XXII. White Lady Stories

323 7 0
                                    

SA KUSINA

Mayroon akong isang karanasan na hinding-hindi ko makalimutan, noon ay nasa kolehiyo na ako, at kailangan kong ipasa ang aking kuwaderno kinabukasan, na nataong araw pala ng Sabado at kailangan kong maglagi doon mga bandang ala una na ng madaling ng Biyernes, kasalukuyan akong nakaupo sa sahig ng aming sala nagsusulat at sa aking kanan ay ang aming daanan papuntan sa aming kusina. Mayroong dalawang kwarto sa magkabilang gilid ng hallway. Ang aming banyo ay nasa kaliwang bahagi ng aming kusina at ang aming kusina ay mayroong pintuan kahilera lamang ng pintuan ng aming banyo.

Hindi ko napansin ang oras at ako ay nakakakaramdam na ng pagka antoko ng mapansin ko ang isang White Lady sa sulok ng aking kanang mata, nakalutang siya galing ng pintuan ng banyo papunta sa may pintuan ng kusina patungo sa aming likod bahay. Alam kong siya ay lumulutang dahil ang laylayan ng kanyang puting damit ay sa tingin ko ay limang pulgada ang agwat mula sa aming sahig. Ang kanyang itim na buhok na kapantay na ng kanyang mga siko. Hindi ako makagalaw ng makita ko siya at lagi ko itong naaalala ng malinaw hanggang sa mga oras na ito. At ng muli akong sumulyap, akala ko talaga ay isa lamang iyong imahinasyon na nilalaro ang aking isipan. Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking ginagawang pagsusulat upang ito ay akin ng matapos. At muli pa, nagpakitang muli ang White Lady ngayon ay nasa tapat na siya ng aming lababo sa may kusina, taliwas sa aking posisyon. Ako ay nagitla at alam kong gusto niyang kunin ang aking atensyon. Natatakot na ako ng sobra na ipagpatuloy pang muli ang aking pagsusulat, at baka ang susunod na niyang gagawin ay lapitan ako! Madali kong kinuha ang lahat ng aking mga gamit at inilagay ito sa laoob ng aing bag at agad na natulog.

Hanggang ngayon, hindi ko na siya muli pang nakita at ayoko na sana makita pa siyang muli. Ito ang nakakatakot kong karanasan.

GYM/FITNESS CENTER

Noon taong 2007, nagtatrabaho ako sa isang fitness center sa may Quezon City. Ang trabaho ko doon ay isang receptionist, makalipas ang tatlong buwan mula ng manganak ako. Ito ay nasa gusali rin ng isang kilalang TV Network, kung saan marami ring mga pribadong kompanya ang matatagpuan dito. Kada isang linggo mayroon kaming isang schedule na pang-gabi o night shifting schedule. Ang isa naming tungkulin sa aming trabaho ay i monitor ang mga credit cards ng aming mga miyembro na hindi nakakabayad ng kanilang buwanang hulog.

Ang pang-gabing oras ay magsisimula ng 10PM hanggang 5AM, pagkatapos ay papalit naman sa amin ang mga nasa morning shift na mula 6AM hanggang 1PM. Lahat ng aking mga kasamahana sa trabaho ay nagsasabi sa akin na ang fitness center daw namin ay pinagmumultuhan, mayroon daw silang nakikitang mga anino kung saan-saan, lalo na daw kung saan nakalagak ang mga kagamitan na nasa shower rooms. Ngunit hindi ko ito pinansin noong una, hanggang sa isang gabi sa aking trabaho, nag-iisa lamang ako noon, walang secuirity guard, o kahit sino man, basta ako lang mag-isa.

Matapos kong suriin lahat at isarado ang fitness center, nagpasya muna akong kumain ng aking hapunan sa aming opisina, habang ako ay nakikinig ng music mula sa aking Ipad upang maibsan man lang ang pagkabagot. Pagkatapos nun ay ginawa ko na ang aking trabaho, habang sinususian ko ang mga makina na naroroon, nakarinig ako ng mga yabag na para bang may naglalakad. Hindi ko ito pinansin, makalipas ang ilang minuto, may parang naaninag ako at pakiramdam ko ay mayroon akong kasama dito sa kwarto na nakamasid sa akin. Ipinagwalang-bahala ko na lang ito. Naramdaman ko ang isang malakas na presensya at ang temperatura ng buong silid ay bigla na lamang bumababa, biglang lumamig. Ipinagbabawal sa amin na buksan ang air conditioned tuwing gabi kaya papaanong biglang nakaramdam ako ng panlalamig. Muli ay hindi ko na lamang ito pinansin.

Mga bandang alas tres na ng madaling araw, nakakaramdam na rin ako ng antok, kaya naman napagpasyahan kong matulog sa silid-pahingan (lounge). Mayroon doong isang malaking sofa, kulay asul at pula, at mukhang mabigat upang mabuhat pa, kaya naman inurong ko na lamang ang isang kulay asul na sofa at idinugtong sa kulay asul ding sofa na nasa kabilang bahagi. At humiga na ako upang matulog.

Hindi ko na alam kung ilang oras na ba akong nakakatulog, ngunit naramdaman ko na lang bigla ang pag-uga ng sofa kung saan ako nakahiga. Inuuga ito ng inuuga, palakas ng palakas, pabilis ng pabilis! At nakita ko ang isang babae nakaputi na nakatayo sa aking gilid, ngunit hindi ko man lang maaninag ang kanyang mukha dahil sa kanyang mahabang buhok. Siya ay nakasuot ng makalumang kasuotan at may napakahabang buhok. Nanatili lamang siyang nandoon, nakatayo sa tabi ko! Siyempre, natakot talaga ako ng husto! Kaya naman ipinikit kong muli ang aking mga mata at nagdasal, "Diyos ko tulungan mo po ako, please, tulungan mo po ako, Gisingin ninyo po ako." Makalipas ang ilang minuto o para sa akin ay walang-katapusan, tumigl din ang pag-alog. Binuksan kong muli ang aking mga mata at siya ay wala na.

Tumayo ako at nagtungo sa aking lamesa malapit sa may bukana ng pintuan. Hindi na muli pa akong nakatulog, hinintay ko na lamang ang aming lady guard at ng siya ay dumating na, ito na rin ang oras upang ako ay makabalik sa loob at makapasok ng banyo upang maligo, at ayusin ang aking sarili para sa isang morning shift, pagkatapos noon ay nag-almusal na rin ako. Sinabi ko sa aming guard at sa iba ko pang mga kasamahan ang nangyari sa akin kagabi, at hindi na sila nagulat sa kwento ko sinabi pa nila na normal lang daw iyon dito sa opisina.

SA KOTSE

Bago ko simulan ang lahat, ang karanasan kong ito sa White Lady ay nangyari sa Pilipinas, sa may bandang Manila City. Ito ay naranasan ng lola ng aking kaibigan habang siya ay nagmamaneho ng kanyang kotse.

Siguro ay mga dalawang taon na rin ang nakalilipas, noon ay kasalukuyang nagmamaneho ng kanyang kotse ang lola ng aking kaibigan malapit sa Manila sa Pilipinas, ng makaramdam siya ng kilabot at pagtayo ng kanyang mga balahibo na para bang may nakatingin o nagmamasid sa iyo. At dahil gabi na nga, napakadilim na ng buong paligid, madilim na kapaligiran na halos hindi mo na makita ang kalsada. Nang makaramdam siya ng kilabot, nakakita siya ng isang pigura sa may kalsada ng bigla niyang matapakan ang preno.

"Umalis ka dyan sa daraanan ko." sigaw ni lola, ngunit ang pigurang iyon na nasa kalsada na isang White Lady ay patuloy na itinuturo ang lola ng aking kaibigan. Napagkamalan tuloy ng kanyang lola na isa lamang itong babaeng baliw kaya naman pinaandar niyang muli ang kanyang kotse at dinaanan na lamang niya ang babae.

Limang minuto ang nakalipas, nakaramdam muli siya ng isang hindi maipaliwanag na pakiramdam. At ngayon naman ay tinignan niyang mabuti ang kalsada, ngunit walang sinuman ang naroroon, ngunit may napansin niyang ang parehong puno kung saan niya nakita ang babaeng nakaputi kanina lamang. Nagkataon lamang ba? Sa tingin niya ay hindi.

Tumingin siya sa may rear-view mirror ng kanyang sasakyan at nakita niya ang babae na nakita niya kaninang itinuturo siya ngunit sa pagkakataon iyon ay nasa back seat na siya ng kanyang kotse. Kumuha siya ng konting asin na nasa kanyang compartment at isinaboy ito sa babae at ang aparisyon ng babae ay naglaho. Matapos ng mga nangyari, nagpabendisyon siya sa isang pari at sinabing huwag na siyang muli pang babalik sa kalsadang iyon kailanman. Sinasabing ang kalsadang iyon ay isang malaking silo o bilog at ang sinumang mapupunta doon ay magpapaikot-ikot na lamang sa lugar na iyon na parang isang bilog. Ang White Lady ay patuloy pa ring naglalagi saan man sulok ng Pilipinas at ito ay nasaksihan na rin ng maraming tao na naninirahan lamang malapit sa Quezon city.

Sa Refrigerator

Ito ay naranasan ko noong ako ay bata pa lamang. Nakatira kami noon sa Pasig, Metro Manila. Ang bahay namin ay maliit lamang. At kung pagmamasdan mo ang loob nito mula sa itaas, isang maliit na kwarto ang isang banyo ang matatagpuan mo sa kaliwang bahagi ng bahay. Mayroon doon isang refrigerator sa taas, katapat naman nito ang banyo, kasama ng lababo ng kusina at ng gas stove. Ang pintuan at ang sala naman ay nasa ibabang bahagi ng mga kwartong ito.

Habang ako ay naliligo mag-isa, hindi ko talaga ugali na magsara ng pintuan ng banyo sapagkat ako ay matatakutin talaga sa mga multo. Mayroon kaming shower curtain ngunit nakalilis din ito ng bahagya dahil nga sa ako ay sobrang matatakutin talaga. Habang ako ay naliligo, nakita ko ang isang White Lady, na nakaputing damit siyempre hehhehhe, mahaba ang buhok na dumaan at tumagos sa aming Refrigerator.

Tumakbo ako patungo sa kwarto kung saan naroroon ang nanay ko. Sinabi ko sa kanya ang mga nakita ko. At sa mga sandaling iyon, natatakot na akong buksan ang aming refrigerator dahil sa naiisip ko na nandoon sa loob niyon ang babaeng nakaputi. Sinabi ko sa nanay ko na buksan ito, ngunit wala naman ang nasa loob. Ito ay isa lamang simpleng kwentong ngunit sa mga oras na nararanasan ko iyon sobrang takot ang aking naramdaman, nakakapangilabot talaga.

Hindi lang ko lang iyon naransan ng isang beses sa aming bahay, kahit na ang aming mga katulong ay nakaranas din ng kakaiba at maging ang aking ina. Gusto ko lang sabihin sa inyo ang lahat ng iyon sa mga iba ko ang mga kwento.

Wakas.


Lagim sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon