Ito ay nangyari sa akin noong ako ay nasa ikalabing dalawang taon gulang pa lamang. Hindi ko mapigilan ang sarili kong ikwento din ito sa inyo. Mayroon mga kwento kwento o urban legend sa aming unibersidad kung saan ako kumukuha ng kursong Bachelor of Arts of Home Economics. HIndi na mabilang ang mga nakakatakot na karanasan at hindi mga maipaliwanang na bagay na nangyayari sa Unibersidad ng Gitnang Luzon, isa na dito ang Black Lady. Nais ko muna sa inyong ibahagi ang karanasan ng aking matalik na kaibigan na nabiyayaan din ng ikatlong mata, kung saan nakakakita siya ng mga nilalang na nakatira sa tabi ng kanilang bahay, siya ay nasa anim o pitong taong gulang pa lamang noon.
Sa kalaliman ng gabi ng si Ems na aking kaibigan, kasama ang kanyang kapatid na babae ay natutulog na sa kanilang kwarto. Biglang napabangon ng higa si Ems at napahawak sa bisig ng kanyang kapatid sa sakit na kanyang nararamdaman. Sila ay kasalukuyang natutulog sa loob ng kulambo ng ituro na lang bigla ni Ems ang isang gilid ng kanilang kulambo malapit sa bintana.
"May Multo!" paulit-ulit na sambit ni Ems sa kanyang kapatid ngunit, siyempre hindi siya pinaniwalaan ng kanyang kapatid sapagkat wala din naman itong nakikitang kahit na ano o sino man na naroon. Sinabi at inilarawan ni Ems na ang multo daw na nakikita niya nakasuot ng belo at galit na galit ang kanyang itsura. Para daw itong mangkukulam at daga dag pa niya na ito daw ay nakasuot ng itim na damit. Ito daw na nakatayo ng ilang ding segundo at tsaka bigla na lang nawala.
May mga estudyante din na dumadaan sa tapat ng kanilang bahay tuwing gabi ang nagkwento na may nakikita daw silang isang Black Lady sa tapat ng kanilang terrace. Sinabi sa akin nila Ems at ng kanyang kapatid na may natagpuan daw silang mga fetus na nasa loob ng mga garapon sa kanilang likod bahay. At hindi ako nakasisisguro kung isa ba ito sa mga dahilan kung bakit pinagmumultuhan ang kanilang bahay. Mayroon din daw ditong hindi nakikitang kampanero sa kabilang silid ng bahay at kakatwang mayroong din white lady na minsan na ring nakita sa may sala ng bahay.
Sinisisi nila ang Black Lady sa pagkamatay ng mga estudyante taon taon sa kanilang unibersidad. Maaari daw na isa iyong dating residente ng CLSU o isa ring estudyante noon. Ang pagkamatay ng isang matandang babae dahil sa aksidente sa kalsada ay sinasabing ang Black Lady daw ang dahilan nito sapagkat may mga nagsasabing nakita daw nila ang Black Lady bago mamatay ang matandang babae.
At ito naman ang aking karanasan. Napagpasyahan naming sumama sa isang picnic noon kami at naninirahan pa sa lkod ng aming unibersidad mga dekada 90 noon. Ang lugar na iyon ay tinatawag na Nature Park kung saan ang mga empleyado at ang mga mataas na pinuno ng naturang unibersidad ay doon nakatira. Napakarami ditong mga fishponds at mga puno sa paligid. Nakaramdam ako ng pagkabagot, dahil sa wala man lang akong makausap doon ay napagpasyahan kong maglakad-lakad muna sa paligid ng fishpond, sa aking harapan ay ang napakaraming mga puno, ngunit alam kong ko sa sarili ko na medyo malayo-layo pa ako mula doon ngunit wala naman talagang humaharang sa aking paningin na mga puno. Mga labinglima dipa lamang ang layo mula sa akin ng makakita ako ng isang lumulutang na mahaba at mapayat na itim na pigura na simula kong makita mula sa likod ng isang puno at pagkatpaos ay biglang naglaho na parang bula ng makarating sa iba pang puno.
Dahil sa kata-katang pangyayari ay hindi napiglang mag-usisa ng isang labingdalawang taon gulang, ako ay natukso na suriin at magsiyasat para makita at maalis ang aking mga agam-agam kung ito ba ay isang multo ngunit sa paraan kung papaano ito gumalaw ay kataka-taka talaga. At isa pa, magtatakip- silim na noon at sa paniniwala ko ay ang mga multo ay nagpapakita lamang tuwing gabi. Nagdadalawang-isip ako kung ako ay tutuloy pa ba sa may mga puno o babalik na lamang sa aking pamilya at napagdesisyunan ang huli.
Ngayon ang Black Lady ay maaaring naroon pa din sa lugar na iyon at nagpapagala-gala lang na naghahanap ng mga taong mabibiktima sa loob ng unibersidad. Siguro nga ay mayroon mga bago pang mga kwento tungkol sa katatakutan ito. Kahit na mapatunayan man na siya ang dahilan ng mga kamatayan at aksidente sa lugar na iyon, ay walang nakaaalam.
BINABASA MO ANG
Lagim sa Dilim
HorrorIto ay ang mga pinagsama-samang mga kwentong ng katatakutan na akin lamang nabasa mula sa iba't ibang libro at mga iba't ibang uri ng babasahin na gusto kong ibahagi sa inyo. Ito ay mga kwentong nagpapatayo ng inyong mga balahibo, magpapabilis ng ti...