XIV. LIGAW NA KALULUWA

371 7 0
                                    

Halos sampung taon ng hindi umuuwi sa kanilang probinsya si Mila, simula ng magdesisyong magkipagtanan noon sa kanyang nobyo na ngayon ay asawa na niyang si Marco. Nanirahan sila sa Manila, at doon na din bumuo ng sarili nilang pamilya. Masaya naman sila sa buhay mag-asawa, wala namang kakaiba sa bahay na kanilang tinitirahan, at mababait pa nga ang kanilang mga kapitbahay. Isang security guard ng isang bangko si Marco, madalas naman pang-araw ang kanyang mga duty.

Halos magtatatlong linggo ng nagigising si Mila sa dis oras ng gabi dahil sa pag-iingay ng alagang aso ng kanilang kapitbahay, tila ba ito umaalulong nakakatakot at nakapangingilabot kung ito ay iyong mapapakinggan. Gabi-gabi iyon halos mapuyat nga sila sa sobrang ingay ng aso.

Isang umagang habang nag-aagahan silang mag-asawa ay napadako ang kanilang usapin sa laging pag-alulong ng aso ng kanilang kapitbahay.

"Grabe na talaga ang perwisyong dulot ng aso ng kapitbahay natin, nakakabulabog na halos gabi gabi tuloy akong puyat nito." inis na sabi ni Marco.

Sinabi ni Mila na. " Hayaan mo at itatanong ko nga sa kanilang katulong kung bakit ganoon ang kanilang aso tuwing gabi.

Habang nagdidilig ng kanyang mga tanim na halaman sa kanilang likod bahay si Mila, ay tiyempo namang nagsasampay ng damit ang katulong ng kanilang kapitbahay na may-ari ng aso.

"Oo nga ate nakakabwisit na nga rin, pati mga amo ko ay nagagalit na rin sa kaingayan ng aso namin, datirati naman ay napakatahimik naman ang asong iyan halos hindi nga iyan tumatahol kahit makakita ng tao, dahil sanay na sanay iyang makihalubilo sa tao.

"Alam mo ate, may mga paniniwala din sa aming lugar na kapag daw umaalulong ang mga aso sa hating gabi at tiyak daw na may nakikita siyang hindi nakikita at nararamdaman ng pangkaraniwang tao. Masyado kasing sensitibo ang mga pakiramdam, pang-amoy, at paningin ng mga aso kaysa sa ating mga tao. Sabi pa nga ng mga matatanda sa probinsya namin ay tiyak daw na may nakikitang kaluluwa ang mga aso kung ito ay umaalulong ng ganoon klase. Nang matapos ang kanilang kwentuhan ay nagpaalam na agad ang katulong at pumasok sa loob ng kanilang bahay. Napatingin naman si Mila sa kulungan ng aso ng kapitbahay na sinabi ng katulong na iyon ang laging umaalulong. At napansin niyang para naman itong maamo sa mga tao at hindi niya ito naririnig na tumahol man lang ng umaga kung saan madaming tao ang nagdadaan.

Natakot ako sa sinabi ng katulong ng aming kapitbahay, ibig bang sabihin eh may gumagalang kaluluwa sa lugar namin at bakit gabi-gabi itong umaalulong ng kay tagal sa ganoon ding oras ng gabi.

Isang gabi na wala ang kanyang asawang si Marco. Mag-isang naiwan sa kanilang bahay si Mila. Ipinagwalang bahala na lang niya ang mga kwento kwentong narinig mula sa katulong ng kanilnag kapitbahay. Maaga din siyang nagpasyang pumunta sa kanilang kwarto upang magpahinga at matulog na lamang dahil wala naman na siyang gagawin ng gabing iyon.

Ngunit pagsapit ng ganoon din oras ng hatinggabi, nagising muli si Mila dahil sa pag-alulong ng aso ng kanilang kapitbahay. Nakakaramdam man ng takot ay nilakasan niya ang loob niya at boung tapang na sumilip sa may bintana kung saan kita ang kulungan ng aso ng kanilang kapitbahay.

Sa kanyang pagsilip ay may nakita siyang isang matandang lalaki na nakabarong, at isang matandang babae na nakasaya, nanginginig man ay tinignan niya ng mabuti ang mga kaluluwa sapagkat para itong kahawig ng kanyang mga magulang na nasa probinsya at iniwanan niya.

Nakumpirma niyang ang mga multo ay ang kanyang mga magulang nangilid ang luha sa kanyang mga mata, nakita niya ang mga ito na tila palipat-lipat sa mga bahay doon na para bang may hinahanap.

Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang kapatid upang makatiyak sa kanyang hinala. At hindi nga siya nagkamali ng hinala, namatay daw sa isang aksidente ang kanyang mga magulang at agadna namatay, hindi daw alam ng mga kaanak niya kung saan siya kokontakin upang ipaalam sa kanya ang nangyari.

Magdamag na nag-iiyak si Mila habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama, ganoon senaryo ang nadatnan ng kanyang asawa sa pag-uwi, kaya naman ay alam na nitong may masamang nangyari sa pamilya nito.

Walang sinayang na panahon si Mila, at agad na umuwi sa kanilang probinsya, halos sampung taon na ang nakalipas mula ng umalis siya sa lugar na iyon upang sumama kay Marco. Nagkagalit pa nga sila ng kanilang mga magulang dahil ayaw ng mga ito Kay Marco, dahil noon ay may iba itong kinakasama. Ngunit hindi nagpapigil si Mila, at nakipagtanan nga kay Marco, pinutol din niya ang maaaring maging ugnayan niya sa kanyang mga magulang.

Pagdating ko sa aming probinsya ay sinalubong ako ng aking mga tiyuhin at tiyahin. At agad na akong nagkwento tungkol sa aking naging buhay sa manila.

"Sana ay mapatawad ako ng aking mga magulang sa aking mga nagawang kasalanan sa kanila, hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong humingi sa kanila ng tawad noong sila ay nabubuhay pa." umiiyak sa sabi ni Mila.

"Huwag kang mag-alala napatawad ka na nila noon pa at hindi na sila galit sa iyo, hinihintay nga nila lagi ang iyong pagbabalik upang makahingi din sila ng kapatawaran sa inyo ng asawa mo." sabi ng isa kong tiyahin.

"Teka paano mo ba nalaman na may nangyaring hindi maganda sa inyong mga magulang, hindi ka nga namin makontak at hindi namin alam kung ito sasabihin sa iyo." sabat ng aking ityuhin.

"Hindi pa nga rin po ako makapaniwala, ng isang gabi ay bigla kong nakita ang aking mga magulang sa kalaliman ng gabi sa bakuran ng aming kapitbahay, at parang palipat-lipat ho sila itay at inay at pinapasok ang bawat kabahayan sa aming subdibisyon na parang may hinahanap kaya po doon na ako kinutuban, na baka mayroon masamang nangyari sa kanila at hinahanap nila ako." pagkukwento ni Mila.

May naging paliwanang naman diyan ang isa pa naming tiyuhin. Paliwanag niya,"Maaari raw na alam ng kanyang mga magulang kung saan lugar siya nakatira sa Manila, ngunit hindi nila matukoy kung ano ang eksaktong lugar na iyong kinaroroonan, may limitasyon din daw kasi ang mga kaluluwa sa paghahanap ng mga lugar kung saan nila matatagpuan ang kanilang mga mahal sa buhay. Dagdag pa nito na "Naliligaw din ang mga kaluluwa, na kung minsan ay hindi nila alam kung saan ang mismong lugar na kanilang nais puntahan."

Literal na Naliligaw at hindi alam kung saan pupunta.

Wakas.

Lagim sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon