VI. Ang Pasahero

499 12 3
                                    

Tatlumpung taon ng driver ng isang pampasaherong djip si Mang Nestor, sa katunayan ay nakapagpatapos na niya sa kanilang pag-aaral ang kanyang tatlong anak. Sinasabihan na nga siya nito na tumigil na lamang sa pagmamaneho at maglagi na lang sa bahay upang makapagpahinga naman siya tutal naman daw ay may mga permanente na silang mga trabaho at sinabing sila na lang ang bahala sa mga gastusin sa bahay. Ngunit hindi pa rin tumigil sa pagmamaneho ang kanilang ama, hinayaan na lamang muna nila upang hindi na magkaroon pa ng alitan sa pagitan nila.

Huling biyahe na ni Mang Nestor noong araw na iyon sapagkat mag-aalas dose na ng gabi at kailangan na niyang igarahe ang kanyang djip at para makapagpahinga na rin. Naalala pa niya na sa may tapat ng isang unibersidad pumara at sumakay ang isang dalagita ngunit kapansin pansin na para bang wala ito sa sarili at ng makaupo sa may duluhang bahagi ng djip ay nakayuko lamang ito sa buong biyahe at ni hindi man lang kumilos o nagsasalita.

Nasanay na akong kumuha ng bayad at magsukli sa mga pasahero habang hawak ko ang manibela. Napaka-importante iyon para sa tulad naming mga driver, may mga tao kasi na nanloloko at hindi nagbabayad ng kanilang pamasahe. Noong gabing iyon, napansin ko ang dalagita na nakayuko pa rin at walang kaimik-imik, kaya binasag ko ang katahimikan sa loob ng aking djip at malakas na nagsabing " Paalala lamang po sa mga hindi pa nagbabayad dyan maaari na po kayo magbayad." Alam ko sa aking sarili na lahat ng aking mga pasahero ay nakapagbayad na maliban lamang sa dalagita na nasa duluhan nga ng aking djip. Unulit pa niya ang parinig niya, "Iyong mga hindi pa ho bayad dyan baka makalimutan nyo po magbayad." Ngunit wala pa rin parang hindi talaga siya naririnig ng dalagita na kanyang pinariringgan sa may dulo. Unti-unti na ring nagsisibabaan ang mga kasabayan niyang pasahero, at mayroon pa nga na isang lalaki na kasasakay lang ang agad na nag-abot ng kanyang bayad. Hanggang sa matira na lamang sa aking djip ang dalagita na nasa ganoon pa ring pwesto na parang hindi gumagalaw man lang nakayuko lang ito at walang kaimik-imik.

Nang dalawa na lamang kami sa aking djip, naglakas loob akong kausapin siya habang tinitignan sa harapang salamin ng aking djip. "Ineng saan ka ba bababa?" Itinatanong ko na din siya ng "Ineng wala ka bang pamasahe?" Sapagkat ok lang naman sa akin na hindi siya magbayad basta sabihan lang niya ako at mauunawaan ko na siya sapagkat may mga anak din akong kasing edad lang niya. Ngunit hindi pa rin sumagot ang dalagita at ni hindi man lang siya tinignan nito. Ihihinto sana ni Mang Nestor ang kanyang djip sa tabi ng kalsada upang puntahan at kausapin sa likod ang dalagita na baka may problema lamang. Ngunit nagulat siya ng paglingon niya para tignan at kausapin muli ang dalagita ay wala na ito sa kanyang kinauupuan, nagulat na lamang siya ng biglang nasa tabi na niya ito nakaupo sa may driver seat at biglang sumigaw ng malakas malapit sa kanyang tenga natapakan niya bigla ang preno ng djip at napapikit habang tinatakpan ang kanyang dalawang tenga. Pagmulat niya ng mata doon niya napansin na nasa papuntang Bulacan na pala siya sa may mga maraming talahib at mga bakanteng lote. Nang mahimasmasan ay binuwelta na niya ang kanyang djip at pinaharurot ng mabilis.

Kinabukasan nadatnan niya ang kanyang asawa na nasa hapag at nag-aagahan nakisalo siya dito at kinuha ang isang dyaryo na nasa lamesa nila katabi ng kanyang kape. Biglang namutla at nanalamig ang pakiramdam ni Mang Nestor sa nabasa at nakita sa dyaryo. Nakasulat dito na

"Isang dalagita ginahasa at natagpuang patay sa may talahiban sa Bulacan." Lalo pa siyang nagimbal ng makita ang litrato ng babae dahil tandang tanda pa niya ang itsura at ang uniporme ng dalagitang nagpahatid sa kanya kagabi sa banda din iyon ng Bulacan na biglang naglaho.

Magmula noon, hindi na nagpaabot ng gabi sa pamamasada si Mang Nestor bagkus ay namamasada na lamang siya tuwing umaga hanggang hapon. At hindi na rin siya umaabot sa lugar na iyon kung saan nagpahatid sa kanya ang dalagita. Ikinatuwa naman iyon ng kanyang mga anak para raw makapagpahinga ng maaga ang kanilang ama.

Wakas.

Lagim sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon