Nagtatrabaho ang magkakaibigan sina Carla, Carlo, at ang baklang si Brenda. Sila ay nagkapasok sa isang malaking mall na nasa kanilang bayan. Ginabi sila ng uwi ngayon, dahil sa nagkayayaan pa sila ng iba pa nilang katrabaho na magpunta sa isang bar at manood ng banda. Mag-aalas onse na noon ng hatinggabi na ng matapos ang kanilang kasiyahan. Sina Carla, Carlo, at si Brenda ay magkakasabay pa ring umuwi sapagkat sa iisang subdibisyon lang sila nakatira. Mga isang oras pa ang biniyahe nila sa djip upang makarating sa bukana ng kanilang subdibisyon, ngunit malayu-layo pa rin ang kanilang lalakarin papasok ng subdibisyon, usually ay may mga nagdaraan din mga tricycle doon at namamasada, ngunit dahil sa alanganing oras na ng mga sandaling iyon ay madalang na ang dumaraan, kaysa gabihin lalo sa paghihintay ng masasakyang tricycle sa bukana ng subdibisyon, ay napagpasyahan nilang mag-umpisa ng maglakad-lakad upang hindi masayang ang oras at makauwi na rin sila sa kani-kanilang bahay sapagkat pagod na sila at kailangan na nila ang pahinga upang may lakas sila para bukas sa trabaho. Halos nasa kalahati na sila ng nilalakad ng may biglang dumaang isang trisikel at nalagpasan sila nito, laking gulat nila ng may nakita silang isang babaeng nakaputi, mahaba ang buhok na nakayuko. Naka backride ito sa trisikel sa tabi mismo ng drayber. Ngunit hindi pa man nakakalayo mula sa kanila ang trisikel ay huminto ito at lumingon sa kanila ang drayber ng trisikel, nawala na rin ang babaeng kanina lamang ay naka backride doon.
Sinabi naman ni Brenda na. "Manong bakit ho kayo huminto, hindi naman po namin kayo pinara, hindi po kami sasakay malapit-lapit na lang po kasi ang mga bahay namin mula dito.
Sumagot ang trisikel drayber. " A-alam ko, p-para k-kasing may n-nakita akong isang babaeng nakaputi at may hawak ng kutsilyo sa likod ninyo at nakaakmang sasaksakin kayong tatlo. Takot na takot si Carla, halos maghyterya na ito sa takot at iyak na ng iyak.
Sinabi rin nila Carlo at Brenda ang nakita nila kanina. "May nakita rin ho kaming isang babaeng nakaputi na nakayuko habang naka back ride sa inyong trisikel Manong."
Lahat sila ay nangilabot sa nangyari, at nagmagandang loob na lamang ang drayber na ihatid sila sa kabilang kanto kahit na malapit na lang ito at delikado daw.
Nagkwento ang drayber at ang sabi nito ay talaga daw na mayroon nagpapakitang white lady doon sa parteng iyon ng subdibisyon, at ang mas nakakatakot pa daw doon ay tila ba gustong manakit ang White Lady na iyon ng mga taong dumaraan doon lalo na kung hating-gabi, at wala ng masyadong tao sa paligid.
Wakas.
BINABASA MO ANG
Lagim sa Dilim
HorrorIto ay ang mga pinagsama-samang mga kwentong ng katatakutan na akin lamang nabasa mula sa iba't ibang libro at mga iba't ibang uri ng babasahin na gusto kong ibahagi sa inyo. Ito ay mga kwentong nagpapatayo ng inyong mga balahibo, magpapabilis ng ti...