungo sa kanilang kwarto.

Si Kuya Zaldy nga kaya iyon? O ano?

Wakas.

Kabanata 2:

Samantala, tinanong ko ang aming mga katulong kung bakit sila biglang nagtakbuhan papunta sa itaas. Sinabi nila na nang marinig nila ang aso nila na umaalulong, nagising sila at sinubukang silipin sa labas kung sino o ano ang tinatahulan ng kanilang aso. At doon nila nakita ang isang malaki, at matangkad na anino.

At ito pa ang isa pang kwento.

Alas diyes ng gabi noon, ng magronda ang guard at mga mga barangay tanod sa aming lugar.

Alas diyes bente tres, naroroon naman ako sa aming sala at nanonood ng telebisyon ng makarinig ako ng isang sitsit PSSST! parang nagmumula sa labas ng aming bintana. (Madalas kasi itong gawin ni Zaldy, ngunit pinagpalagay ko na lamang na si Andrew iyon na bago naming houseboy).

Alas onse dos ng umalingasaw ang amoy ng aming banyo na para bang hindi ito nililinis ng ilang taon. Ginising ko ang mga katulong namin para patignan kung ano ang nangyari. ( Naamoy din nila ang baho ng CR ngunit nakasara naman ang bintana nito na malapit din sa bintana ng kanilang quaters room).

Alas onse y medya, nagpunta ako sa aking kwarto upang makatulog na, ng makita ko ang care giver ng aking lola, nakita ko sa kanyang mga mukha ang pagkabalisa at pagkataranta. Tinanong niya ako ng dalawang beses: Bakit ko ginagaya si Mke? at Bakit ka nananakot dito?. Napag-alaman ko na, ng mga bandang alas onse kinse na pumunta siya sa aking kwarto dahil may naririnig daw siyang kumakanta mula sa banyo sa aking kwarto. BInuksan niya ang pintuan ng banyo, ngunit wala siyang nakita na naroroon. Siya ay nangilabot.

Alas onse y medya ng gabi ng tumawag ang bagong talagang guard sa aming bahay at tinatanong kung mayroon bang pahintulot si Zaldy mula sa amin na kailangan niyang umalis ng village ng ganitong oras. Sinabi ko "Patay na si Zaldy matagal na" (Si Zaldy ay namatay matagal ng panahon). Nang mariniig ko ang guard na nagsabing "Sir bigla po siyang nawala".

Kung si Zaldy ang gumagawa nito bakit?

Wakas....


Lagim sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon