hehhe sorry sa pamagat wala na akong maisip na ibang pamgat pa hehhehhe medyo weird yata. By the way here the story.
Noong nagpunta ako sa Pilipinas upang magbakasyon, may isang karanasan ang aking kapatid na hindi maipaliwanag.
Isang maaraw na hapon taong 2009, napagpasyahan na naglalaro ng aking kapatid kasama ang ilan naming mga pinsan sa may lumang bahay na pag-aari ng aming pamilya ngunit walang tao ang naroroon na nakatira. Mapangahas at walang takot nilang nilibot ang kabahayan ng sila ay nainip at napagpasyahang maglaro doon ng tagu-taguan. Umakyat sila sa ikalawang palapag ng bahay dahil mas maraming parte doon ang kanilang mapagtataguan. Habang sila ay naroroon sa ikalawang palapag, sinabi nilang ang pinakabata sa kanila na babae ang siyang magiging taya at habang siya ay nagbibilang na ang apat na iba naman ay nagtago sa isa sa mga kwarto don.
Nang siya matapos na sa apgbibilang hanggang sampu, lahat sila ay nanatiling tahimik. Mga ilang minuto din ang lumipas at hindi pa rin sila natatagpuan ng batang babae. Ilan pang mga minuto muli ang lumipas sinabi ng batang babae na "Lumabas na kayo! Saan man kayo nagtatago." Ang apat sa babae ay tumatawa at sumigaw upang malaman kung saan sila naroroon. Dalawang minuto pang muli ang nakalipas, hindi pa rin sila nakikita ng batang babae. Ilang segundo pa ang nakalipas ng isang boses ang nagsabi ng "Lumabas na kayo! Saan ka man naroroon!" hanggang sa mapagod sila sa paghihintay at pagtatago kaya inilabas nila ang kanilang mga ulo sa may pintuan ng kwarto at sinabing "Okay nandito kami! Ngunit walang dumating kahit isa.
Napagod at nainip sa kahihintay, tinignan nila ang buong ikalawang palapag ngunit hindi nila mahanap ang batang babae. Naisipan na nilang bumaba at napag-alaman na ang batang babae ay nakaalis na bago pa man nila narinig ang mga katagang:
Lumabas na kayo! Saan man kayo naroroon! sa unang pagkakataon.
Ang tanong dito ay sino ang nagsabi ng "Lumabas na kayo! Saan man kayo Naroroon! sa ikalawang pagkakataon?
Wakas.
BINABASA MO ANG
Lagim sa Dilim
HorrorIto ay ang mga pinagsama-samang mga kwentong ng katatakutan na akin lamang nabasa mula sa iba't ibang libro at mga iba't ibang uri ng babasahin na gusto kong ibahagi sa inyo. Ito ay mga kwentong nagpapatayo ng inyong mga balahibo, magpapabilis ng ti...