Ang kwentong ito ay patungkol sa isang yaya na nakaririnig ng mga hindi kakaibang tunog o ingay na nanggagaling sa kanilang basement.
Mayroon isang dalaga na nakapasok ng kanyang trabaho bilang isang yaya ng dalawang bata. Pagkaalis ng mga magulang ng dalawang bata, inihiga na niya ang mga ito sa kanilang mga kama at nagtungo sa baba upang manood ng telebisyon.
Nang walang anu-ano ay nakarinig siya ng ingay o tunog na nagmumula sa may basement. Tunog iyon ng isang washing machine na nagsimulang umandar. Nang papunta na siya sa may basement upang patayin ang naturang washing machine, ng bubuksan na niya ang pintuan ng basement, ay bigla namang nawala rin ang tunog ng washing machine para bang huminto na ito. Ipinag kibit-balikat na lamang niya iyon at muling bumalik sa may sala at muling nanood ng telebeisyon.
Limang minuto ang nakalipas, narinig na naman niya ang washing machine na umandar na muli. Dahil sa kanyang pag-aalala, agad siyang umakyat sa taas para kuhanin ang dalawang bata at sila ay tumakbo sa kalapit nilang bahay para tumawag ng pulis. Dumating naman kaagad ang mga ito ilang minuto lamang ang nakararaan, at sila ay tumungo sa may basement at kanila itong ginalugad.
Natagpuan nila doon ang isang putol na kamay ng lalaki na may hawak pang palakol, ito ay nakatago sa likod ng washing machine. Nais daw nitong akitin ang yaya na bumababa mag-isa sa basement upang mapatay niya ito ng tuluyan.
Wakas.
BINABASA MO ANG
Lagim sa Dilim
TerrorIto ay ang mga pinagsama-samang mga kwentong ng katatakutan na akin lamang nabasa mula sa iba't ibang libro at mga iba't ibang uri ng babasahin na gusto kong ibahagi sa inyo. Ito ay mga kwentong nagpapatayo ng inyong mga balahibo, magpapabilis ng ti...