Ako ay pitong taong gulang pa lamang noon, ng magdesisyon ang aking ama na pumunta sa bansang England, upang mabigyan ako, ang aking ina, at ang aking kuya ng isang magandang buhay. At ang tumayong parang ama sa akin sa mga nakalipas na mga buwan ay ang aking mabait na Tiyuhin. Ngunit ngayon ay nakatira na rin ako sa England.
Noon nasa Pilipinas pa kami, ay nagkaroon ako ng isang kwarto kung saan namin tinatago ang mga laruan namin ng aking kuya. Isang araw, umalis ang aking mga magulang upang mamili ng mga kakailanganin namin sa bahay, kaya naman ang aking Tiyahin at Tiyuhin, na nakatira lamang sa katabing apartment, ang tumingin at nagbantay muna sa amin pansamantala. Pumunta ako sa aming kwarto ng aming mga laruan, at diretso sa mga manikang naroroon at kumuha ng dalawa dito. Sa likod ng dalawang manika ito ay naroon ang isang manikang pinaka-ayaw ko. Pangit kasi ito at mukhang mumurahin lang ang pagkabili. Nakuha ko ito mula sa isa sa mga kaibigan ng aking ina noon kaarawan ko. Ilang minuto pa ang lumipas, nakarinig ako ng isang boses na nagsasabing: "Gusto mo na maglaro?" at biglang nalaglag sa lapag ang mapangit na manikang iyon kung saan siya nakalagay. Inakala kong si Kuya lamang iyon, ngunit bigla kong naalala na kasalukuyan palang natutulog si Kuya sa bahay ng aking Tiyahin. Natural, nataranta ako at nagtatakbo papunta sa aking Tiyuhin. Tinignan naman muli ng aking Tiyuhin ang kwarto ngunit wala naman siyang nakita roon. Hindi na ako muling pumasok pa ng aking kwarto ng mga ilang araw, pagkatapos ng pangyayaring iyon.
Isa pang nangyari sa akin noong kalilipat lang namin sa bansang England, kamakailan lamang gumagawa ako ng isang larawang-guhit mula sa kurtina ng aming kwarto, ng may nakita akong isang repleksyon ng isang kamay sa may bintana. Nakasisiguro akong hindi iyon ang aking mga kamay dahil ito ay maputla o malabo sa aking paningin ngunit ito ay may singsing at bracelet na nakasuot. At nitong umaga lamang, pagkatapos kong maligo, ako ay nagpapatuyo (ngunit nanatili lang ako sa aming banyo at narinig ko na ito daw banyo ang pinaka nakakatakot na bahagi ng kabahayan, sa aking palagay) pagkatapos kong punasan ang aking mukha, nakita ko ang isang parang itim na usok o ulap na nasa aking mukha, ngunit sa isang pikit lamang ng aking mga mata ay nawala na rin ito.
Wakas.
BINABASA MO ANG
Lagim sa Dilim
HorrorIto ay ang mga pinagsama-samang mga kwentong ng katatakutan na akin lamang nabasa mula sa iba't ibang libro at mga iba't ibang uri ng babasahin na gusto kong ibahagi sa inyo. Ito ay mga kwentong nagpapatayo ng inyong mga balahibo, magpapabilis ng ti...