Ako ay nagtatrabaho bilang isang nurse sa isang hospital, isang gabi ng aking duty kasalukuyan akong nagtatrabaho sa may ward at sinusulat ko ang mga pangalan ng mga pasyente na kasalukuyang naroroon ng makita ko ang isang pasyente na pamilyar sa akin ngunit halos matagal ko na din siyang hindi nakikita siguro mga ilang linggo na rin ang nakararaan. Nagtaka ako, kasi sa pagkakaalam ko ay nilipat na siya ng ibang hospital ng kanyang mga kamag-anak. Tumingin siya sa aking mga mata at sinundan iyon ng isang matamis na ngiti mula sa kanyang labi, na para bang sinasabi niya sa akin na ang siya ay nasa mabuti ng kalagayan ngayon. Nakadama naman ako ng kaginhawaan at kasiyahan na din ng makita ko siya na nasa maayos ng kalagayan hindi tulad ng huli ko siyang nakita dito sa aming hospital. Gayunpaman, sinubukan k pa rin hanapin ang kanyang pangalan sa aming listahan ng mga pasyenteng na admit at na discharge na sa hospital na iyon ngunit hindi ko man lang talaga makita ang kanyang pangalan sa listahan. Tinignan kong muli ang kanyang pangalan at nagulat ako sa nakasulat na note dito na nagsasabing siya ay namatay na dalawang araw na ang nakalilipas magmula ngayon. Para bang bumalik lang siya ngayon upang sabihin o ipaalam sa akin na nasa mabuti na siyang kalagayan.
Sa isang pang distritong hospital na kung saan ako nakapagtrabaho noon, pangkaraniwan na sa aming mga staff nurses ang makakita ng isang babaeng nakaputi na marahang naglalakad sa may hallway tuwing madaling araw, may mga ilan ding mga psyente na nakakakita rin dito. Namatay ang isa sa aming mga nursing supervisors ilang taon na rin ang nakalilipas, hindi inaasahan ang kanyang maagang pagkamatay. Kadalasan pa nga ay kusang namamatay ang ilaw sa aming med room gayong wala namang tao ang nasa loob nito upang magpatay ng ilaw dahil nasa loob ng kwarto ang switch ng ilaw at wala kaming nakikita na sinuman na lumapalit sa may pintuan. Naniniwala kami na iyon ang aming supervisor na hanggang sa ngayon ay ginagabayan pa din kami sa aming trabaho.
Isang gabi din habang nag roround ako sa hospital na iyon bilang isang bagong nurse sa unit na iyon, nakakita ako ng isang matandang babae na nakasuot ng hospital gown. Inisip ko na isa din siya sa mga pasyente namin doon at malamang ay nawawala siya at hindi niya mahanap ang kanyang assigned room o kaya naman ay hindi dalawin ng antok kaya naglalakad lakad na lang muna. Kinawayan ko siya upang sana ay makita niya ako mula sa kanyang kinaroroonan (magkalayo kasi kami pawang nasa magkabilang dulo kami ng pasilyo) upang tanungin kung ano ang problema o kung may kailangan ba siya. Nakita ko namang narinig niya ang aking sinabi sapagkat siya din ay lumingon kung saan ako parte ng pasilyo naroroon, lumingon siya sa akin at nginitian niya ako at bigla na lang siyang tumagos sa pader ng isang kwarto na naroroon! Nagulat ako at hindi makagalaw sa aking nakita. Napag-alamanan ko kinabukasan na ang nasabing matandang babae ay namatay may tatlong araw na rin ang nakalilipas dahil sa isang car accident, at malamang tinitignan o binabantayan niya ang kanyang asawa na naka confine doon sa may room kung saan ko siya nakitang tumagos sa may pader.
Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa isang panggabing oras (night shift) ng mangyari ang kwento kong ito. Biglang namatay ang ilaw sa may room 130, sa pagkakaalam ko ang kwartong ito ay walang tao kaya naman pinilit kong i cancel ang pagpatay ng ilaw mula sa aming front desk ngunit hindi ito ma i cancel at tuluyang namatay ang ilaw. Kaagad akong pumunta sa nasabing kwarto upang magsiyasat. Nang ako ay papasok na sa kwartong iyon, nakarinig ako ng mga kaluskos o katok mula sa may bintana ng kwartong iyon, na para bang mayroong bagay o tao na gustong lumabas sa bintana. Sa kagustuhan kong malaman kung ano talaga ang nangyayari, huminga ako ng malailim at inipon ang tapang sa aking dibdib, huminga ng malalim, binuksan ko ang ilaw ng kwarto, at dahan dahang lumapit sa may bintana at binuksan ito. Nagtaka ako dahil parang may malamig na hangin ang dumaan sa akin tuloy-tuloy sa labas ng bintana. Kalaunan, napag-alamanan ko na mayroong isang pasyente doon ang namatay ng umaga at siguro ay hindi kaagad nabuksan ng nurse na noon ay nakaduty ang bintana ng kanyang kwarto. Kataka-taka man o di man kapani-paniwala kung pakikinggan, ngunit totoong ang kasabihan na kung mayroon isang tao o nilalang ang gustong dumaan o lumabas hayaan lamang siya, iwanan lamang na nakabukas ang bintana ng kanyang kwarto upang malaya siyang pumasok o lumabas kung kailan niya naisin gawin ito!
Nagtatrabaho ako sa panggabing oras ng nag-iisa sa isang pinakamatanda o lumang nursing home habang ako ay nasa kolehiyo pa lamang. Marami na akong naririnig na mga kwento tungkol sa lugar na ito ngunit ang ikukwento ko sa inyo ngayon ay ang karanasan ko na nakapagpabago talaga ng aking mga gawain at gawi. Kasalukuyan akong kukuha ng isang extra linen sa isang kwarto ng ako ay nabahing (sneeze), at sa aking likuran dinig na dinig ko ng napalinaw sa aking tenga na may nagsabi ng mga katagang "Bless You."
Sa aking nadaramang takot naisipan kong umusal ng mahinang panalangin, ng ako ay magsisimula na ng aking panalangin sa aking pagkagulat mayroon isang tinig muli ang bumulong sa aking tenga ng mga katagang "Our Father in heaven.."
Magmula noon sinabi ko sa aking sarili na hinding hindi na muli akong babahing at uusal ng panalanging "The Lord's Prayer".
Isa akong registry nurse na nasa panggabi oras ng aking trabaho. Tulad ng mga nakaraan ding mga gabi, tahimik at sadyang mapayapa ang gabing iyon, 3AM noon, habang ako ay naglilibot sa bawat floor ng hospital na iyon na aking trabaho, para bang nakaramdam ako na mayroong nakasunod sa akin, sa aking paglingon nakita ko ang isang anino na hugis na isang babae na nakasuot ng hospital gown na tumatakbo patungo sa may ward. Hindi ako nakaramdam ng takot noon, kahit alam ko ang kwento na inaakala kong isa lamang iyon magnanakaw, o tao na nakapasok ng walang paalam. Kaya naman daglian akong pumasok sa may ward room at isa sa mga pasyenteng naroroon ang gising pa at sinabi niya sa akin na "Nakita mo yun?" Ako naman ay parang natulala at nasabi na lang na "Ano?" at ang pasyente ay sumagot at sinabi "Pumunta siya doon (Habang itinuturo ang isang saradong banyo sa loob ng ward). Hinintay ko siyang lumabas ngunit walang lumabas, humingi na ako ng tulong sa iba ko pang kasamahan upang matiyak na hindi iyon isang magnanakaw, o taong labas, ngunit pagbukas namin ay walang tao ang naroroon. Hanggang sa mga oras na ito, hindi ko talaga ito kayang ipaliwananag ngunit alam ko ang aking nakita na nakita rin ng isa ko pang pasyente. Kakaiba talaga, nakakakilabot ngunit wala akong magagawa ito ay parte ng aking trabaho bilang nurse.
Wakas...
BINABASA MO ANG
Lagim sa Dilim
HorrorIto ay ang mga pinagsama-samang mga kwentong ng katatakutan na akin lamang nabasa mula sa iba't ibang libro at mga iba't ibang uri ng babasahin na gusto kong ibahagi sa inyo. Ito ay mga kwentong nagpapatayo ng inyong mga balahibo, magpapabilis ng ti...