Part 1-2

56 3 0
                                    


Mag-aalas-otso na ng gabi nang makarating ako sa mataong Sevilla Avenue.

Maraming prominenteng restaurant sa paligid ng Sevilla Avenue. Nakikita ko pa lamang sila ay natatakam na agad ako. Mula sa puwesto ko, matatanaw sa kabilang kalye ang Miyoko Restaurant na sikat dahil sa kanilang beef ramen.

Salamin ang harapan ng restaurant. Dilaw ang ilaw sa loob kaya lalong naging kapansin-pansin ang Japanese custom nito. Napansin ko ang isang middle-aged couple sa loob ng restaurant na animo'y nagde-date. Huli na nang mapagtanto kong hindi lamang pala sila basta mga stranger. Mga magulang pala sila ni Miyoko.

Marahil ay ipapakilala rin ni Miyoko ang bago niyang girlfriend sa mga magulang niya. Madalas kasi ay sa akin lamang niya ipinapakilala ang mga dati niyang naging syota. Takot kasi siya na baka hindi sila magustuhan ng kanyang mga magulang. Sinabihan kasi siya isang beses ng kanyang mga magulang na dapat ang mapapangasawa niya ay mula sa isang mayamang pamilya katulad nila. Or should I say, katulad namin.

Pero dahil dati naman siyang babaero, hindi naman talaga niya kailangan pang ipakilala sa mga magulang niya ang mga naging babae niya. Pero marahil exception itong bagong babae niya.

Bigla na lamang kumurap ang streetlight. Nang ibaling ko ang aking paningin sa kalapit na poste ay nahagip ng aking mga mata ang isang babae. Nakasandal siya sa poste, cross-armed at kaliwa't kanan ang tingin. Marahil katulad ko ay may hinihintay rin.

Para sa iyong kaalaman, hindi ko susulyapan nang dalawang beses ang isang babae kung hindi ito maganda. Kaya muli kong tinignan ang babae mula sa sulok ng aking mga mata. Kahit kalahati lang ng kanyang mukha ang nakikita ko, alam ko na may itsura siya. Fair ang complexion at may kalakihan ang dibdib. Dumako ang aking mga mata sa bandang ibaba. Maiksi ang skirt na suot niya, kaya kitang-kita ko ang makinis niyang mga hita. At ang kanyang puwitan? Well, totoong meron siyang maipagmamalaki. To sum it up, siya ang ideal girl ko.

Sa isang iglap, napatingin ang babae sa akin. Hindi lang basta nagkita ang aming mga mata, nakita ko ang buo niyang mukha. Feeling ko nakakita ako ng anghel na nahulog mula sa langit.

Mabilis kong ibinaling sa ibang dako ang aking paningin. Ewan ko pero parang bumilis yata ang tibok ng aking puso.

Sampung minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin dumarating si Miyoko... Sampung minuto ang muling lumipas. At kung sampung minuto pa ang muling lilipas ay talagang mauubos na ang pasensya ko sa kakahintay.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at nagtext, "Hoy! Nasaan k n b?" Mabuti at nakakapag-send pa rin ang aking cellphone na nabagsak sa sahig kanina.

"Sorry... Ang traffic kasi ngayon," mabilis niyang textback.

"FAMOUS WORDS!"

Sa sobrang kainipan ay nilabas ko na ang aking lighter at isang pakete ng sigarilyo. Sa totoo lang hindi ko naman dating hilig ang paninigarilyo. Naninigarilyo lang kasi ako pag kasama ko ang mga kaibigan na karamihan ay mga smoker. Para masabi ko lang na nakiki-join ako. Pero napansin ko nga na nagiging habit ko na rin ito. Sinindihan ko ang isang stick ay bumuga ang puting usok palabas ng aking bibig.

Maya't maya ay naglakad ang babae patungo sa aking direksyon na naka-cross-armed pa rin. Totoo ba 'to o nananaginip lang ako? Madalas kasi ako ang lumalapit sa mga babae. Pero ngayon, babae na ang lumalapit sa akin.

"Want some?" Tanong ko sabay pakita ng pakete ng sigarilyo.

Nagulat ako dahil malayo sa inaasahan ko ang kanyang naging tugon, nang magsalita siya:

"Sana magtanong ka muna sa mga tao sa paligod mo kung okay lang na manigarilyo ka. Nakakahiya naman kasi sa akin. Hindi kasi ako naninigarilyo tapos nalalanghap ko 'yung usok ng sigarilyo mo."

Napanganga ako, at nahulog mula sa aking bibig ang sinindihang sigarilyo.

"Ahm, pwede po ba akong manigarilyo?" kinakabahan kong tanong.

"Hindi pwede!" bulalas niya, sabay talikod at balik sa dati niyang puwesto.

'Yan ang gusto ko samga babae ngayon. Ang tatapang. Kaya naman lalo akong nagka-interes sa babae na ito.



Crossroads (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon