Dahil sa ako ay miyembro ng isang orginasasyon ng mga kabataan, nagkaroon kami ng isang convention at overnight retreats noong summer dahil sa mga panahon na iyon ay kakaunti lamang ang mga gawain at aktibidad na kailangan gawin sa aming paaralan.
Buwan ng Marso noon ng mapagdesisyunan ng aming grupo na pamunuan ang isa sa mga aktibidad ng aming prominente at pribadong high school sa bayan ng Bataan. Ito ay isa sa mga matatandang pribadong paaralan sa probinsya. Kami ay naatasan na pamunuan ang isang aktibidad doon ngunit kailangan daw naming gamitin ang isa sa pinakamatandang gusali at pasilidad na nasa aming paaralan. Ito ay magtatagal ng tatlong araw and dalawang gabi at kailangan kaming mamalagi roon hanggang sa katapusan ng aktibidad. Sa madaling salita, kailangan naming matulog at mamalagi ng dalawang gabi sa loob ng campus.
Sa una naming gabing pamamalagi doon ay naatasan akong bantayan ang mga prayer room at ang pinili namin ay ang isang kwarto na katabi ng administration office. Natapos ko ang labing limang misteryo ng banal na rosaryo ( ang misteryo ng liwanag ay hindi pa naisasama noon). Napagpasyahan ko na magpahinga muna sandali. Sinusubukan kong tandaan at maging pamilyar sa mga lugar kung saan ako nakakita ng isang usok na may hugis sa labas ng bintana. Hindi ko iyon pinansin, at sinimulang pumunta sa susunod na kwarto kung nasaan ang admin. Mayroon ditong isang antique na mukhang salamin, tinitiggnan ko ang aking sarili sa salamin ng may napansin akong isang repleksyon na nakatitiyak akong hindi ako iyon. Ito ay parang pigura ng buong katawan ngunit ang paa niya ay ang paa ko, pero ang paa ko ay dapat na hindi makikita sa repleksyon ng salamin. Hindi madali para sa akin ng mapagpasyahan kong tanungin ang isa kong kaklase na samahan ako sa loob ng prayer room.
Ang aming pinuno ang nagdesisyon na palitan ako ng dalawa ko pang kaklase sa aking pwesto para naman daw ako ay makapagpahinga at makakain na rin o kung anuman nais o kailangan kong gawin. Ang iba kong mga kaklase ay hindi naatasan sa kahit saan mang gawain kaya nagkaroon kami ng pagkakataong magkwentuhan. Nakisali ako sa kanila habang ako ay nagmemeryenda and para na rin makalimutan ko ang mga nangyari sa admin office kanina lang, nang biglang, tatlo sa aking mga kaklase ang nagdesisyong libutin ang boung pangalawang palapag ng gusali ng aming paaaralan. Sumama ako sa kanila at kami ay pumunta sa itaas, ng may napansin akong isang pigura na parang lumulutang papalayo (na para bang naglalakad sa may corridors ngunit wala itong mga paa!) para itong isang pigura ng nakasuot ng makalumang kasuotan, iyong parang sa kasuotan noon ng mga Dominican, nakasuot din siya ng isang itim na belo at nakasuot ng parang isang itim na abito na kadalasang isinusuot ng mga pari o ng mga madre. Hindi ako nagsalita o sumigaw na baka matakot ang mga kaklase ko.
Nang nasa kalagitnaan na kami ng hallway, dumaan lang ito sa harapan namin patungo sa isang kwarto at sa iba pang mga kwarto na naroon. Nang matapos niyon ay lahat kami ay mga nagtatakang nagtanong sa isa't isa: "Nakita ba ninyo iyon?"
Doon ko napagtanto na hindi lang pala ako ang tanging nakakita ng itim na pigurang iyon na gumagala sa buong second floor. Agad kaming nagtakbuhan pababa ng hagdanan, at hindi ko na ito nakalimutan pa simula ng una ko itong narasanan ng makakita ako ng hindi maipaliwanang na bagay.
Wakas
BINABASA MO ANG
Lagim sa Dilim
TerrorIto ay ang mga pinagsama-samang mga kwentong ng katatakutan na akin lamang nabasa mula sa iba't ibang libro at mga iba't ibang uri ng babasahin na gusto kong ibahagi sa inyo. Ito ay mga kwentong nagpapatayo ng inyong mga balahibo, magpapabilis ng ti...