IX. BALIKBAYAN BOX

520 15 4
                                    

Guys sarili kong gawa ang kwentong ito mula sa malilikot kong imahinasyon at dahil napapanahon ang mga nakawan ng mga buwayang costoms employee sa mga balikbayan eto para sa inyo. please vote and comment naman kung nagandahan kayo dito salamat sa pagbabasa.

Eto ang Kwento:


Matagal ng OFW si Daniel sa bansang Africa, at halos taon taon ay pinipilit talaga niya ang kanyang sarili na magpadala ng kahit na maliit na box lamang sa kanyang mga kamag-anak sa Pilipinas, halos sampung buwan niya ito iniipon-ipon upang hindi maging ganoon kabigat sa kanyang bulsa, at para na rin mapasaya niya ang kanyang mga kamag-anakan sa darating na Kapaskuhan. Kahit ano na lang ang maisipan niyang ilagay sa balikbayan box na ipadadala niya, ang iba naman ay talagang pinag-iipunan niyang bilhin para lang maging sorpresa sa kanyang mga kapatid.

Ngunit taon-taon na lang din na may mga napapansin ang kanyang mga kamag-anakan sa Pilipinas sa Balikbayan box na dumarating sa kanila taon-taon. Minsan pa nga ay napasin nilang may hiwa sa bandang tagiliran ng kanilang box at kadalasan ay pagbukas nila ay kulang-kulang na ang mga laman at sabog-sabog na para bang ihalukay ng kung sino mang demonyo.

Maraming mga bagay ang nawawala sa kanilang mga box hindi naman sila makapagreklamo sa mga forwarder company sapagkat hindi rin naman nila alam iyon dahil buo at kompleto pa ang mga laman noon kapag pinadala nila ito sa Pilipinas, at may mga dokumento pa silang nagpapatunay dito, ngunit pagdating nga dito sa Pilipinas ay para bang pinagpilian na lang ang mga natira sa loob ng box at ang mga mamahalin bagay na pinadala nila ay kapwa naglalaho.

Dahil na halo-halo ng damdaming nararamdaman ni Daniel, sa Customs ng Pilipinas, nakaisip siya ng maitim na balak upang matigil na ang mga pagnanakaw ng mga kawani ng costoms sa kanilang mga bagahe, ay bibigyan niya ito ng malagim na leksyon.

Lingid sa kaalaman ng marami, maging ng kanyang mga kamag-anak, sumali at umanib si Daniel sa isang samahan doon sa Africa na isang kulto na may kapangyarihang itim na nagmumula sa kadiliman.

Una niyang kinausap ang kasamahan niya sa kulto na isang negro at native sa bansang Africa, at sinabihan siya nito na sumama mamaya si Daniel sa kanya at idudulog nila ang kanyang problema sa tinatawag nilang Supremo o ang pinakalider ng kanilang kulto.

(tinagalog ko na lang ang usapan nila para maintindihan natin)

"Kapatid ano ang sadya mo, at naparito ka?" bungad ng Supremo ng makita si Daniel na papalapit at papasok pa lamang sa isang kweba.

"Nais ko sanang humingi ng tulong sa inyo, Supremo. Gusto kong bigyan ng leksyon ang mga buwaya kong kababayan sa aming bansa na kumakamkam sa mga pinapadala naming balikbayan box para sa aming pamilya." kwento ni Daniel.

"Ano ang nais mo nating gawin sa kanila, Daniel?" dugtong na tanong ng Supremo.

"Gusto kong pagbayaran nila ang kagahaman nila sa mga bagay na hindi nila pag-aari at nakalaan sa ibang mas nangangailangan." agad-agad na sagot ni Daniel.

"O siya sige, tutulungan kita, may plano na akong naiiisip para tayo ay makaganti sa mga taong sakim." sabi ng Supremo.

"Ano po ba ang inyong naisip na paraan, Supremo?" tanong uli ni Daniel.

"Ganito ang iniisip ko Daniel:" at nagpaliwanag na ang Supremo.

"Una ay bumili ka ng may sampung piraso ng mga manika sa mall sa kalapit bayan." pag-uumpisa ng Supremo.

"Ano po ang gagawin natin sa mga iyon, Supremo?" tanong muli ni Daniel.

"Malalaman mo din mamaya, hala sige na at bumili ka na ng mga sinabi ko at agad na ibalik sa akin." pagtatapos ng Supremo.

Lagim sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon