XXIV. Kataka-taka!

238 2 0
                                    


Kasalukuyan akong nagtatrabaho bilang isang operator sa isang medical factory na gumagawa ng mga parte ng isang pacemaker. Tuwing night shifts mayroon lamang humigit kumulang na walong katao na nagtatrabaho sa naturing pabrika.

At dito ako na aassign sa panggabing oras o graveyard shift at sa kalagitnaang oras ng isa sa aking shift nakaramdam ako ng isang presensya ng isang hindi ko na namang nakikitang nilalang o kung ano pa man iyon. Alam kong medyo nasa kalayuan naman siya mula sa akin, at alam ko ring gusto niyang lumapit o mapalapit sa tabi ko. Noong una, sinubukan ko pa siyang kausapin sa pamamagitan ng aking isip na kung maaari ay lumayo siya sa akin, na siya namang ginawa kalaunan. Tuwing gabi nararamdaman ko siya palagi na para bang paikot-ikot lang siya banda sa aking likuran ngunit medyo may kalayuan pa rin naman na sa aking palagay ay talagang iniiwasan niyang magpakita sa akin. Nakikita ko lang ang kanyang anino kapag gumagalaw siya kung ako ay biglaang titingin sa aking likuran ng sa gayon ay makita ko siya.

Medyo nakakadama na ako ng takot kapag nararamdaman ko siya na nasa paligid lamang at nais na makalapit sa aking kinaroroonan, pilit ko pa rin sinasabi sa kanya na huwag siyang lumapit (sa pamamagitan ng aking isip) hanggang sa makaramdam na rin ako ng pagka-awa sa kanya (Hahahha). Kaya naman napilitan na rin akong kausapin siya at upang masabi ko na rin sa kanya na "Okay lang, sige maaari kang lumapit sa akin ngunit huwag na huwag ka lang magpapakita sa akin ha," at siya na naman niyang ginawa.

Nararamdaman ko siyang umaali-aligid sa aking tabi kahit saan man ako magpunta ay naroroon siya. Nang minsang gumagamit ako ng microscope ay nararamdaman ko ring para bang nag-uusisa din siya kung ano ang aking ginagawa. Minsan pa nga ay nakakaramdam na rin ako ng pagkayamot dahil sa lagi siyang umaali-aligid sa tabi ko dahil para bang kung iisipin mo ay mayroong isang tao na sinusubukan kang gulatin o sopresahin (ang iba ko kasing mga kasamahan dito sa pabrika ay gustong gusto nila ang manggulat). Ngunit may mga oras din namang gusto kong usisain ang tungkol sa kanyang mga nakaraan, kahit na ba ayoko talagang makipag-usap sa kanya (dahil baka mapalapit siya ng husto sa akin at iyon ang iniiwasan kong mangyari).

Magpahanggang sa ngayon ay patuloy ko pa ring nararamdaman ang kanyang presensya na nasa paligid ko lamang lalong lalo na kapag ako ay gumagamit ng microscope, na kung minsan ay nakikita ko siya on my peripheral sight na para isang anino (ngunit mas kahalintulad ng isang maitim o itim na usok).

Hinahayaan ko na lamang itong kataka-taka at hindi nakikitang nilalang sa aking paligid as long as hindi ako nakakaramdam ng panganib mula sa kanya. Maaari ring makatulong siya sa akin na sabihin kung mayroon akong isang katrabaho na manggugulat sa akin mula sa aking likuran.

Wakas



Lagim sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon