XXV. ANG PUSTISO

303 7 1
                                    

Mayroon isang matandang babae na walang tirahan at pagala-gala lamang sa kung saan-saan. Tuwing gabi, natutulog siya sa mga eski-eskinita lamang, at sa pagsapit naman ng araw ay lakad ng lakad lamang siya sa buong lungsod, naghahalungkat ng mga basurahan, naghahanap ng mga bagay na maaari pang kainin. Hindi rin niya inalagaan ng husto ang kanyang mga ngipin at sa paglipas ng mga taon ay unti-unti na iyong natatanggal. At sa tuwing kakain siya ng kahit na ano, kinakailangan pa niyang durugin ng husto ang mga pagkain sa kanyang gilagid.

Isang gabi, na katulad din ng dati na siya ay naggagala, naghahanap sa mga basurahan, nakakita siya ng isang bagay na nasa gitna ng isang eskinita. Bahagya siyang yumukod upang mas makita niya ito ng malapitan. Napapalibutan ito ng mga dugo, ito ay isang pares ng pustiso.

Hindi makapaniwala sa kanyang naging swerte ng mga oras na iyon, ay agad niyang dimanpot ang pustiso at kaagad na ipinunas sa isang luma ring basahan. Matapos niya itong punasan, pinagmasdan muna niya ito ng maigi at kaagad din niya itong isinuot sa kanyang bibig at sinubukan. Para talaga sukat na sukat sa kanya. Gusto niya itong subukan, kaya naman kinuha niya ang isang namamasa-masa ng kamatis na mula sa basurahan at agaran niya itong kinagat. Gumana ng husto ang pustiso, wala itong naging aberya.

Matapos ang mga sandali, ang matandang babae ay nakaramdam ng masidhing pagkaguton. Muli ay naghalungkat siya sa mga basurahan na naroon at nakakita ng isang patatas, mga carrots at isang nabubulok na isang ulo ng lettuce. Isinubo niya itong lahat sa kanyang bibig, sinibasib niya ang lahat ng iyon. Kung gaano karami ang kanyang kinakain, ganoon din kabilis kung siya ay gutumin.

Isang pusang gala ang nakita ng matandang babae. Agad niya itong hinabol, na umabot pa nga ng mga ilang kanto bago niya iyon nahuli, nagsimulang manlaban at magalit ang pusang gala. Ngunit hindi na iyon pinansin pa ng matandang babae. Kaagad niya itong sinunggaban at agad na isinubo ng buong buo sa kanyang bunganga, nginuya nguya ito, hanggang sa ito ay kanyang maubos, mula ulo hanggang sa buntot nito walang tinira.

Isa naman pulis ang kasalukuyang naglalakad na may hawak-hawak na batuta, ang nakakita sa kulukubot ng matandang babae na tila ba may nginangatngat at kinakagat-kagat sa may poste ng ilaw. Kaagad itong nilapitan ng pulis at tinanong kung ano ang nginangatngat niya? Tumigil ang matandang babae sa pagkutkot at binalingan ang pulis. Nakita ng pulis na mayroon itong malalaking pares na mga ngipin na ngayon lamang niya nakita sa buong buhay niya.

Ilang segundo lang ang nakalipas, kaagad na sinunggaban ng matandang babae ang kawawang pulis, na may nangangalit na mga ngipin. Clack! Clack! Sinubukan manlaban ng pulis, ngunit sadyang napakalakas ng matandang babae. Kinagat siya nito sa braso, na dahilan ng pagkapunit ng kanyang damit, at sinimulan na siyang laklakin ng matandang babae. Binunot niya ang kanyang baril, ngunit bago pa man niya ito naiputok sa matandang babae, ay bigla na lamang siyang isinubo nito ng buong buo. Pagkatapos noon, ay kinain na niya ng buong-buo ang pulis, nginuya nguya a nilunok. Nang matapos ay naiwan na lamang ang tsapa at ang posas ng kawawang pulis.

Ngunit ilang minuto pa lamang ang nakalilipas, isang bata ang nakita niyang parating sakay ng isang bisikleta. Kaagad na sinunggaban ng matandang babae ang bata, at kanya itong kinagat-kagat hanggang sa pagkagutay-gutay ang katawan nito at agad ding nawala. Pagkatapos nun, kinain din niya ang bisikleta ng bata para daw sa kanyang dessert, ngunit hindi pa rin siya nakaramdam ng pagkabusog mula sa kanyang mga kinain.

Mayroon naman dalawang lalaking pulubi na natutulog sa may bangketa. Kinain din niya ito bago pa man sila magising. Tapos, ay isang lalake rin na nakasakay sa kanyang kotse na nakahinto dahil sa red light. Hinila niya ito mula sa bintana ng kanyang kotse at kaagad na nilamon din ng buo, walang tinira.

Tumakbo ang matanda babae sa may eskinita, ngunit para itong isang disyerto. Masyado ng malalim ang gabi at wala ng ni isa mang tao ang naroroon. Desperado na siya, at siya ay gutom na gutom na pa rin, halos naglalaway na ang kanyang bunganga sa kagutuman. Hindi na talaga niya mapigilan ang matinding paglalaway, ang nasa isip lamang niya ngayon ay puro pagkain.

Halos mangalahati na ang kanyang sariling braso, sinubukan niyang pigilan ang kanyang sarili, ngunit hindi niya mapigilan ito sa sobrang sarap. Tumunog tunog pa ang pustiso niya habang patuloy niyang ninangatngat at nginunguya nguya at pini-piraso ang ang sariling laman at buto para ba itong isang kendi. Daglian lamang, wala ng natira sa katawan ng matandang babae, bagkus ay isang pustiso na lusaw sa dugo.

Ilang sandali lamang bago magtakip-silim, isa namang pulubing lalaki ang dumating na pahapay-hapay ang kanyang paglakad sa may bangketa ng makita niya ang pustiso na nakalusaw sa dugo. Wala rin siyang sariling mga ngipin, kaya naman pinulot niya ito, pinunasan ng mabuti at kaagad na isinuksok sa kanyang bunganga. Para bang kasukat na kasukat talaga sa kanya.

Pinagpatuloy niya ang kanyang paglalakad, at iniisip niyang parang gutom na gutom na siya.

Wakas..


Lagim sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon