XX. Pagkagising (Awakening)

262 3 0
                                    

Ang lahat ng ito ay nagsimula ng ako ay nasa siyam o sampung taong gulang na. At sa tuwing sasapit ang Pasko, ay kadalasang ipinagdiriwang namin iyon sa bahay ng aming mga kamag-anakan, ito rin kasi ay panahon kung saan kami nagkakaroon ng reunion. Nagkakasiyahan kaming magkakapamilya habang hinihintay ang Noche Buena, habang ako at ang aking mga pinsan ay naglaro ng taguan. Dahil sa ayaw kong maging taya, ako ay nagtago sa pinakasulok na bahagi ng aming compound. Habang hinihingal pa at patuloy pa rin ako sa paghahanap ng magandang lugar na aking pagtataguan, ng may natapakan akong isang madulas na bagay na dahilan ng aking pagbagsak sa lupa. Naging masama yata ang aking pagbagsak at agad na nakaramdam ng pananakit sa aking katawan at para bang gusto ko ng umiyak sa sakit na aking nadarama sa mga oras na iyon. Tinawag ko ang aking ina, ng may nahihintakutan at mangiyak-ngiyak ng boses, at napag-alaman ko na napaka-imposible talagang marinig siya ng kanyang ina o ng kahit na sinuman mula sa kanyang pamilya dahil kasalukuyan silang nagdiriwang at nagkakasiyahan sa may harapang bahagi ng aming bahay, at ako naman ay nasa likuran bahagi. Sinubukan kong pumasok sa loob ng aming bahay at habang ako ay naglalakad patungo roon, may napansin akong tatlong puting damit na lumulutang katulad ng maliwanag na imahe.

Iniisip ko na lamang na baka iyon ay aking imahinasyon lamang, ay ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon at pilit binura sa aking isipan. Ngunit kapag nakakaramdam ako ng pagtaas ng aking mga buhok at balahibo, ang hindi maipaliwanang na pakiramdam, ang malamig na hangin, alam ko na ito ay totoo. Nagulantang ako ng makita ko ang mga pigura ng mga babae na lumulutang. Malinaw kong nakikita ang kanilang maiitim at mahahabang mga buhok, ngunit hindi ko maaninag ang kanilang mga mukha, at tila ba iwinawagayway nila ang kanilang mga kamay na tila ba kumakaway sila sa akin at tinatawag nila ako papunta sa kinaroroonan nila. Hindi ako makagalaw, sinubukan kong ihakbang ang mga paa ko ngunit hindi ko ito maigalaw, tinatawag ko na ang pangalan ng aking ina ng pasigaw, ngunit tila ba walang mga salaitang lumalabas sa aking bibig. Para bang lahat ng lakas ko sa aking katawan ay nawala na, at upang mapaglabanan ko ang hindi maipaliwanag na takot na aking nadarama, tinitigan ko sila ng masidhi, at taimtim na nagdasal. Sa pagitan ng aking panalangin at paghahabol ng sariling hininga, naririnig ko silang tinatawag nila ang aking pangalan. Halos nanginginig na ako ng husto noon na para bang kinukumbulsyon na, ngunit pinilit ko ang aking sarili na ipagpatuloy ang aking pagdarasal. Pagkatapos noon, unti-unti na silang nawala, tumakabo ako ng napakabilis papasok sa aming bahay ngunit kadiliman ang sumalubong sa akin. Nang iminulat ko ang aking mga mata, nasa loob na pala ako ng silid ng aking pinsan, lahat sila ay nakatingin sa akin nakatitig at doon ako nagsimulang umiyak muli habang kinukwento ko sa aking ina ang aking nakita. Sinabi niya sa akin na baka namana ko sa kanila ang pagkakaroon ng "Third Eye" o ikatlong mata na mayroon din sila ng aking lolo. Mula noon, Madalas na akong nakakakita ng mga kakaibang nilalang at mga multo. At kapag nakikita ko sila, sobrang takot ang aking nadarama, ngunit kalaunana din ay nasanay at natanggap ko na rin ang kakayahan kong ito, at itinuring na lamang na isa itong biyaya at kaloob na dapat kong tanggapin.

Wakas.


Lagim sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon