XII. APARTMENT

365 8 0
                                    

Dalawang linggo pa lamang ng lumipat kami sa bago naming bahay, at isang linggo pa lamang ng umalis ang aking asawa upang muling magtrabaho sa ibang bansa. Dalawa lang kami ng aking limang taong gulang na anak. Napaka tipikal na bata si Paul laging naglalaro kahit mag-isa lang, masayahin, madaldal, at may kalikutan din tulad ng ibang mga batang kasing edad niya lamang. Ngunit bigla na lamang akong may napansin sa kanyang kakaiba, isang buwan naming lumipat sa aming bagong apartment. Para bang may nakikita siya na bagay na hindi ko naman nakikita, iba ang mga titig niya sa bawat sulok ng aming buong kabahayan lalo na sa mga madilim na parte ng bahay tuwing gabi, at minsan ay parang nauuulinigan ko siyang parang may kausap habang naglalaro sa kanyang kwarto mag-isa. At minsan ay tumatawa din siya mag-isa. Isang hapon habang nagluluto ako ng aming hapunan ay parang may narinig akong tawa ng ibang bata sa kanyang kwarto, alam na alam ko kasi ang tono at boses ng pagtawa ng aking anak kahit na hindi ko ito nakikita, intinct na ata ito ng mga ina, ngunit nitong hapon na ito ibang tawa ang aking narinig mula sa aming kwarto tawa ng ibang bata. Umakyat ako ng sa kanyang kwarto upang tignan siya, at laking gulat ko ng nakaayos ang kanyang mga laruan na pawang mga nakahilera, iyong para bang may iba pa siyang mga kalaro ganoon ang ayos ng kanyang mga laruan. Tinanong ko siya kung tumatawa ba siya kanina.

"Opo mama, nakakatawa kasi sila mama." sagot ng aking limang taong gulang na anak.

"Sila? Sinong Sila?" agad na tanong ng kanyang ina.

"Sila mama iyong mga kalaro ko mga bata din sila tulad ko lagi kaming naglalaro dito sa loob ng bahay." walng patlang na sabi ng bata sa kanyang ina.

"Bunso, eh lagi ka namang nag-iisa dito sa kwarto mo ha?" tanong muli ng ina.

"Hindi po mama, nandiyan lang sila, nagtatago lang sila kung naririnig na parating ka na." patuloy na paliwanang ng bata.

"O siya sige na nga, halika ka na sa baba at kakain na tayo." sabi ng kanyang ina. Hindi na niya inabala pa ang kanyang sarili sapagkat ganoon naman talga ang mga bata katulad ng kanyang anak, mahilig mag imagine ang mga ito na may ibang bata silang kasama o kausap kahit wala naman.

"Sige po mama, ililigpit ko lang itong mga laruan ko?" sagot ng bata.

"Sige at mauuna na ako sa baba at maghahain na ng pagkain dalian mo ok." sabi ng kanyang ina.

At tuluyan na ngang bumababa sa kusina ang kanyang ina upang maghain ng kanilang hapunan. HIndi pa man siya ganoon katagal sa kusina ng marinig niyang biglang umiyak ang kanyang anak sa kwarto.

Agad siyang napatakbo sa kwarto ng kanyang anak sa itaas, at nakitang umiiyak ang kanyang anak at ang dating mga nakahilerang mga laruan ay pawang magulo na.

"O ano nangyari sa iyo bunso? tanong ng kanyang ina sabay buhat niya dito at niyakap upang mapakalma ang bata dahil pansin niyang nanginginig ito.

"Mama inaaway na nila ako ngayon, dati naman po ay mababait sila at laging nakikipaglaro sa akin, pero kanina lang inaaway na nila ako." walang muwang na kwento ng batang limang taong gulang sa kanyang ina.

"Sinong sila bunso? Eh mag-sa ka lang naman dito di ba?" tanong uli ng ina.

Hindi na sumagot pa ang kanyang anak at yumakapa na lang ito sa kanyang ina habang nakakarga, tuloy-tuloy naman ang kanyang ina sa may pintuan upang bumababa na lang sila, at maghapunan na.

Simula noon, naging kakaiba na talaga ang kilos ng kanyang anak, parang laging takot, tinitignan ang bawat madidilim na sulok ng kanilang bahay, lalo na kung gabi at patay na ang lahat ng ilaw sa kabahayan.

Kinabukasan ay nagpaalam muna ang kanyang ina upang maligo at pumunta sa banyo sandali, kasalukuyan naman kasing nanonood ng telebisyon ang bata, kaya maaari niya naman itong iwan sandali upang makapagpapresko ng kanyang katawan dahil sa sobrang init ngayong hapon na ito. Hindi pa man matagal sa banyo ang kanyang ina ay kumatok na ang bata.

"Mama tapos ka na ba?" tanong ng bata.

."Hindi pa bunso, pero malapit na hintayin mo lang ako dyan." sagot ng ina.

"Mama dalian mo nandiyan na sila, gusto nila akong isama sa labas para maglaro." sambit uli ng bata.

"Ha? Hindi kita maintindihan anak? Sige dadalian ko na hintayin mo na lang ako dyan? sagot ng ina.

"Mama dalian mo hinahatak na nila ako papalabas, sinabi ko na po sa kanilang ayoko maglaro sa labas eh." sabi ng bata.

Paglabas ng kanyang ina sa banyo ay laking gulat niya ng may humahatak nga sa kanyang anak na mga bata, mga tatlo sila, mapuputi ang mga balat, at maging ang mga mata nito ay kulay puti din, para itong mga zombie sa pelikula.

Natatakot man at nagulat, agad na hinawakan niya ang kanyang anak at mahigpit na niyakap upang hindi ito mahila ng mga batang multo sa labas ng bahay. Napapikit na lamang siya at umusal ng dasal, sa muling pagdilat ng kanyang mga mata ay nawalang ding parang bula ang mga kaluluwa ng mga batang gustong isama ang kanyang anak.

Agad na nagmadali ang kanyang ina at nag-impake agad ng mga ilang damit nila, doon muna sila tutuloy sa bahay ng kanyang mga magulang upang malayo sa kapahamakan ang kanyang anak, hindi na niya kayang isakripisyo ang buhay ng anak matapos ang kanyang nasaksihan.

Agad niyang tinawagan ang kanyang asawa na nasa ibang bansa upang sabihin ang mga nangyari. Sinabi pa nito na:

"Hinding-hindi na kami babalik pang muli ng ating anak sa apartment na iyon." sabi ng ina.

"Paano na iyan bagong bili pa naman natin ang bahay na iyon, sino ng titira doon?" tanong ng kanyang asawa.

"Huwag mo ng panghinayangan ang mga bagay na iyon, maaari naman natin muling ibenta sa iba ito o kaya ay paupahan na lang natin ito." sagot ng ina.

"Hinding-hindi ko panghihinayangan iyon kung ang kapalit naman ng pagtira namin doon ay buhay ng ating anak." paliwanag ng ina.

"Siya sige kung ano man ang gusto mong gawin doon sa bahay na iyon ay ikaw ang bahala, pansamantala ay dyan na muna kayo sa bahay ng mga magulang mo upang mapanatag na ang loob mo. Maghahanap na lang muna uli tayo ng pansamantalang apartment na rerentahan ninyo sa susunod.

"Salamat, at naiintindihan mo ako at pinaniniwalaan mo ako, kahit na alam kong hindi rin kapani-paniwala ang mga kwento ko." sabi ng ina.

"Siyempre naman malaki ang pagtitiwala ko sa iyo, eh asawa kita, at naniniwala ako sa mga kwento mo tungkol sa bahay." sagot ng ama.

Wakas.

Lagim sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon