Ang kwentong ito ay nangyari noong ako ay labing dalawang taon gulang pa lamang. Noon ay kasama ako ng aking tiyuhin at ng dalawa ko pang mga pinsan na galing ng States. Gusto nilang bisitahin ang puntod ng aming lolo. Sinabi sa akin ng aking tiyuhin na samahan ko sila sa pagpunta sa puntod ng aming lolo, sapagkat alam ko ay eksaktong lugar kung saan nakahimlay si lolo. Pagkatapos naming bisitahin ang puntod ni lolo ay agad din kaming bumalik sa bahay ng aming lola, kung saan kaming lahat ay nanunutuluyan doon pansamantala. Naupo ako sa likurang bahagi ng driver's seat, at ang dalawa ko pang pinsan ay naupo naman sa tabi ko. Siguro ay mga nasa alas-dose y medya na ng madaling araw kaya naman ay agad nang nakatulog ang aking mga pinsan; at siyempre pa, nagmamaneho pa rin ang aming tiyuhin. Nang malapit na kami sa isang tulay, may nakita akong isang babae na nakasuot ng itim na damit, na may itim din belo sa kanyang ulo.
Hindi ko inaalis ang paningin ko sa babae, sa katunayan ay sinusundan ko pa rin ito mula sa side mirror ng aming kotse. Nakita ko ng malinaw sa may side mirror, nang siya ay malapit na sa may pinakadulo ng tulay, kung saan kami nanggaling, ay bigla na lamang itong nawala na parang bula (mayroon kasing poste ng ilaw sa pinakadulong bahagi ng tulay). Inisip ko na lang na isa lamang iyong imahinasyon, kaya naman pinikit ko na lamang ang aking mga mata (ngunit hindi upang matulog) at hindi ko rin naman gustong istorbohin pa ang aking tiyuhin habang siya ay nagmamaneho, kaya hindi ko na sinubukan pang magtanong sa kanya kung nakita niya rin ba iyong babae kanina.
Nang makarating na kami sa bahay ng aming Lola, ay dito na ako tuluyang nakaramdam ng antok. At nang ako ay papasok na sa aming kwarto, tinanong ako ng aking tiyuhin kung nakita ko ba iyong babae kanina doon sa may tulay? Siguro ay alam ninyo ng lahat ang naging reaksyon ko, nanindig ang mga balahibo ko sa takot!
Wakas.
BINABASA MO ANG
Lagim sa Dilim
HorrorIto ay ang mga pinagsama-samang mga kwentong ng katatakutan na akin lamang nabasa mula sa iba't ibang libro at mga iba't ibang uri ng babasahin na gusto kong ibahagi sa inyo. Ito ay mga kwentong nagpapatayo ng inyong mga balahibo, magpapabilis ng ti...