Naupo sa may sofa ang isang pulis na may bitbit na ballpen at notebook sa kanyang mga kamay. Dumating ang matandang babae na may dalang isang tasang tsaa at inilagay niya iyon sa may lamesa sa harapan ng pulis.
"Bago ninyo ho ako dahin sa presinto, siguro nga ay nararapat ko ng sabihin sa inyo kung bakit ko iyon nagawa, Sarhento." sabi ng matandang babae. "Ang totoo niyan ay para talaga ito sa aking kumpanya. Masyadong napakahirap at napakalungkot ng ikaw ay tumatanda na at ang mga kabataan ay hindi ka man lang gustong makasama. Naaaliw ako sa pag-upo-upo at pagkwekwento."
Tinignan ng mabuti ng pulis ang matandang babae ng walang kapaki-pakiramdam man lang.
" Si Misis Buenaventura ang una," sabi ng matandang babae habang patuloy na umuupo sa kanyang tumba-tumba. "Naalala ko, na para bang kahapon lamang. Nagpunta siya dito sa bahay isang umaga, kumatok sa aking pintuan at binebentahan niya ako ng mga beauty products. Niyaya ko siyang pumasok dito sa loob at ipinagtimpla ng isang tasa ng tsaa. Nagtungo ako sa aking kusina at kumuha ng isang palakol. Pagkatapos nun, sa hindi niya inaasahan oras, bigla ko siyang sinunggaban sa likod at agad na pinugot ang kanyang ulo."
"Ang sumunod naman ay si Mister Baustista. Isa siyang tubero, at nagtungo naman siya rito upang ayusin ang mga tubo na may tagas na. Habang siya ay nagpapahinga muna sa kanyang trabaho, ginawan ko rin siya ng isang tasang tsaa, pagkatapos nun ay dinala ko na rin ang aking palakol na nasa likod lamang ng aking sofa nakalagay at pinutol ko din ang kanyang ulo."
"Ang pangatlo naman ay iyong batang naglalako ng dyaryo. Si Jimmy, pinapasok ko muna siya sa aking bahay habang hinahanap ko pa ang aking pitaka. Hindi siya umiinom ng tsaa, kaya naman binigyan ko na lamang siya ng isang platitong biskwit. Alam kong hindi tatanggi ang mga batang tulad niya sa biswit. Habang siya ay sarap na sarap sa pagnguya at pagkain ng mga biswit, at pinugot ko rin ang kanyang ulo."
"Tinipon kong lahat ng kanilang mga pugot na ulo at inilagay sa ibabaw ng aking fireplace. Kinakausap ko sila parati, sa umaga, at sa gabi. Nagkwekwento ako sa kanila ng tungkol sa mga baga-bagay. Nakakatulong sila upang maibsan ang aking nadaramang kalungkutan. Ang pinoproblema ko naman ngayon ay ang kanilang mga katawan, hindi ko alam kung saan ito ipaglalagay, napakaraming trabaho nito at hindi ko ito kaya mag-isa kaya naman nakaisip ako ng isang mapamaraang solusyon."
"Ano ang ginawa ko? Simple lang, nilagyan ko ng laman o pinalamanan ko ang mga katawan at muli ko itong ginamit para sa mga ulong naririto. Kapag ako ay nagsawa na sa pakikipag-usap sa isa man sa mga ulo, aalisin ko ang ulong iyon dito sa ibabaw ng aking fireplace at muling ikakabit sa kanilang katawan, at muli ring kukuha ng panibagong ulo na ipapalit ko sa ibabaw ng fireplace. Maganda ba ang aking naisip na ideya?
Ngunit hindi sumagot ang pulis.
"Nakakaramdam na ako ng pagkabagot sa ating usapan Sarhento," sabi ng matandang babae na may kasunod pang malalim na buntung-hininga.
Tumayo ang matandang babae, at agad na pinugot ang ulo ng kawawang pulis at muli niya itong inilagay sa ibabaw ng kanyang fireplace. Ibinaba niya ang ulo ni Misis Buenaventura at muli itong ikinabit sa sarili nitong katawan.
"Magandang hapon sa iyo, Misis Buenaventura," sabi ng matandang babae. "Ikinagagalak kitang muling makita. Kumusta naman ang iyong araw?"
Wakas...
BINABASA MO ANG
Lagim sa Dilim
HorrorIto ay ang mga pinagsama-samang mga kwentong ng katatakutan na akin lamang nabasa mula sa iba't ibang libro at mga iba't ibang uri ng babasahin na gusto kong ibahagi sa inyo. Ito ay mga kwentong nagpapatayo ng inyong mga balahibo, magpapabilis ng ti...