Araw-araw papasok man sa paaraalan at pauwi ng bahay ay nilalakad ni Dindo ang halos isang kilometrong kalsada patungo sa kanilang barangay. Maaga pa lamang ay umaalis na siya ng kanilang bahay upang hindi mahuli sa klase, at kadalasan sa kanyang pag-uwi sa hapon ay inaabot siya ng alas-singko y medya sa paglalakad pauwi. Madalas ay nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa mga oras na iyon. Upang hindi mainip at makaramdam ng pagod sa paglalakad pauwi ng kanilang tahanan o papasok man sa eskwelahan ay naglalaro siya habang naglalakad nandoong nagsisipa siya o kaya naman ay kumakanta kanta at sumisipol sipol pa. Sa kahabaan ng diretsong daan patungo sa kanilang tahanan ay may madadaan siyang isang mahaba at may kataasang pader na naghihiwalay sa kalsada at sa isang napakalaking bakanteng lote.
Noong hapon na iyon ay napasarap sa paglalaro si Dindo sa paaralan at medyo papadilim-dilim na ng umuwi, ngunit ganoon pa man dahil sa bata pa nga siya ay naglalaro pa rin siya sa kalsada habang naglalakad (sapagkat wala namang dumadaang kahit na anong sasakyan doon).
Habang siya nasa mismong kalagitnaan ng napakahabang pader na iyon may bigla siyang narinig na SITSIT lumingon-lingon siya ngunit wala naman siyang nakitang tao bagkus ay siya lamang ang nag-iisang naglalakad sa kahabaan ng kalsadang iyon. Hindi niya ito pinansin, at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Isang SITSIT muli ang kanyang narinig, at SITSIT uli ng dalawang magkasunod na beses. Hindi na nagdalawang-isip pa si Dindo noon, at siya ay mabilis na tumakbo hanggang sa makarating siya sa kanilang bahay.
"Oh bakit parang may humahabol sa iyo?" puna ng kanyang ina pagdating niya sa kanila.
"Wala naman ho, pagabi na kasi kaya nagmadali na lang po ako umuwi." sagot ni Dindo.
Hindi na sinabi pa ni Dindo ang kakatwang pangyayari na kanyang naranasan sa pagdaan niya sa may bakanteng lote na may mahabang pader.
Kinabukasan, nakalimutan ni Dindo ang nangyari sa kanya kahapon dahil sa paglalaro, inabot na naman siya ng magtatakip-silim sa paglalaro. Kaya ganoon na naman ang nangyari sa pagdaan niya ng may bakanteng lote na may mahabang pader. Upang hindi na siya makaramdam pa ng takot sa paglalakad, naisipan niyang ilabas ang kanyang laruan na sipa (iyong laruan na may tingga at pabalat ng kendi) habang siya ay naglalakad ay sabay din siyang naglalaro ng sipa, ng makarinig muli siya ng isang SITSIT sa kanyang pagkagulat ay napalakas ang pagsipa niya sa kanyang laruang tingga at napunta ito sa kabilang parte ng pader. Napag desisyunan niyang huwag na lamang itong kunin at baka may makakita pa sa kanyang umaakayat sa naturang pader at isumbong sa kanyang magulang, kaya hinayaan na lamang niya ito at pinagpatuloy na lamang ang paglalakad pauwi, ngunit ilang dipa pa lamang ang kanyang nalalakad ay may isang isang bagay ang nahulog sa may kalsada na nagmula sa kabilang pader, agad siyang lumingon dito at nakita niya ang kanyang laruang sipa, binalikan niya muli ito at pinulot at nagsimulang maglaro muli, ngunit agad ding napunta ito sa kabilang pader, kaya pinagpatuloy muli niya ang paglalakad ngunit ilang segundo pa lamang ay bumalik muli ang kanyang sipa sa may kalsada, napaisip na siya siguro ay may batang gustong makipaglaro kanya ng sipa na naroroon sa kabilang parte ng pader. Dahil sa kuryusidad at kakulitan na rin ay naisipan niyang umakyat at silipin kung ano o sino ang nasa kabilang bahagi ng pader. Hindi niya akalaing ito ang tagpong hinding hindi niya makakalimutan sa buhay niya.
Pag-angat niya ng kanyang ulo nakita niya ang isang bata na halos kasing edad lamang din niya ngunit naaagnas na ang buo nitong katawan at ang mukha na halos hindi mo na makilala. At bigla itong nagsalita at kinausap si Dindo.
"Tara bata laro tayo ng sipa, paborito ko rin itong laruin." sabi ng naaagnas na bata sa kabilang pader.
Dahil sa matinding takot nakabitiw si Dindo sa pagkakahawak niya sa pader at nalaglag sa may kalsada, ngunit hindi man lang siya nakaramdam ng sakit, mas nangibabaw sa kanya ang takot na nararamdaman niya ng mga oras na iyon, tumakbo ng mabilis si Dindo pauwi ng kanyang bahay.
Pagdating niya sa kanilang bahay tinanong agad niya ang kanyang ina kung bakit may malawak na bakanteng lote sa aming lugar na napapalibutan ng may kataasan pader.
Ikinukwento sa akin ng aking ina na dati raw ay isa iyong malaking bahay ampunan at maraming mga bata ang naroroon. Isang araw daw ay bigla itong nasunog dahil sa nakasinding kandila ng mga bata. Wala daw nakaligtas mula sa sunog na iyon, lahat ng mga bata at mga empleyado ng ampunang iyon ay nasawi sa trahedyang iyon, at mula noon hindi na pinatayuan pa ng kahit na anong gusali ang loteng dating kinatitirikan ng ampunan, nilagyan na lamang nila ng pader ang paligid nito upang hindi mapasok pa ng ibang tao.
Magmula noon ay hindi na ako nagpagabi pang umuwi ng aming bahay, sandali na lamang ako naglalaro tuwing hapon, at nagpapasundo na rin ako sa aking ina mula sa paaralan upang lagi akong may makasabay sa paglalakad. Sumang-ayon naman ang aking ina at araw-araw na niya akong hinahatid at sinusundo sa paaralan.
Wakas.
BINABASA MO ANG
Lagim sa Dilim
HorrorIto ay ang mga pinagsama-samang mga kwentong ng katatakutan na akin lamang nabasa mula sa iba't ibang libro at mga iba't ibang uri ng babasahin na gusto kong ibahagi sa inyo. Ito ay mga kwentong nagpapatayo ng inyong mga balahibo, magpapabilis ng ti...