VIII. Ang Computer

475 6 0
                                    

"Hindi na po yata maaayos pa ang iyong computer Sir Kobe." ito ang bungad na sabi ng kakilala nilang technician ng makita ang kalagayan ng kanyang desktop computer.

"Mas mapapamahal pa po kayo kung patuloy ninyo pa po itong ipapaayos sa technician, mas makabubuti po kung bumili na lang po kayo ng bagong unit ng computer." dugtong pa ng technician.

"Wala pa akong pera para makabili ng bagong computer eh, at tsaka nakita ko mall ang mamahal ng mga computer set nila, hindi mo na ba talaga magagawan ng paraan?" sabi ni Mang Kobe.

"Hindi na po talaga eh, kasi may mga parts po nito na kailangan ng palitan at baka bumigay na rin ang motherboard niya." paliwanag ng technian.

"Ganito na lang po Sir Kobe, mayroon po akong isa pang computer second hand na nga lang po, hindi po siya masyadong nagagamit, kung gusto po ninyo ay ibebenta ko na lang po sa inyo ng murang halaga at pwede pa pong hulugan ninyo na lang tutal naman po ay suki ko na po kayo ng matagal." saad ng technician.

"Baka naman madali na rin masira iyon." paniniguro ni Sir Kobe. Ma pagkakuripot kasi si Kobe.

"Ganito na lang po Sir Kobe, kung sakali mang masira ang bibilhin ninyo sa aking computer sa loob ng isang taon, libre ko na po itong aayusin para ppo mapanatag ang inyong loob, ako na din po bahal kung may kakailanganing piyesa na papalitan." paliwanang ng technician.

At ganoon na nga ang napagkasunduan nila, agad na umalis ang technician upang kuhanin ang kanyang computer at ibigay na kay Ginoong Kobe. Wala pang tatlong oras ng umalis, at agad na nagbalik ang technician sa bahay ni Kobe, at isinet-up ang naturang computer.

"Basta iyong pinagkasunduan natin ok huwag mo kakalimutan." paniniguro ni Mang Kobe.

"Makakaasa po kayo, basta po kapag nagkaroon ng problema ay tawag o itext ninyo na lang po ako." pagbibigay asurrance ng technician.

Wala naman naging aberya ang computer, bagkus ay tuwang-tuwa pa nga si Sir Kobe sa bago niyang computer, mas moderno ito at mabilis kumpara sa dati. Kinagabihan ay nagsimula na agad siyang magsulat ng mga nobela sa kanyang computer. Isa kasing manunulat sa isang pahayagan si Sir Kobe kaya kailangang-kailangan talaga niya ang computer, kadalasan ay nasa bahay lang siya nagtatrabaho, pumupunta lamang siya sa opisina dalawang beses sa isang linggo upang ipasa ang kanyang mga artikulo sa diyaryo.

"Ayos naman ba ang bago mong computer?" tanong ng kanyang asawa ng gabing iyon, habang ibinibigay nito ang isang tasa ng kape.

"Ok naman siya, mas ayos nga ito at napakalaki ng natipid natin kung bumili pa tayo ng bagong computer set sa mall." sagot ni Kobe sa asawa.

"Hay naku, ang asawa ko talaga umiral na naman ang pagkakuripot niya." nakatawang sabi ng asawa ni Kobe.

Lalong naging susob sa trabaho si Kobe. Halos gabi-gabi ay nagkaupo lang siya sa harpa ng kanyang computer at nagsuulat ng mga artikulo minsan pa nga ay umaabot pa ito ng hanggang madaling araw.

Magkahiwalay ang kwarto nilang mag-asawa at ang computer room, dahil sa wala pang anak at ginawa munang parang opisina ni Kobe ang isang kwarto katapat ng kwarto nilang mag-asawa.

Kinaumagahan, maagang umalis si Kobe upang ipasa ang artikulo sa kanyang opisina. Kasalukuyang naglilinis naman ang kanyang asawa ng kabahayan, ng papunta na siya sa kanilang kwarto na katapat na katapat lamang ng computer room ng mapasulyap siya dito at may nakita siyang isang matandang lalaki na nakaupo sa harap ng computer at isang matandang babae na parang nakasuot ng damit na pang-intsik na kulay pula.

Pumikit-pikit siya at baka sakaling namamalikmata lamang siya at sa kanyang pagdilat ay wala na ang mga ito. Pinagpatuloy na lang niya ang kanyang pagpunta sa kanilang kwarto at naglinis.

Gabi-gabi ay halos naroroon si Kobe sa computer room upang magsulat ng mga artikulo. Nang isang gabi naalimpungatan sa kanyang pagtulog ang asawa ni Kobe at nagising sa kalaliman ng gabi ay naisipan niyang silipin ang kanyang asawa sa computer room at laking gulat niya ng makita ang dalawang multo ng matandang babae at lalake sa likod ng kanyang asawa habang ito aynakaharap sa computer, ang kaluluwa ng matandang lalaki at sumanib sa katawan ni Kobe, at nagsimulang maglakad papalabas ng kanilang bahay.

Tinatawag niya ito ngunit tila hindi siya nito naririnig. Kaya nagdesisyon na lang siyang sundan ang kanyang asawa, sa kalapit na kanto nagpunta ang kanyang asawa at pumasok sa isang maliit na bahay. Pagkaraan ng ilang minuto sa loob ay lumabas din si Kobe ngunit duguan na ang kanyang mga kamay. Hindi malaman ng asawa ni Kobe ang gagawin agad siyang umuwi at nagkulong na lang sa kanilang kwarto at hinintay ang pagdating ng kanyang asawa na parang wala sa sarili.

Kinabukasan ay tinanong niya ang kanyang asawa kung saan siya nagpunta kagabi at gabi gabi siyang umaalis ng kanilang bahay. Hindi naman makasagot si Kobe sapagkat wala naman daw siyang natatandaang lumalabas siya lagi ng bahay tuwing madaling araw. Nasa computer room lamang daw ito lagi at hindi umaalis.

Nang mga sumunod na gabi ay naulit ito ng naulit. At tuwing sasapit ang bukang liwayway ay may natatagpuang patay sa kabilang barangay. Hanggang isang gabi ay may nakakita kay Kobe sa pagpatay niya sa isang lalaki sa kabilang barangay na agad nakatawag ng mga tanod at pulis, hinabol nila si Kobe at ng tumakbo ito at pinaputukan ito ng mga pulis at agad na bumulagta sa daan. Namatay noon din si Kobe, laging paghihinagpis ng asawa niya na hindi man lang nalutas ang misteryong nangyayari sa kanyang asawa. Napakabait ng kanyang asawa at hindi kayang pumatay. At nagsimula lamang magbago ang ugali ng kanyang asawa na si Kobe ng mabili nila ang computer.

Dahil sa labis na pag-iisip at pagtatagni-tagni ng mga kwento naririnig mula sa ibang tao. Napagpasyahan niyang kausapin ang technician na nagbenta sa ng computer sa asawa niya.

Umamin naman ang technician na ang computer na binenta niya kay Kobe, agad namang nagtapat ang technician at kinukwento ang lahat-lahat, noon daw na pauwi na siya galing sa isang bahay na kung saan gumawa din siya ng computer ng mapadaan siya sa may hardware store ng mag-asawang intsik sa lugar na iyon, na halos maabo na dahil sa sunog na nangyari kagabi lamang. Sa gilid ng hardware store ay may eskinita papasok sa gate ng bahay ng intsik doon niya natagpuan ang CPU ng computer, wala naman katao-tao ng oras na iyon kaya angkainterest siyang kunin ito, ngunit nagtataka siya kung bakit puro dugo ang casing ng CPU at paano ito napunta sa gilid ng bahay ng intsik, dahil sa pagtatanong-tanong at sa mga naririnig din niyang mga kwento kwento kung paano namatay ang mag-asawang intsik. Maging siya ay nagimbal din ng malamang pinagnakawan pala ang dalawang intisk ng mga trabahador din nila sa naturang hardware store, isang gabi ay pinasok daw ng mga trabahador ang bahay ng mag-asawang intsik at pinagnakawan ng makita sila ng mag-asawa ng dumaan sila sa tapat ng kwarto nito ay walang pakundangang pinagbabaril sila ng mga trabahador nila at dahil ng mga oras na iyon ay kasalukuyang gumagawa ng mga inbentaryo ng kanilang nikita at nagastos sa kanilang hardware store. Binaril ng mga suspek ang babaeng intsik na napahandusay sa kama samantalang ang matandang lalaki naman ay binaril sa ulo ng ilang beses dahilan upang magtalsikan ang mga dugo at utak nito sa casing at monitor ng computer. Iyon siguro ang dahilan kung bakit doon kumapit sa computer ang kaluluwa ng mag-asawa upang makahanap at makamtan nila ang kanilang hustisya.

Napaiyak na lamang ang asawa ni Kobe habang nagkwekwento pa ang technician. At wala na rin siyang sinising ibang tao sa nangyari sa kanyang asawa, ipinagpalagay na lamang niya na nasa matahimik na itong lugar at inisip na lang niya na nakatulong ng malaki ang kanyang asawa sa paghahanap ng hustisya ng mag-asawa intsik na walang awang pinatay at pinagnakawan ng mga taong minsan nilang pinagkatiwalaan at itinuring na kapamilya.

Wakas.

Lagim sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon