ito pong susunod na kwento ay personal ko ding sinulat, bunga ng mga isipan sana ay ma enjoy ninyo po ang kwentong ito at please read, vote, and comment na lang po kung ano ang saloobin ninyo sa kwentong ito na aking sinulat salamat.
____________________________________________________________________________________
Musmos pa lamang ako ay may kasama na akong bata sa bahay, halos hindi na nawawalan ng mga bata sa aming bahay, taon-taon na lang mayroon kaming kasamang bata, kundangan naman kasing anak ng anak ang mga aming mga kamag-anak, tapos makikisiksik sa bahay ng aking lola kung saan ako nakatira. Parang wala na yatang katapusan, puro bata, pag malaki na iyong isa tila ba may sumpang may papalit uli na panibagong bata, paulit-ulit na lang, kahit ikaw ba naman ay magsasawa din dahil sa araw-araw na magulo ang iyong bahay, minsan tuloy ay ayokong umuwi pa ng bahay galing ng aking eskwela, dahil tiyak na ang gugulo, ang iingay, at laging nagsisigawan ang mga bata. Nakakarindi, parang gusto mo ng katahimikan, umaga pa lamang pagkagising nila, para na silang sinisilihan ang mga pwet, kung saan saan nangangalikot, pati mga gamit ko sa kwarto ay hindi rin pinalalagpas, nakakapikon talaga. Kaya naman ng makatapos ako ng kolehiyo ay agad akong naghanap ng trabaho at ng makapasok ay agad din bumukod ng tirahan, isinama ko na lamang ang aking lola, dahil maging siya rin ay naiinis na rin sa mga bata, imbis daw na makapagpahinga siya na kailangan naman talaga ng mga matatanda ay hindi, dahil sa ingay at gulo ng mga punyetang bata na anak ng aking mga tiyahin na iniwan at itinambak na lang sa bahay ng aking lola.
Akala ko ay tapos na ang aking paghahanap sa katahimikan matagal ko ng inaasam sa bago naming nilipatan bahay, para itong isang compound na may mga paupahang bahay. Ngunit mali pala ako, ang nalipatan naming bahay ay mayroon din sandamakmak na mga magugulong bata, mapa umaga, mapa tanghali, hapon, maging sa gabi naglalaro sa tapat ng aming inuupahang apartment, napakaingay, napakagulo, ngunit parang balewala lang iyon sa mga magulang ng mga bata naroroon din, hindi man lang nila sawayin ang kanilang mga anak kung maiingay ito at magugulo, tila walang pakialam ang mga ito, o sadya nga lang bang ipinagyayabang nila ang kanilang mga anak sa ibang tao, para bang ipinalalabas na nila eto ang aking anak, masigla, magulo, makulit, at nakakatawa. Siguro sila ay natatawa, at mababa ang mga kaligayahan sa buhay, ngunit sana ay isipin din nila ang iba na nasa paligid nila, nakakapwerwisyo ang kanilang mga anak sa sobrang ingay, gustuhin mo mang makapagpahinga eh parang ikaw pa ang kailangang mag-adjust sa mga kawalan nila ng modo.
Papaano na lang ba ang mga taong pagod at puyat galing sa kani-kanilang mga trabaho at gustong makapagpahinga sa bahay nila, ngunit ganoon ang iyong madadatnan galing ng iyong trabaho, sobrang gulo, daig pa ang palengke, ang lalakas ng mga boses, para hindi ka talaga magkakaroon ng katahimikan kailanman.
Katahimikan na noon ko pa hinahanap, katahimikan na aking kailangan sa aking trabaho. Isa akong manunulat ng mga artikulo sa isang sikat na pahayagan, at sa trabaho kong ito ay kailangang kailangan talaga ng katahimikan, hindi ako makapagsulat ng mga bago kwento sa sobrang ingay ng mga punyetang mga bata, walang oras ang kanilang pamemerwisyo, kahit gabi na hinahayaan lang silang maglaro ng kanilang mga walang kwentang magulang sa labasan, gabing-gabi na nagsisigawan pa, mga tuwang tuwa sa galak. Araw-araw na lang perwisyo, hindi na nagsasawa sa paglalaro at pag-iingay.
Halos hindi na siya magkapagsulat ng mga bago niyang artikulo dahil sa ingay, kaya naman may namuong masamang balak sa kanyang isipan laban sa mga perwisyong bata.
Ilang linggo na ang nakalilipas ng may biglang pumutok na balita sa kanilang lugar, isang nakapangingilabot na balita, unti-unting nawawala ang mga bata sa kanilang lugar sa hindi malamang kadahilanan at hindi na muli pang natatagpuan ng kanilang mga magulang. Unti-unti ring nagbago ang kanilang lugar, ang dating sobrang gulo at ingay ng mga bata ang palagiang maririnig ngayon ay katahimikan ang namamayani, at ito ang gustong niyang mangyari noon pa man, ang mawala ang mga maiingay.
Linggo-linggo ay may mga natatagpuang mga labi ng bata sa isang balon malapit sa kanilang lugar, mukhang dito itinatapon ang mga batang pinapatay ng isang misteryosong tao, na wala pang nakakikita kung sino o ano ang itsura nito. At halos lahat ng natatagpuang mga bata ay may malaking laslas sa kanyang leeg na halos humiwalay na ang ulo sa katawan. Karumal-dumal talaga ang mga pagpatay. Walang awa. Malapit ng maubos ang mga bata sa kanilang lugar.
Habang nagkakagulo ang mga tao sa labasan, ay matamang nakasilip lamang ang manunulat sa kanilang gate, tila ba nagmamasid lang, hindi nakikialam, o wala talagang pakialam. Sabay narinig niya na sabi ng isang pulis ay: Ayon sa aming imbestigasyon, parang mga bata ang puntirya ng suspek, wala ni isang matanda o nasa husto ang edad ang napapatay dito sa lugar, pawang mga bata lamang. Ano naman kaya ang dahilan ng suspek sa pagpatay sa mga bata? At ano ang makukuha niya dito o mapapala sa mga ginagawa niyang itong?
Agad na tumalikod at akmang papasok na ang manunulat sa kanyang bahay, kaya walang nakapansin sa mga ngiting namutawi sa kanyang mga labi. Sabay sabi:
"Katahimikan, Katahimikan ang aking makukuha sa pagkawala ng mga bata, katahimikang matagal ko ng hinahanap simula ng aking kamusmusan. Ayoko talaga ng mga bata, nakakabuwisit silang pagmasdan, kumukulo ang dugo ko kapag may nakikita akong mga batang maiingay at magugulo. At humanda kayo, dahil umpisa pa lamang ito, hanggang may nakikita akong bata sa aking paligid, hindi ako titigil upang ubusin silang lahat. At hindi ako titigil hanggang may mga bata pang natitira sa aking paligid, mamamatay silang lahat." may kislap sa mga matang tugon ng manunulat.
Wakas...
BINABASA MO ANG
Lagim sa Dilim
HorrorIto ay ang mga pinagsama-samang mga kwentong ng katatakutan na akin lamang nabasa mula sa iba't ibang libro at mga iba't ibang uri ng babasahin na gusto kong ibahagi sa inyo. Ito ay mga kwentong nagpapatayo ng inyong mga balahibo, magpapabilis ng ti...